Former Kapuso teen star Julie Lee returns to acting after seven years

Hindi raw pinagsisisihan ni Julie Lee na tinalikuran niya ang showbiz sa loob ng pitong taon. Sabi niya, “If anything now, grateful din ako sa nangyari kasi alam ko na. I know what I’m missing. Kung umangat lang ako siguro, baka hindi ko na-appreciate. Kasi, parang given na lahat sa ‘yo. Ngayong na-experience ko na lahat, I know how it is working out there sa ibang industry—ang hirap talaga. Doon ko naisip na given this chance, hindi mo talaga siy


Hindi agad nakilala ng press si Julie Lee nang dumating siya sa presscon conference ng bagong afternoon soap na Maghihintay Pa Rin noong Lunes, June 3, sa GMA Network Center.

Akala ng karamihan ay bagong artista ng GMA Artist Center si Julie.

Ngunit nalaman sa bandang huli na si Julie Lee at si Julianne Lee—na dating teen star ng GMA-7 teen-oriented show na Joyride—ay iisa.

Pagkatapos nga ng pitong taon ay muling susubukan ni Julie ang kanyang kapalaran sa pag-arte.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Matagal din akong nawala at kapag nakikita ko, ito ang buhay na gusto ko.

“There’s something passionate about it, e.

“And I’m thankful, super thankful to GMA for giving me another chance to work with them again.”



BACK TO SHOWBIZ. Twelve years old lang si Julie nang magsimula siya sa pag-aartista at labing-anim na taon naman siya nang huminto.

Ang Majika (2006) ang huling programa na ginawa ni Julie sa Kapuso network.

Sa panahong nawala siya sa showbiz, nakatapos si Julie ng dalawang kurso—Nutrition and Dietetics at Human Resource.

Twenty-four years old na si Julie ngayon at nagtatrabaho siya bilang sales executive sa isang real-estate company.

Sa kabila ng maayos niyang buhay at magandang trabaho, bakit niya naisipang magbalik-showbiz?

Tugon ni Julie, “After doing everything else, studying abroad, sa Melbourne, Australia…

“After studying there, coming back here and they studying again, working, nami-miss ko, e.

“Iba kasi ang acting… you’re given the chance to portray something you’re not.

"Yun nga, I’m an artist.

"As a sales executive, I’m happy. Pero iba yung joy na acting mismo—iba talaga.

“So, yun. Napag-isipan ko na ang mga consequence and everything na puwedeng mangyari and I’m willing... I’m really willing to give it a chance.

"Hopefully, tuluy-tuloy na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ng pitong taon na nawala siya sa sirkulasyon, hindi ba niya naiisip ang showbiz noon?

“Meron din,” pag-amin ni Julie.

“Pero ayoko kasi na babalik ako, tapos aatras ulit ako.

"Gusto ko, kapag bumalik ako, for good na—ito na yun.

“I’ve tried everything. Parang kasi, di ba, nakakahiya naman na babalik ako tapos magde-decide na hindi ulit?

“I gave myself a chance to explore.”



SHOWBIZ COMEBACK. Ang mga ka-batch ni Julie sa Joyride noon ay sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Katrina Halili, JC de Vera, Cogie Domingo, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Sheena Halili, Dion Ignacio, at Warren Austria.

Karamihan sa mga ito ay aktibo pa rin sa showbiz hanggang ngayon. Hindi ba nagsisisi si Julie na huminto siya sa pag-aartista?

Sagot niya, “I don’t regret anything.

“If anything now, grateful din ako sa nangyari kasi alam ko na. I know what I’m missing.

“Kung umangat lang ako siguro, baka hindi ko na-appreciate. Kasi, parang given na lahat sa ‘yo.

“Ngayong na-experience ko na lahat, I know how it is working out there sa ibang industry—ang hirap talaga.

“Doon ko naisip na given this chance, hindi mo talaga siya puwedeng pakawalan.

“If umangat ako out there, it’s because paghihirapan ko na this time and not because of anything else.”

Ano ang plano niya ngayong nagbabalik na siya sa showbiz?

“Starting with this [Maghihintay Pa Rin], I plan to give it my best.

"Kasi nga, first time kong mabigyan na medyo kontrabida role.

“Never experienced this before, as in never talaga.

"I’ll do my best with this one and, hopefully, magsunud-sunod yung mga shows.

“Given the chance, also to try hosting… I would definitely love that.”

Kontrabida ba ang gusto niya talagang gampanan na mga karakter?

Sabi ni Julie, “I’m not choosy with roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi, there’s no such thing as small role—kontrabida, bida, friend...

"As long as may project, as long as maganda ang story, I think kaya naman.

“It’s not with the role but it’s on how I attack my role.”



SEXY PICTORIALS. Maganda ang katawan ni Julie kaya interesado ang entertainment press kung magpapaseksi rin ba siya, lalo na at nasa tamang edad na siya ngayon.

Pero nakangiting sabi niya, “Not yet… I mean, sexy siguro yung role, yung character, but not in terms of posing or what I wear… no, not…”

Ibig sabihin, hindi siya magpo-pose sa mga men’s magazines?

Natatawang sabi ni Julie, “Not yet, not yet ready for that.

“For the meantime, I’m not open to pose for men’s magazine.”

Pero hanga naman daw si Julie kina Jennylyn at Katrina na tinaguriang mga “hot momma” at nakapag-pose na sa FHM.

“Bilib din ako sa kanila. Talagang… wow, mai-impress ka on them!

"Pero, iba-iba naman tayo, di ba?

“Sila, kaya nila yun. Ako, I think I can give something else.”

Hindi naman itinanggi ni Julie na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend.

Wala bang problema sa nobyo niya ngayong nagbabalik-showbiz siya?

“Yes, he trusts me,” sabi ni Julie.

“He trusts me na alam ko kung ano ang limit ko.

“And, like I’ve said, kung aangat man ako, it’s not because nag-pose ako for a men’s magazine.

“It’s because of talent and not because of anything else.”



LOOK-ALIKE. Samantala, matagal na raw naririnig ni Julie na kahawig niya si Iwa Moto.

Sabi niya, “Yes, I think before I left, nag-i-start si Iwa.

“And during that time, sinasabihan na rin ako na, ‘O, kamukha mo si ganyan.’

"Well, pareho kaming chinita. But I think, magkaiba naman kami in terms of personality, in terms of what roles we like or what is given to us—so totally different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, may semblance lang dahil pareho kaming chinita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN