Protégé winner Jeric Gonzales prefers Thea Tolentino over Zandra Summer

Gusto muna raw magpaganda ng katawan si Jeric Gonzales bago sumabak sa mga proyektong sexy ang tema. Aniya, “Kung ako po mismo, kung talagang ma-attain ko yung ganoong katawan, papayag ako. Pero sa ngayon, kahit sa mga seksing eksena sa TV o pelikula, hindi pa po ako ready, e.”


Aminado si Jeric Gonzales na nahirapan siya sa mga eksenang inaapi o nagsusungit siya kay Thea Tolentino sa primetime series nilang Love & Lies.

Sa totoong buhay kasi ay very close sila pero kailangan gawin ito ni Jeric dahil sa takbo ng kanilang teleserye na magtatapos na sa Biyernes, June 7.

Natatawang kuwento ni Jeric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mahirap, mahirap.

“Mahirap at first, kasi yung scene nga na iyon, hindi ako makapagseryoso.

“Hindi ko magawang magalit sa kanya, kasi siyempre lagi kaming magkasama.

“Tapos, yung scenes namin kiligan, tapos biglang magagalit ako sa kanya ng ganoon.

“Sobrang rude, e, talagang ibinato ko yung baso.

“So, at first, parang natatawa ako. Pero dahil siyempre kailangang gawin yung scene, so ginawa ko.

“Pero hindi fully na maano ko sa sarili ko na galit ako sa kanya, e. Medyo lang.”

Nag-sorry raw si Jeric kay Thea after every take ng mga ganoong eksena.

“Nag-sorry po ako sa kanya, siyempre.”

Sina Jeric at Thea ang winners ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

THEA’S APPEAL. May appeal ba si Thea kay Jeric?

“Oo naman po!” at tumawa ang young actor.

“Si Thea po yung babae na, alam mo yun, tipikal na Pilipina na conservative.

“Tapos maganda, tapos siya yung pag naging girlfriend mo siguro, hindi mo siya lolokohin...

“Parang siya po yung tipong ganoon, tapos mahinhin.”

Bakit balitang ang nililigawan daw niya ay si Zandra Summer, na finalist din sa Protégé?

Pero sabi ni Jeric, “A, hindi po totoo yun, hindi po. Kaibigan ko lang po si Zandra.

“Siguro lang po noong Protégé, talagang very sweet kami.

“Tapos hanggang ngayon, hindi naman nagbabago yung samahan namin, e, bilang mga protégés.

“Ang tawagan kasi namin hanggang ngayon, ’Babe.’ So nami-misinterpret noong iba na, babe—na may something sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang totoo po noon, wala po talaga.”

Pinanindigan ni Jeric na hindi niya nililigawan si Zandra.

“Hindi po... hindi po totoo yung kay Zandra”

Given the chance, sino ang liligawan niya?

“Siyempre po, kung mabibigyan ako ng chance, si Thea,” tugon ni Jeric.

Pero hindi niya nililigawan si Thea?

“Sa ngayon po, hindi pa po, kasi ano pa po, e, career po muna.

“Tsaka marami pa pong priorities... tsaka workshops, para po ma-improve.”



GOING SEXY. Kasama raw sa improvement na ginagawa ni Jeric para sa kanyang sarili ay ang pagwu-workout. Magpapaseksi na ba siya?

“Hindi naman po magpapaseki, magpapapayat lang po,” sabi niya.

Okay lang ba sa kanyang lumabas sa mga underwear fashion show?

“Sa ngayon po, hindi pa po, e. Kasi hindi pa naman ganoong ka-toned ang katawan ko.”

Kung toned na ang katawan niya?

“Depende po, malalaman po natin kung kakayanin kong magpapayat nang ganoon.

“Kung ako po mismo, kung talagang ma-attain ko yung ganoong katawan, papayag ako.

“Pero sa ngayon, kahit sa mga seksing eksena sa TV o pelikula, hindi pa po ako ready, e. Sa ngayon, hindi pa po ako ready.

“Siguro po, i-work out ko muna yung acting ko, lalo na po sa drama—iyon po kasi ang gusto kong ma-specialize.

“Later on po, pagka na-improve ko na po iyon, siguro po puwede po.”

Adjusted na ba siya sa pagiging artista?

Sabi ni Jeric, “Sa ngayon, masasabi ko na from Protégé, talagang na-improve ko na po yung sarili ko.

"Pero siyempre, hindi pa rin po ako nakukuntento.

“Kasi gusto ko po talaga, yung mas gamitin ko yung chance na gumaling pa po ako.”

Nadagdagan ba ang confidence ni Jeric ngayong nasa showbiz na siya?

“Oo, sobra! Sobra. Bale noong nakasama ko na yung mga co-artists ko sa Love & Lies, iyon talagang tinuruan po nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siyempre, na-feel ko na talaga na artista na ako.”



NEW PROJECTS. Nalungkot naman si Jeric sa pagkawala ng Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

Sabi niya, “Opo. Actually, kami naman pong mga Protégés, since bago pa lang kami doon, hindi naman po kami yung sobrang nalungkot.

“Nalungkot lang po kami, kasi nakita namin yung emotions noong mga regular na doon, mga three years na.

“Actually, si Direk Mark [Reyes], naging emotional siya, umiyak siya, e.”

Si Mark Reyes din ang direkrtor nila sa Love & Lies.

“For three years nga naman, sama-sama sila. Tapos, out of nowhere, biglang nawala.

"So iyon, nalungkot din kami."

Umaasa naman si Jeric na makakasama siya sa papalit na programa sa Party Pilipinas, ang Sunday All Stars.


Ano ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng Love & Lies?

“Sa ngayon, wala pa po, e... yung Teen Gen, sana po ma-extend.”

Kapag walang trabaho, ine-enjoy pa rin daw ni Jeric ang pagiging teenager.

“Pag wala pong trabaho, nanonood ng movies kasama yung mga Teen Gen, kakain kami, tapos computer games.”



MOTIVATION. Sa tingin ba ni Jeric ay mararating niya ang narating na ni Alden Richards, na kagaya niya ay taga-Laguna rin?

Sabi niya, “Actually po si Alden, sobrang sipag niya, tapos sobrang yung pakikisama niya maganda—sa production tsaka sa lahat ng tao.

“Tapos, nandoon kasi yung ano niya, yung sa tingin ko, yung sa nanay niya ang pinaghuhugutan niya kaya talagang sobrang inspired niya.

“Siguro iyon yung naging motivation niya, ginagawa niya iyon para sa mga taong mahal niya—may goal talaga siya.”

Ang ina ni Alden ang number one supporter sa pagpasok nito sa showbiz, pero pumanaw ito bago pa man sumikat ang young actor.

May pinaghuhugutan din ba si Jeric?

“Meron din po, sa pamilya ko. Especially yung kapatid ko, yung kuya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, yung kuya ko po, dati, nakakapag-work siya. Pero simula noong naaksidente siya, nahirapan na siyang mag-work kasi inoperahan siya.

“So ang goal ko, matulungan siya.

“Siyempre yung parents ko, maibalik ko naman yung mga ginawa nilang pagpapalaki at pagpapaaral sa akin.”

Ito ang dahilan kaya nag-iipon si Jeric.

“Nagse-save ako, tapos ibinibigay ko sa nanay ko. Siya ang pinagtatago ko.

“Sabi ko, ‘Pagtago ninyo po ako ng pera.’

“Kasi hindi pa ako ganoon kagaling mag-save, mag-ipon, so siya po ang pinagtatago ko.

“So sa akin, allowance lang... pang-gas, pangkain, pambili ng damit.”

Nitong nakaraang summer ay hindi siya nagbakasyon sa magagandang summer destinations tulad ng Boracay.

Paliwanag ni Jeric, “Hindi ko pa po afford, e, hindi pa po.

"Kasi po gusto ko po pag nagpunta ako doon, kasama ko ang buong family ko para masaya.

“Bago pa lang naman po ako, pero darating din po ako diyan.

“Gusto ko po talaga na pinapa-experience ko sa family ko ang kinikita ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN