Max Collins on being heiress apparent to Marian Rivera’s Primetime Queen title: “I like the challenge."

Malaking karangalan daw para kay Max Collins kung sakaling ikunsidera siya bilang isa sa maaaring pumalit sa trono ni Marian Rivera bilang Primetime Queen ng GMA-7. Sabi niya, “I like the challenge. I like to be challenged and I’d feel very pressured because Marian’s shoes are such big shoes to fill."


Last year ay lumipat si Max Collins—dating Isabella Abiera—mula ABS-CBN papuntang GMA-7.

Nagyong tila nauuso na naman ang lipatan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max kung ano ang masasabi niya sa paglipat ng mga artista sa ibang networks.

Sagot niya, “Sometimes it’s for the best siguro.

“Kasi, parang wherever you’re more comfortable as an actor, wherever you feel you’re more accepted, or more, you’re given better opportunities, di doon ka.

“Kung saan ka masaya, doon ka.

“Because it’s hard to work in an environment that you’re not comfortable in.

“And there comes a time, I think, that bilang mga artista, parang gusto mong mag-grow.

“And then, if you feel like you’re not growing anymore, you try other stations siguro.”

Si Max ay wala naman daw balak na lumipat uli ng istasyon.

Sabi niya, “Pero ako, happy talaga ako sa GMA.

“Lahat ng projects na ibinigay nila sa akin, napakaganda and talagang inaalagaan nila ako—I’m so thankful for that.”

Sa palagay ba niya at tama ang naging desisyon niya na lumipat sa Kapuso network?

“Yes! Tama talaga, because I wouldn’t be where I am now kung hindi ako lumipat sa GMA,” sagot ni Max.



BIGGEST PROJECT. Isa’t kalahating taon na sa GMA-7 si Max. Ano ang maituturing niyang pinakamalaking pagbabago sa kanyang buhay mula nang lumipat siya rito?

“Yung Pahiram Ng Sandali!” bulalas niya.

“Because that’s the biggest role I’ve ever been given and I worked with such amazing actors.

“So it was such a blessing for me, tapos parang doon ako na-recognize, doon ako nabigyan ng respect.

“Kasi it was such a big role na binigay sa akin at doon po ako nag-mature.”

Paano kung mag-offer muli sa kanya ang ABS-CBN kapag natapos na ang tatlong taon niyang kontrata sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “I will leave it to the management to decide.

“But ako, for me, loyalty is a big factor to me, but I will still let my management decide para sa akin.”

Si Max ay nasa pangangalaga ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment Inc.

HEIR TO THRONE. Bilang isa sa mga bagong leading ladies ng Kapuso network, isa si Max sa sinasabing maaaring pumalit sa kasalukuyang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ano ang mararamdaman ni Max kung sakali ngang ikunsidera siya bilang kandidata sa trono ni Marian?

Sagot niya, “Honored, sobrang honored!

"Napakalaking responsibility to take on the role of a Primetime Queen and… I would be honored.”

Honored and pressured?

“I like the challenge. I like to be challenged and I’d feel very pressured because Marian’s shoes are such big shoes to fill.

“But I just want to be myself and then kung magustuhan ako ng mga tao, kung tanggapin nila ako bilang si Max, and kung sumikat man ako bilang si Max, then I’ll be so happy.

“But I don’t want to compare myself to other actresses... iyan.”



MEXICANOVELA. Ano ba ang dream role ni Max?

“Spanish telenovela... dream lang.

“Parang... like, di ba, may Marimar, may Maria Mercedes, tapos Maria la del Barrio?

“Parang ganoon, yung mga Mexicana na telenovela.

“Mahilig lang kasi ako sa mga ganoon, yung love story.

“And I think... I mean, iyon yung nagugustuhan ng mga tao, e—yung kilig factor ng love story nila.”

Would she go out of her way na humingi sa GMA-7 ng isang Mexicanovela project?

Tugon ni Max, “Hihintayin ko lang po.

"Kasi I’m not... hindi ko po karapatan na manghingi ng dream role.

“Kasi sobra-sobra na po yung ibinigay nila sa akin, ang ibinigay sa akin ng GMA.

“So whatever they give me, I’ll be happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALL READY. Handa na rin daw si Max na magpaseksi onscreen.

“Para sa project na ganoon, yung parang Mexicanovela, opo.”

How far would she go? Na-offer-an na ba siya ng FHM ?

“Opo,” sagot niya.

Pero tumanggi raw ang PPL sa offer ng FHM.

Paliwanag ng 20-year-old actress, “I feel na sa tingin nila, hindi pa time, hindi pa po time.”

Kung siya ang tatanungin, papayag ba siya na mag-pose nang sexy para sa FHM?

“Sa ngayon po, huwag muna siguro, maybe in a few years.

“Ayoko kasing magbago po ang image ko as of now...

“Because baka kung maging sexy ang aking image, magbabago rin ang mga roles na ibibigay po sa akin.

“So sa ngayon, masaya naman po ako sa mga roles na ibinibigay sa akin, so I don’t want to do anything drastic as of now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN