Jolina Magdangal denies Regine Velasquez and Ogie Alcasid are the reasons why Party Pilipinas was axed

Wala raw pinagsisisihan si Jolina Magdangal sa ginawa niyang paglipat noon mula ABS-CBN papuntang GMA-7. Sabi niya, “Para sa akin, parang ano na… parang no room para magsisi na. Kasi ang tagal na rin, ang tagal ko na rin sa GMA, in fairness. Happy naman ako with GMA, oo. And siguro, sa estado ng buhay ko ngayon, hindi na ako para pa magsisi na ganito o ganyan. Kasi, at least, nasa TV pa rin, di ba? After all these years? Na… twenty-five years na ako sa s


Sa June 16 na magsisimulang umere ang Sunday All-Stars (SAS), ang magiging kapalit na programa ng namaalam na sa ereng Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Isa si Jolina Magdangal sa kumpirmadong kasama sa hosts at performers sa bagong show na ito ng Kapuso network.

“Pero hindi ko pa alam ang final details ng show,” sabi ng Kapuso singer-actress nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine ntertainment Portal) sa birthday party ng PEP contributor na si John Fontanilla sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City, last Sunday, June 2.

Dagdag ni Jolina, “Kasi miniting ako three weeks ago, so hindi ko alam kung may mga changes pang nangyayari.”

WHO’S IN, WHO’S OUT? Balitang hindi lahat ng naging bahagi ng Party Pilipinas ay makakasali sa bagong Sunday variety/game show ng GMA-7. Isang bagay na ikinalulungkot daw ni Jolina.

Aniya, “Lalo na at merong… hindi ko na sasabihin kung sino, pero meron na close ako tapos hindi na siya makakasama sa SAS.

“Nakakalungkot kasi siyempre, bago naman nag-Party Pilipinas, di ba, yung Fully Charged, nagkaroon no’n, tapos sumunod SOP.

“Kasama ko na siya, e, tapos wala na. So, nakakalungkot lang.”

Nang nalaman niyang mawawala na ang Party Pilipinas, kinabahan ba si Jolina na baka isa siya sa mawawalan ng trabaho?

Sagot niya, “Para sa akin kasi… siguro dahil mula pa dati, from ‘Sang Linggo nApo Sila to ASAP, to Fully Charged, to SOP, to Party Pilipinas… nasanay yung katawan ko na every Sunday, ang family day ko, trabaho, e.

“So nung sinabi na matatanggal na ang Party Pilipinas… actually noon ko pa naririnig. Na medyo nagmumuntik-muntikanan na raw.

“Pero hindi ako naniniwala, tapos hanggang sa naririnig ko pa rin. Nasanay na ako.

“Pero nung may sinasabi nang date, na May 19 mawawala na nga raw ito, parang sumikip yung dibdib ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, yun na nga, nasanay ka na na nagtatrabaho kapag Sunday, e. So, nalungkot ako. Hindi ko pa ito alam na may papalit, ha!

“And ang dami kong naging ka-close—sina Ate Reg [Regine Velasquez], sina Ate Jaya, si Rachelle Anne [Go].”

NOT BECAUSE OF OGIE AND REGINE. May isyu na kaya raw nawala ang Party Pilipinas ay dahil sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na nabalitang lilipat na ng ibang network.

Ano ang alam ni Jolina dito?

Sabi niya, “Ay, tingin ko, parang hindi naman yata.

“Kasi, parang hindi ko naririnig na gano’n ang rason nila kung bakit nila tatanggalin ang show, e.

“Kasi nando’n pa rin naman sila [Ogie and Regine], di ba?

“Siguro, kailangan lang talaga ng bagong show. Kasi yung ipinalit, bago, e, hindi basta variety show.”

Ayon sa mga lumalabas na reports, kasama pa rin daw sina Ogie at Regine sa Sunday All-Stars.

Okey ba sa kanya na magkahalong variety at game show ang kapalit ng Party Pilipinas?

“Nakakakaba, lalo na nung inilatag ang mga mangyayari. Talagang sumasakit ang batok ko.

"Parang nakakakakaba siya!

“Pero mukhang exciting! Kasi, for a Sunday show, gano’n.”

Ano ang bagong makikita o aabangan ng viewers sa SAS?

“Tingin ko, makikita nila ako na may regular na ano dito… hosting.

“Kasi, di ba, nung magkaroon ng Party Pilipinas, lahat ng performers, pinakanta at pinapasayaw. Lahat ng hosts, iba.

“Pero this time, parang naka-distribute naman na.

“Ano na lang siya, e… parang nine segments. Na hindi naman kagaya ng mga dating napapanood sa variety shows.

“Pero dito, makakapag-launch ka ng mga albums at mga shows. May mga birthday celebration na talagang mabibigyan mo ng time.

“Halu-halo, kaya nga parang exciting talaga.

“Ako, ang wini-wish ko for the show, sana talaga ma-sustain siya.”

COMPETITION. Ano naman ang komento niya sa sinasabi ng ilan na nakailang palit na ng Sunday show ang GMA-7, pero bigo pa rin na mapatumba ang ASAP ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jolina, “Para sa akin, ayokong mag-compare, e.

“Dahil kahit pareho siyang variety show, iba-iba yung artists and kanya-kanya ng strength.

“Siyempre, in fairness naman sa production, hindi naman ‘yan magpapabaya, e, di ba?

“Sino ba naman ang may gustong gawin ang isang live show para lang pabagsakin? Or para lang hindi mag-rate? Di ba?

“Parang… naghihirap din naman ang mga staff dun and nakikita naman natin ‘yon.

“So, itong bagong show, parang hindi lang ang mga staff ang mahihirapan!

“Sa inilatag nga nila na mangyayari sa show, involed ang artists.

“Hindi ko pa lang puwedeng i-share kasi hindi ko pa alam kung sure na sure nang gano’n talaga.”

Hindi pa rin daw masabi ni Jolina kung sinong mga Kapuso artists and stars ang siguradong kasama sa SAS.

“Ang narinig ko—sa ngayon, ha—nasa fifty artists and stars ang kasama.

“Pero hindi pa sure ‘yon kasi sa June 16 pa ang start. Puwedeng magkaroon pa ng changes.

“Dahil kapag tumatawag ako at nagpapa-update, may mga nagiging changes pa rin na konti. May mga inaayos-ayos.”

NO ROOM FOR REGRETS. Parang matumal ang dating ng projects kay Jolina sa bakuran ng GMA-7. Hindi ba siya nagsisisi na umalis pa siya sa ABS-CBN?

Sagot niya, “Para sa akin, parang ano na… parang no room para magsisi na.

“Kasi ang tagal na rin, ang tagal ko na rin sa GMA, in fairness.

“Happy naman ako with GMA, oo.

“And siguro, sa estado ng buhay ko ngayon, hindi na ako para pa magsisi na ganito o ganyan.

“Kasi, at least, nasa TV pa rin, di ba?

“After all these years? Na… twenty-five years na ako sa show business.

“And happy naman ako na may time pa rin ako sa sarili ko. Para sa bagong chapter ng buhay ko, di ba?"

Dagdag niya, “And ngayon, siyempre magiging busy na kami ni Mark [Escueta, her husband] dahil magpapatayo kami ng bahay, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa kasi kaming sariling bahay, dun pa kami sa family niya.

“Kasi nung nagpakasal kami, parang nag-decide kami na dun sa bahay nila [tumira].

“Tapos ngayon, magpapatayo na kami ng sarili naming bahay—from scratch ito, ha.

"Tulungan kami talaga.”



BABY TALK. Kasunod na ba nito ang pagpaplano na magkaroon na rin sila ng baby?

Sabi ni Jolina, “Basta yung tungkol sa baby, mula naman noong nag-asawa kami, nasa plan na ‘yon, e.

“Pero kasi, nakaka-frustrate lang kapag sobra mong inasam.

“Sabi nga nila, kapag lalong inaasam, lalong hindi naibibigay!” tawa niya.

Baka naman kinukulang sila kasi ng intimacy sa isa’t isa?

“Naku, hindi ko na naman dapat i-chika ‘yon, di ba?” sabay halakhak na biro ni Jolina.

Hindi kaya kailangan na magbakasyon sila abroad o mag-honeymoon ulit kung saan man?

“Well, nag-celebrate na nga kami ng one year wedding anniversary namin nung November last year.

“Ang bilis ng panahon, di ba? Naka-mahigit one year na kami.

“So, ngayon, talagang nai-excite kami. Lalo at magpapatayo na nga kami ng sariling bahay.

“May design na kami base sa gusto namin na ipapakita na lang sa architect.

“And… ang gusto ko talaga, may garden. Tapos mga two or three bedrooms siya.

“Gusto ko rin may basement. Pero talagang hindi puwedeng walang garden. Tapos may inflatable pool.”

Iba pa rin daw talaga ang feeling na nakabukod sila at may sariling bahay.

Sabi ni Jolina, “Kahit sobrang bait ng parents ni Mark, kahit sinabi na, ‘O, sige lang kahit... kung ano lang ang gusto mong gawin, ha.’

“Kahit gano’n, siyempre nahihiya ako. Dun lang ako nag-aayos within our bedroom.

“Pero siguro, nai-imagine ko nga, kapag may sarili na kaming bahay, hindi na ako makakalabas kasi maya’t maya, mag-o-organize ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN