Charice’s ninong Robert Ybera says singer will lose almost "100 million" after coming out

Nagpahayag ng katuwaan ang ninong ni Charice na si Robert Ybera (kanan) sa ginawang pag-amin ng singer tungkol sa kanyang seskwalidad. Pero nagpahayag din ng panghihinayang ang ninong ni Charice dahil daw sa malaking halaga na mawawala dahil sa kanyang naging pag-amin.


Pansamantalang nawala sa eksena si Robert Ybera nang aminin ni Charice na siya ay isang tomboy.

Si Robert ang ninong ni Charice, at siya ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may hidwaan ang kanyang inaanak at ang ina ng singer na si Raquel Pempengco.

(Read: Robert Ybera confirms Charice’s rift with mom Raquel)

Nabanggit ang pangalan ni Robert sa exclusive interview ni Boy Abunda kay Charice sa The Buzz noong Linggo, June 2, dahil tinanong ang 21-year-old singer kung galit ito sa kanyang ninong na isa sa mga nagsalita sa media tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ina.

Sagot ni Charice, “Ninong ko po siya. Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao, pero nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person, as my ninong.

"Malaki yung utang na loob ko sa kanya, honestly.

“Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya. Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi.

“Nag-stay po kami sa bahay niya, mga small things, kasi siya nagturo sa akin mag-drive.

“Basta ang sa akin lang po, kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya.

“At nirerespeto ko siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya."

(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")

Pagkatapos ng panayam ni Charice sa The Buzz, nag-post agad si Robert ng saloobin niya, in capital letters, sa kanyang Facebook account.

Pinasalamatan niya si Charice dahil hindi raw sa kanya nanggaling ang kumpirmasyon na tomboy ang inaanak.

Pero nagpahayag si Robert ng panghihinayang sa malaking halaga ng pera— “halos P100 million”—na puwede pa raw kitain ni Charice kung itinago muna nito ang katotohanan.

Hindi naman idinetalye ni Robert kung paano mawawalan ng ganun kalaking halaga si Charice dahil sa ginawa nitong pag-amin na isa siyang tomboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang mensahe ni Robert para kay Charice:

“Salamat! Salamat Charice sa pag amin mo, dahil ayoko sa bibig ko mangagaling pa!

“Alam mo matagal ko ng gusto ko mag kausap tayo, dahil gusto kitang matulungan sa problema mo CHARICE at HAHARAPING PROBLEMA PA NG PAMILYA MO!

“Isa lang sana ang ipapakiusap ko sa’yo.... ANG ITAGO MO MUNA HABANG SIKAT KA, DAHIL ALAM KO AT ALAM MO DIN NAMAN NA MADAMI ANG MAWAWALA HALOS 100 MILYON PESOS, YAN ANG HALAGA NA NAWALA O NASAYANG NA PAG KAKATAON NA KIKITAIN MO PA SANA!

“TANDAAN MO, MAHAL KA NG PAMILYA MO! Hindi mo lang KAMI NAINTINDIHAN KASI..... PINAG BIGYAN KA NA NAMIN NG MGA NA UNA, PERO ETO NA NAMAN... AYAW KASI NAMIN NA NASASAKTAN KA... AT MAGAGAMIT KA LANG!

“HANGAT KAYA NAMIN MAITATAGO PILIT NAMIN TINATAGO ALAM MO YAN.

“NAG AANTAY LANG KAMING IKAW MISMO ANG LUMAPIT SA AMIN! ALAM MO ANG MGA LALAPITAN MO, PERO HINDI MO NILAPITAN... TINATANONG KA KUNG GUSTO MO MUNA MAG PAHINGA DI BA? HINDI KASI TAYO NAKAKAPAG- USAP NA KAYA LUMAKI ANG GULO...

“Tinuring kitang KAPATID, ANAK, AT KAPAMILYA.... ALAM MO, NA KAYA KONG MAGBUWIS NG BUHAY PARA LANG SA IYO...

“HUWAG KANG BIBITAW CHARICE, MANALIG KA PALAGI SA DYOS AT SYA ANG NAKAKAALAM NG IKAKABUTI NATIN.

“OO, GUSTO KONG MAGKAUSAP KAYO NG TITO BOY KAYA GUMAWA AKO NG PARAAN PARA MATULDUKAN NA ANG PROBLEMA MO... LAHAT NG KILOS AT GALAW MO NALALAMAN KO! KASI AYAW NAMIN MAPAPAHAMAK KA...

“SORRY SA MGA NAGAWA KONG HINDI NA DIN TAMA, SORRY KUNG HINDI AKO NAKATUPAD SA USAPAN NATIN NA HUWAG IPAALAM SA MAMI MO NA NAG UUSAP TAYO NOON...

“GUSTO KO LANG SYA MAPASAYA DAHIL MISS NA MISS KANA NYA NOON, NAKITA KO ANG NGITI SA MGA MATA NYA NG SABIHIN KO NAG UUSAP TAYO AT KINAMUSTA MO SYA! KASO ANG NAGING KAPALIT NAMAN NUN AY NAWALAN KA NG TIWALA SA AKIN.... SORRY ULIT!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“SA PAG AMIN MONG IKAW TOMBOY NGAYON, SANA MAKAGALAW KA NA NG AYOS NG WALANG TINATAGUAN... SANA MAGING MASAYA KA SA BAGONG MUNDO MO NGAYON! WE, LOVE YOU..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN