JC Tiuseco not keen on May-December romance: “Dapat hindi ganoon kalayo— at least, magkasabay pa rin kayo.”

Walang inggit si JC Tiuseco sa mga nakasabayan niya na nagkaroon na ng lead roles. Wika niya: “Pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho, di ba? Happy ako kung nabigyan sila ng magandang role. Kung hindi nabigay [sa akin], okay lang— pana-panahon lang ‘yan.”


Ang palangiting si JC Tiuseco ay magiging kontrabida sa afternoon prime ng GMA-7 na Maghihintay Pa Rin, kung saan makakasama niya sina Bianca King, Rafael Rosell, Dion Ignacio, at Ayen Munji-Laurel.

Pero hindi naman daw ito first time.

“Nakapag-kontrabida na rin ako sa Sisid, although doon kasi, sa umpisa, mabait.

“Pero dito, start pa lang, kontrabida na… May affair ako kay Ayen at pagkatapos, kinokontrol ko ang company.

“So, kunwari, si Bianca, magpapapirma sa Mama niya na, ‘Pirmahan natin ang health benefits ng mga employees,’ ako, ayoko.”

Ang sabi pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the press conference for the soap noong June 3, sa 17th floor ng GMA Network Center, masaya naman daw siya sa project.

“Happy ako lalo na noong makita ko ang script ko—natsa-challenge ako, e.

“Lalo na yung first day namin na may nagawa akong mahabang scene.”



SECOND LEAD. Ano ang mga ginawa niyang paghahanda para sa role niya sa soap na si Don Michael Perez ang magiging direktor?

“Actually, yung mga first few taping days namin, hindi kami masyadong nakapaghanda, kasi biglaan.

“Biglang may taping na, biglaan, mabilis agad. Pagkasabi, yun na.

"So, inaano ko na lang kung ano ang sinasabi ni Direk sa scene.

“Halimbawa, may ginagawa na kaming scene, sinasabi niya na, ’Mas galit pa dapat o mas mayabang pa dapat o mas astig ka pa dapat.’”

Samantala, ano naman ang magiging epekto ng kontrabida role na ito sa career niya?

Sagot ni JC, “Yung mga ginagawa ko naman before, second lead, so almost ganito pa rin naman.

“Ito naman kasi, yun nga, noong nakita ko ang script at nagawa ko yung ibang role namin, happy naman ako.”

At kahit pa halos karamihan sa kasabayan niyang aktor ay hinahangad maging male lead, “Hindi ko iniisip na ganoon," ang sabi ng cager turned model.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas iniisip ko na mas makakabuti rin sa akin na ganito. If ever man na mabigyan ako, mas ready ako.”

Hindi ba siya naiinggit kina Dion Ignacio at Rafael Rosell na siyang mga leading men ngayon sa afternoon prime drama nila?

“Sobrang hindi!” nakangiting sabi niya.

“Ako kasi, pagdating sa work, yung mga role-role, kung ano ang bigay sa iyo, like sila Dion, sila Raf…

“Pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho, di ba? Happy ako kung nabigyan sila ng magandang role.

“Kung hindi nabigay [sa akin], okay lang—pana-panahon lang ‘yan.

“Mahirap magtrabaho na iniisip mo ang mga negative things, kaya dapat, palagi kang positive.

“Kaibigan ko rin naman si Raf, kasama ko siya sa Temptation of Wife, nakakasama ko sa labas. Si Dion, nakakasama ko pa rin.”



INTIMATE SCENES. Kahit papaano, kumportable na si JC kay Ayen dahil nagkasama na rin sila sa Temptation of Wife.

Nagkataong wala si Ayen noong press conference dahil namatay ang ina nito.

Sa ngayon, hindi pa alam ni JC kung may intimate scene sila ni Ayen, na isang dating theater actress.

Aniya, “Hindi ko pa talaga alam kasi ang nababasa ko pa lang na script, yung week one, at saka konti sa week two.”

Paano kung magkaroon sila ng intimate scenes?

“Siyempre, kinakabahan din. Pero, nire-ready ko lang ang sarili ko na siyempre, trabaho lang ito.

“Kailangang galingan ko rin—nakailang show na rin ako.

“Kailangang ilabas ko ang confidence ko sa sarili ko na magagawa ko kung ano ang gusto ni Direk.”



OLDER WOMEN. Sa totoong buhay, nagkaroon na ng girlfriend si JC dati na mas matanda ng tatlong taon sa kanya.

Kung mahigit pa sa sampung taon ang agwat, nakikita ba niya ang sarili sa ganoong relasyon?

Ang mabilis niyang sagot, “Feeling ko hindi.”

“Kasi, kapag tinitingnan ko yung long-term siyempre, pagtanda ninyo, paano na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maiiwan ka… paano yun? Dapat hindi ganoon kalayo— at least, magkasabay pa rin kayo.”



LOOKING FOR LOVE? Pagdating sa lovelife, hanggang ngayon, talagang “zero” pa rin, ayon kay JC.

“Soon,” pahabol na sabi niya.

“Pero talagang wala pa rin. Hindi rin naman talaga ako nakakalabas.

"Noong pagkatapos ng Mercator party, parang doon lang ako nagsimulang lumabas.”

Hindi ba siya malungkot na ang tagal na niyang walang karelasyon?

“Siyempre, nalulungkot din minsan… parang nakaka-miss din.

“Pero ang mga kaibigan ko naman, sinasabihan nila ako na, ‘Uy, lumabas ka minsan… maghanap ka.

“Sabi ko naman, ‘Darating din yun.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN