Charice’s coming out makes it to international news headlines

Hindi lamang sa Pilipinas naging malaking balita ang pag-amin ni Charice tungkol sa kanyang pagiging tomboy, kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay dahil sa nakagawa na rin ng pangalan ang Pinay singer sa international music scene.


Headline ngayon sa international newspapers, online sites, at magazines ang pagtatapat ni Charice na tomboy siya.

"Charice Pempengco is gay" ang headline ng OK! Magazine; "Charice Pempengco Confirms She’s a Lesbian" ang news item ng Us Weekly; "Glee’s Charice Is Out Of The Closet As A Proud Lesbian " ang banner story ng celebrity blogger na si Perez Hilton; "Charice Pempengco, former ’Glee’ actress, Comes Out " ang report ng CBS News; "Philippine pop star Charice says she’s a lesbian" ang headline news ng New Straits Times ng Malaysia; at "Charice, former ’Glee’ star; comes out as lesbian in tearful TV interview" ang balita ng New York Daily News; "’Glee’ alum Charice comes out" ang sabi naman ng Entertainment Weekly.

Inamin ni Charice ang tunay niyang pagkatao sa The Buzz ng ABS-CBN noong Linggo, June 2.

Sa isang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya, sinabi ng 21-year-old international singing sensation, “[M]eron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally... pero pinili ko po rito [sa Pilipinas] dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino dahil na-feel ko na gusto kong sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…”

(Read: Charice: Opo, tomboy po ako.")

Napatunayang totoo ang sinabi ni Charice dahil kahit sa isang local talk show niya inamin ang pagiging tomboy, naging laman ng international news ang kanyang rebelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN