Maja Salvador says she never expected to fall in love with boyfriend Gerald Anderson

"Aaminin ko, kinain ko yung mga sinabi ko. Marami akong sinasabing masasama sa kanya dati. Never kong naisip na magiging kaibigan ko siya at mai-in love ako sa kanya. Pero noong makilala ko na yung tao, iba. Hindi mo aakalain na sa mga ganoong pag-uusap lang, saglit na pagsasama ninyo lang, puwede kang mahalin ng taong yun,” pahayag ni Maja Salvador tungkol sa kanyang kasintahan na si Gerald Anderson.


"Unexpected happiness" ang paglalarawan ni Maja Salvador sa kanyang nararamdaman pagkatapos aminin ni Gerald Anderson ang kanilang relasyon.

Sabi pa ni Maja sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong June 2, "Kaya hindi ko ma-explain ang happiness na meron ako.

"Hindi lang dahil dumating siya sa buhay ko, kung hindi halos lahat, parang nagiging positive lahat.”

Sa interview ni Gerald sa Star Studio magazine, ito ang naging kumpirmasyon ni young actor sa relasyon nila ni Maja: “Oo, in love ako sa kanya. In love ako kay Maja Salvador. She’s my girlfriend.”

Alam ba ni Maja ang naging deklarasyon na ito ni Gerald?

Sagot ng Kapamilya young actress, “Hindi, nasabi na lang po niya after ng pictorial, ang interview.

"Sabi niya, ’Sana okay lang. Tinanong kasi ako, inamin ko na.’

“Kung paano niya sinabi sa Star Studio, ganoon din niya sinabi sa akin.

"Hinihintay ko na bawiin niya kasi akala ko nagdyo-joke lang. Kaso, hindi niya binabawi.”

Ayon pa kay Maja, nang umamin si Gerald sa relasyon nila ay may napatunayan siya tungkol dito.

“Yung araw na umamin siya, sinabi niya sa akin, parang doon ko na-realize kung gaano ako kaimportante at kahalaga talaga sa buhay niya.”

Pero may pagkakataon ba na ginusto niya sanang takbuhan ang feeling ng pagmamahal?

Sagot ni Maja, “Hindi po takbuhan, e.

“Kung sana lang puwede, lahat ng sitwasyon, lahat ng pagmamahal, puwedeng intindihin.”

Hindi siya makatakas dahil sa pagkakataon o dahil sa sobrang pursigido si Gerald?

Paliwanag ni Maja, “Sobrang gentleman. Sobrang bait.

"Aaminin ko, kinain ko yung mga sinabi ko. Marami akong sinasabing masasama sa kanya dati.

"Never kong naisip na magiging kaibigan ko siya at mai-in love ako sa kanya.

“Pero noong makilala ko na yung tao, iba.

"Hindi mo aakalain na sa mga ganoong pag-uusap lang, saglit na pagsasama ninyo lang, puwede kang mahalin ng taong yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Gerald sa kanyang magazine interview, "This is worth fighting for, this is the love worth fighting for…"

Tanong naman ni Boy kay Maja: Worth fighting for nga ba si Gerald?

“He is, he is worth fighting for,” tugon naman ni Maja.

Ano ang best thing tungkol kay Gerald?

“Parang lahat, e,” nakangiting sabi ng dalaga.

“Hindi ko sinasabi ito dahil sobrang in love ako o mahal ko yung tao.

"Kapag nakilala mo siya, yung, ’Kaya pala...’

"Kaya pala ang daming taong nagmamahal sa kanya at ang daming taong ayaw siyang mawala sa buhay nila.”

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ni Maja ang kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz. Sa pagdiriwang niyang ito, maging ng kanyang kaarawan, gaano kahalaga si Gerald?

Sabi ni Maja, “Kahit hindi ko birthday ho, kahit hindi ko anniversary, parang ganoon po ang pakiramdam ko every day sa buhay ko.”

KIM CHIU. Bagamat umamin na sina Maja at Gerald, hindi pa rin maayos sa pagitan ni Maja at ng dating kaibigan na si Kim Chiu— ang ex-girlfriend ni Gerald.

Magkasama sina Maja at Kim sa ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak. Gaano kahirap na bawat taping at halos lahat ng mga eksena ay sila ni Kim ang magkasama?

Sabi ni Maja, “Yung pupunta ka sa set na iba na, pero kailangan mong magtrabaho. At kailangan mong gawin nang tama yung trabaho mo.”

Ano na ang estado ng relasyon nila ni Kim ngayon?

“Hindi ko po masabing civil, kasi hindi pa rin po kami nag-uusap,” pag-amin ni Maja.

Binanggit naman ni Boy ang naging pahayag ni Kim sa interview nito sa The Buzz: “It’s easy to forgive but it’s hard to forget.”

Ano ang reaksiyon ni Maja sa sinabing iyon ni Kim?

“Rerespetuhin ko na lang po,” maikli niyang tugon.

Ipinapanalangin niya ba na isang araw ay makapag-usap silang dalawa lang ni Kim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every night,” sabi ni Maja.

Sa lahat ng pinagdaanan niya, ang tanging dasal lang daw ni Maja ay manatili siyang matatag.

“Ang dasal ko lang, sana, palagi pa rin akong gabayan dahil sa bawat hakbang na ginagawa ko, hindi ko pa rin alam kung tama o mali.

"Kahit na para sa akin alam kong tama, sa iba, hindi.

“Pero sana, palagi pa rin Siyang nandiyan para gabayan ako. Gawin akong matibay. At yun, hindi mag-give up sa lahat ng bagay.

"Sana yun, lagi lang nandiyan. Palaging hawakan lang ang kamay ko para hindi ako mawawala.”

Ipinaalala ni Boy na 14 years old pa lang si Maja noong una niya itong makausap. Ilang porsiyento ng dating Maja ang mayroon pa rin hanggang ngayon?

Nakangiting sagot ng young actress, “Nandiyan pa rin siya. Hindi pa rin siya tapos mangarap.

"Ang dami ko nang pangarap na natupad. Ang sarap pa rin mangarap ng mas malaki dahil walang imposible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN