Rochelle Pangilinan refuses to divulge reason why boyfriend Arthur Solinap does not want her to pose for men’s magazines

Nilinaw ni Rochelle Pangilinan na bagamat nakikisosyo na sila ni Arthur Solinap sa negosyo ng ama ng aktor, hindi ito nangangahulugan na magbabalak na silang magpakasal.


Inamin ni Rochelle Pangilinan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumaan siya financial crisis at naayos lang ito noong nakaraang taon.

“Natahimik ang buhay ko! Tapos siyempre, lovelife masaya, family masaya,” sabi ng dancer-actress.

Bago ba last year ay magulo ang buhay niya?

“Hindi naman magulo, magulo lang sa pinansiyal! Nagkagulu-gulo lang... ganoon, marami pong bayarin!” natatawang sabi niya.

Paano naayos?

“Isa-isa. Marami namang dumating na shows, maraming dumating.”

Noong mga panahon na member pa siya ng SexBomb, marami rin naman siyang raket. Hindi ba natustusan nito ang mga pangangailangan niya?

“Okay lang, tama lang naman.

"Kung ano yung trabaho mo, iyon din ang kabayaran.

“So, sa financially, okay lang—nakakapantawid-gutom.”

BUSINESS PARTNERS. Magkasosyo ngayon si Rochelle at ang boyfriend niyang si Arthur Solinap sa sugarcane business ng ama ni Arthur sa Iloilo.

Sa ganitong aspeto na may sosyo sila sa negosyo ng ama ni Arthur, papunta na ba talaga sa kasalan ang kanilang relasyon?

Tugon ni Rochelle, “Wala pa naman po, nag-i-invest lang kami.

“Kasi, hindi naman porke nag-invest ka ng ganoon sa isang negosyo, kikita siya nang agad-agad, e.

“Sakahan po, nagre-rent lang ako sa kanilang lupain.”

Nitong summer ay sa Marinduque raw sila nagbakasyon ni Arthur kasama ang pamilya ng boyfriend.

“Five days kami doon.”

At dahil may usapan sila ni Arthur na hati sa mga gastos, hati rin daw sila sa mga gastos sa kanilang Marinduque vacation.

“Siyempre! Bakit hindi?

"Pero ngayon, kunyari nagastos namin P27,000, ang binayaran namin, divided by four!”

Pati raw ang parents ni Arthur ay nakihati sa gastos.

“Oo, ganoon! Malinaw kami doon,” sabi ni Rochelle.



NOT IN FAVOR. Napag-usapan din ang tungkol sa pagtutol ni Arthur na mag-pose nang sexy si Rochelle para sa kahit na anong men’s magazine. Ano ba ang ibinigay na rason sa kanya ni Arthur?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Rochelle, “Ayoko pong maka-offend sa iba, amin na lang iyon kung anuman iyon [rason].”

Kung kissing scenes sa isang TV or film project, tututol din ba si Arthur?

“Hindi naman... kung hinihingi naman talaga ng eksena.

“Naniniwala kasi kaming dalawa na kung ano yung eksena o kung ano yung role na ginampanan mo, siyempre huwag lang yung masyado.

“Siyempre alam mo na naman kung ano yung mga limitations mo.

“Kasi, hindi ka na naman bata para isa-isahin sa iyo kung anu–ano yun.”

So, ano lang ang puwede?

“Smack, ganoon.”

Hindi puwede ang torrid kissing scenes?

“Kahit naman po ako, maiilang din ako.

"Bago dumating sa kanya, sasalain ko na... medyo hindi ko rin naman talaga carry."

Dagdag niya, “Medyo may pagka-Maria Clara naman talaga yung lahi namin, kahit sexy yung isinasayaw ko sa TV.

“So pag ganoon, konti lang, may limitasyon.”

Papaano kung pang-indie film o panlaban sa film festivals at kailangang maging daring si Rochelle?

“Gaano po ka-sexy, like mga rape scene?" balik-tanong naman niya.

"Hirap talaga po ako.

“Like sa Amaya dati, yung kissing scene namin ni Sid Lucero, medyo talagang inabot ako ng take seven yata yun?

“Kasi, nahihirapan talaga ako sa ganoon.”



PARTY PILIPINAS. Ano naman ang naramdaman ni Rochelle sa pagkawala ng Party Pilipinas, kung saan isa siya sa mga mainstay ng programa?

Sabi niya, “Una kong naramdaman siyempre, nasaktan ako, nalungkot. Kasi, maraming tao na mawawalan ng trabaho.

“Pero siyempre, kasi naniniwala kasi ako, bilang Kristiyano, e, kung nagkakaroon ng ganoong problema, be happy kasi pinapatatag ka ng Diyos.

“At saka kung may pintong nagsasara, e, siguradong may bintanang magbubukas.”

Mula raw kasi nang magsimula sa Party Pilipinas ay kasama na siya rito.

“Simula’t sapul, original cast,” deklara niya.

“Sayang din kasi nandoon na yung bonding, lalo na yung ’Sayaw Pilipinas,’ yung ’Sexy Hataw Girls’...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So sayang din kasi, puwedeng… well, sabi ko, bilog lang naman ang mundo.”



SHELVED. Nanghinayang naman si Rochelle sa pagka-shelve ng indie project nila ni Rocco Nacino na Lam-ang kahit sixty percent na raw ang nasu-shoot nila.

“Iyon ang sayang, doon ako nanghinayang!

“Sabi ko nga kay Rocco, ‘Kung mayaman-yaman lang tayo, naituloy na ito.’

“Wala na, kasi iba na hitsura namin ni Rocco, cute pa ako doon.

“Cute pa ako dun?!” tawa ni Rochelle.



STILL BONDING. Itinanggi naman ni Rochelle ang isyung nagde-dedmahan daw sila ng mga dati niyang kagrupo sa SexBomb.

Sabi pa niya, magkakaibigan pa rin sila, lalo na silang mga original members.

“Yung mga bagets, yung mga bagong pasok, hindi ko masyadong naka-bonding.”

Ano naman ang masasabi niya sa paghihiwalay ng kamiyembro niyang si Jopay Paguia at ng Maneouvres member na si Joshua Zamora?

Sabi ni Rochelle, “Actually, ako ang huling nakarinig niyan, e.

“Alam mo, noong nalaman ko lang na hiwalay sila, noong kay Kris Aquino na ininterbyu sila.”

Bakit hindi sinabi sa kanya ni Jopay?

“Minsan ganoon si Jops, minsan nasasaktan na hindi pa sinasabi.

“Tsaka saan ka nakakita sinasabi na sa iyo on national TV na hindi ka niya mahal? ‘Bakit ayaw mo pang umalis diyan?’

“Paggising niya daw, hindi na daw siya mahal. Ha!?

“Kung nandoon ako, naku, ‘Halika na dito, alis ka diyan!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN