Willie Revillame to focus on his business ventures after contract with TV5 expires

Sa pagtatapos ng kontrata niya sa TV5 sa Oktubre, pagtutuunan na raw muna ng pansin ni Willie Revillame ang kanyang mga negosyo. Rason niya, "Sa mundong ito, dapat meron kang alam sa business. Katulad namin [artista], kapag wala ka na, what’s next? Maghihintay ka na lang ng tatawag sa ‘yo, magte-taping ka... mahirap. May mga namamatay na artista na walang-wala, ni pambili ng kabaong wala. Dapat marunong ka mag-manage ng sarili mo.”


Gusto na raw tutukan ni Willie Revillame ang kanyang mga negosyo pagkatapos ng kanyang kontrata sa TV5.

Matatapos ang kontrata ni Willie sa October 15, 2013, habang ang noontime show niyang Wowowillie ay hanggang October 12, 2013 na lamang.

Pagkatapos daw nito ay magpapahinga muna siya ng tatlong buwan habang pinag-iisipan ang offers na “magpasaya ng tao.”

Sabi ni Willie sa panayam sa kanya ng InterAksyon.com, “Basta ang nasa isip ko ngayon ay magpahinga muna.

“Kung ano man magiging offer, pag-aaralan ko. Kapag hindi ko gusto, hindi ko pupuntahan.”



LEARN HOW TO DO BUSINESS. Habang nasa bakasyon, aasikasuhin daw ni Willie ang pagpapalago ng kanyang mga negosyo.

Saad niya, “Sa mundong ito, dapat meron kang alam sa business.

“Katulad namin [artista], kapag wala ka na, what’s next?

“Maghihintay ka na lang ng tatawag sa ‘yo, magte-taping ka... mahirap.

“May mga namamatay na artista na walang-wala, ni pambili ng kabaong wala.

“Dapat marunong ka mag-manage ng sarili mo.”

Sabi pa ni Willie, kahit sinasabing hands-on siya pagdating sa kanyang mga negosyo, dapat din daw marunong kang magtiwala sa mga tao pagdating sa pera para lumago ang negosyo at para na rin makatulong sa ibang tao.

Ito raw ang pinakasusi niya sa kanyang tagumpay.

Sabi ni Willie, “Hindi na akong naghahangad ng mga sobra-sobra. Sapat na sa akin ‘to.

“Ang attitude, you’ve gone a long way, pero dapat hindi ka nagbabago.

“Kuntento ako sa ganito. Kapag may dumating na mas maganda, tatanggapin mo. Kung wala, ayos na ako dito.

“Ano namang gagawin ko sa maraming pera kung mamatay na ako?

“Nabibili ko naman ang gusto ko, e. Ito, sapat na sa ‘kin ‘to.

“Kumita lang ako nang tama, natutulungan ko mga kasama ko, ayos na ‘to.”



BUSINESS EMPIRE. Sa ngayon, pinamamahalaan ni Willie ang WiRe, ang mother company niya na nagmamay-ari ng Wil Productions at Wil Tower Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pa niyang kumpanyang WilFly ay nagpaparenta ng 30-seater jet sa halagang $5,000 per hour.

Hindi pa raw nakakabawi ang kumpanyang ito sa $5-million investment nila sa pagbili ng naturang eroplano, pero kumikita naman daw ito ngayon ng tatlo hanggang apat na milyong piso bawat buwan.

Sinabi rin ni Willie na pinaplano nilang bumili ng isa pang eroplano na nagkakahalaga ng $11 million.

Sa ngayon, nag-i-invest din si Willie sa isang boutique hotel sa Tagaytay na may 35 hanggang 30 kuwarto. Nakatakda itong magbukas sa susunod na taon.

Meron din daw siyang time deposits at investments sa high-end properties, taliwas sa kanyang trabaho na pang-masa.

Sabi niya, “This is not all business for me. It is coming from the heart.

“Yung 40th floor [of Wil Tower], ibibigay ko yun sa mga tao na when I was down, they were there for me.

“Papaayos ko yun at ireregalo ko sa kanila. Ito yung mga taong ipinaglaban ako.”



SHOWBIZ IS MY REAL BUSINESS. Kahit matagumpay na raw siya sa kanyang business ventures, sinabi ni Willie na ang kanyang totoong business ay showbiz.

Pahayag niya, “I invested my life here, yung pagkatao mo…

“Ang laging nag-aangat sa akin, tao, e, publiko.”

Sinabi pa nitong umaabot sa halos P600,000 hanggang P700,000 ang ginagastos niya araw-araw para sa pagpapatakbo ng Wowowillie.

Iniisip na rin daw niya kung paano matutulungan ang kanyang staff pagkatapos ng show sa Oktubre.

Saad niya, “Kakausapin ko sila muna. Yung iba, if they want to stay with me, kung kailangan ng trabaho, bibigyan ko sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN