John Lapus gives his take on Vice Ganda’s "rape joke"

Wala raw intensiyong makipagkumpitensiya si John Lapus kay Vice Ganda sa gagawin niyang anniversary concert, ang Sweet In A Box, sa June 15. Sabi ni Sweet, "Makikipag-compete ba ako kay Vice na nakakapuno ng Araneta, at lahat ng sabihin ay pinag-uusapan sa social media, di ba?"


Maraming mga artistang papangalanan si John “Sweet” Lapus sa kanyang monologue sa nalalapit niyang comedy concert, ang Sweet In A Box, sa Music Museum na gaganapin sa June 15.

Ang concert ay bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 20th year sa showbiz.

Kapuna-puna sa kanyang comedy skit ang mga pangalan nina Superstar Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta, at ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Hindi ba siya natatakot na marami siyang mababanggit na pangalan at may kasamang pang-ookray?

Sagot ni Sweet, “Bakit naman? Ako naman… usually naman my jokes are really based on reality.

“The fact na natawa kayo, kasi alam niyo na I don’t… sabi ko nga kanina, hindi po ako spontaneous na tao.

“Kaya ako, humahanga ako sa mga spontaneous na tao, katulad nina Vice [Ganda], Chokoleit, sanay ang mga ‘yan. Bigyan mo lang ng mic, showtime na.

“Ako, lagi akong may bala, e, hindi puwedeng wala.

“Kaya lagi akong mayroong script na mini-memorize.

“So it’s a fact na yung upbringing ko sa theater, dala ko nung naging stand-up comedian na ako, maski noong when I was starting sa The Library.

“Sinasabi ko kay Mamu Andrew de Real na dapat meron akong script, kasi dun ako sanay.

“Hindi ko kayang maging spontaneous na… kasi madali akong ma-rattle.

“Kaya pag may show ako," patuloy niya, "lagi kaming may script reading, may question-and-answer portion with my writers, para alam namin kung okay ba ito at kung okay yung ganyan.

“Kaya napansin ninyo, yung mga punchlines ay based on reality kaya everybody would know… para walang ’what if.’

“Kasi yung ibang stand-up comedian, nagwa-’what if,’ e…

“Parang that’s what happened ’ata kay Vice, e, nag-’what if’ siya.”

Ang tinutukoy ni Sweet ay ang “rape joke” ni Vice tungkol sa broadcast journalist na si Jessica Soho sa nakaraang concert ng It’s Showtime host na I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kasi sa ginawang katatawanan ni Vice ang timbang ni Jessica ay nagbiro pa ito na kung sakali raw maging “bold star” ang broadcast journalist ay “gang rape” ang mangyayaring eksena.

(Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho)

Dagdag pang paliwanag ni John, “Name-calling, ever since naman, maingat ako sa ganyan, e, di ba?

“Ako yung una sa ganyan, sinabi ko na ’yan dati nung ‘Prangka Ka John’ days…

“Kasi, I don’t know kung naaalala ninyo, during my time, yung ‘Prangka Ka John,’ that’s on Philippine television pa, wala akong pakialam na dun sa pang-ookray ko ng mga artista…

“To the point nga na yung isang show sa GMA, yung show yun ni Lyn Ching [ETChing], gumawa sila ng VTR at in-interview nila lahat yung mga inokray ko, gumawa sila ng isang full-blown VTR.

“Ang ending tuloy, lalong tumaas yung ratings ng Cristy Per Minute that time.

“But eventually, kasi naging artista na rin ako, so I realized na, ‘Oh, my God, ngayong artista na rin ako, parang sooner or later, liliit yung mundo mo, sooner or later makakatrabaho mo yung mga inookray mo.’

“And that’s the reason why I resigned from Cristy Per Minute years ago.

“And after resigning, I apologized to all of them na naokray ko.

“And some are really nice in person, especially Lyn Ching.

“I saw her in a premiere night ng isang pelikula, nakita ko siya, nilapitan ko siya.

“Sabi niya… nagpasalamat nga daw siya sa akin kasi naging conscious siya sa weight niya. At after noon, nagpa-sexy na siya nang napakabongga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet last Friday, May 31, sa Kenny Rogers, Quezon Avenue para sa script reading at mini-presscon para sa nalalapit niyang show.

PIONEER IN PANG-OOKRAY. Hindi naman daw proud si Sweet sa mga pang-ookray niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Admittedly, ako ang nauna sa mga ganyan.

“I know it’s something na not to be proud of.

“Pero, in a way, that’s an achievement na what I started in the past, yun na ang nagiging trend ngayon.”

Masasabi ba niyang hindi naging mainit na usapin ang pang-ookray niya noon dahil hindi pa uso ang social media during that time?

Sagot ni Sweet, “Maaari din, baka din.

“Pero ako, maski sa sarili ko, very sensitive ako sa mga ganyan.

“I make sure na ang jokes ko are… but of course, jokes are jokes.

“I make sure na ang mga punchlines ko are basically based on reality.

"Kasi mahirap mag-punchlines na yung inookray mo yung isang tao, hindi naman alam nung mga tao na ganun siya.

“Ako, kahit showbiz insider ako, yung mga private joke... hindi ako nagpapasok ng mga private joke. Dapat yung nakaka-relate yung mga tao.

"So, yun.”

VICE GANDA CONTROVERSY. Ano naman ang masasabi ni Sweet sa naging kontrobersiya sa nakaraang concert ni Vice?

Tugon niya, “Ang sabi ko nga, ‘Been there, done that.’

“Kasi forte naman talaga ni Vice yung ganung punchlines, yung pang-ookray, yung spontaneous.

“And bumilib naman ako sa kanya at nag-apologize naman siya.

“Ganun lang kasimple— pag may na-hurt, mag-apologize ka lang naman.

“Kasi naman, gusto lang niyang magpatawa… of course, wala siyang balak kutyain ang mga rape victims.

“But then again, lessons learned na, oo nga naman, very sensitive yung topic.”

May pressure ba sa kanya na malagpasan ang naging success ng concerts ni Vice?

Sabi ni Sweet, “Ay, hindi, hindi ako ganun!

“Sinabi ko na rin dati, hindi ako napi-pressure.

“Kasi, di ba, ako rin ang unang bakla na nag-perform sa malaking venue via This Is It, year 2000, sa Folk Arts Theater?

“Wala na sa akin yung comparison.

“Maturity, I guess, twenty years in showbiz, hindi ko na dapat kinu-compare ang sarili ko kanino man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang feeling ko, I am as good as my last performance.

“Mas nakikipag-compete ako sa sarili ko kaysa sa ibang tao.

“Kasi, otherwise, kung nakikipag-compete ka sa ibang tao, baka dadamputin ka sa pansitan!

“Ano naman ang laban mo dun sa… makikipag-compete ba ako kay Vice na nakakapuno ng Araneta, at lahat ng sabihin ay pinag-uusapan sa social media, di ba?

“Ako nga, sinasabi ko nga, na bilang nagawa ko na in the past, noong panahon ko, kung uso noon ang social media, baka nangyari din sa akin ‘yan.

“Pero kanya-kanyang panahon ‘yan.”

Sa ngayon daw ay masaya lang si Sweet na steady ang kanyang career sa showbiz.

Sabi niya, “Ako, happy lang ako na after twenty years, nandito pa rin ako.

“That’s why I’m celebrating, that’s why may Sweet In A Box, para ma-celebrate ko yung twenty years ko sa showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN