Aga Muhlach files electoral protest; Lani Mercado faces electoral protest

Kung nagsampa ng electoral protest si Aga Muhlach laban kay CamSur Congressman-elect Wimpy Fuentebella, sinampahan naman ng poll protests ang mga na-elect ding mga kongresista na sina Lani Mercado at Dato Macapagal-Arroyo sa kani-kanilang mga lugar.


Nagsampa ng electoral protest ang aktor na si Aga Muhlach laban sa kanyang nakalaban at naihalal na congressman ng fourth district ng Camarines Sur na si Wimpy Fuentebella noong nakaraang eleksyon.

Umalma si Aga sa resulta ng botohan at sinabi niyang mayroong discrepancies sa bilangan ng boto.

(Read: Aga Muhlach cries foul over alleged discrepancies in congressional race in CamSur)

Ayon sa report ng State of the Nation With Jessica Soho ng GMA News TV, kinukuwestiyon ng kampo ni Aga—sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty. Romulo Macalintal—ang resulta ng eleksyon sa pitong munisipalidad ng CamSur.

Naniniwala raw si Aga na kung magkakaroon ng recount ay makakakalap siya ng 7,000 boto, sapat upang mabago ang election results at upang malampasan niya ang tinatayang 2,000 lamang na boto ni Fuentebella.

Naniniwala si Aga na ang 7,000 votes na tinutukoy niya ay hindi nabilang dahil sa “technical problems” na naranasan sa PCOS machines sa iba’t ibang voting precincts ng CamSur.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakakakuha ng pahayag ang GMA News mula sa kampo ni Fuenteballa.



MORE ELECTION PROTESTS. Bukod sa pagpoprotesta ni Aga laban kay Fuentebella, may tinatayang 30 kaso pa ng election protests ang isinampa laban sa mga incumbent at bagong naihalal na kongresista sa iba’t ibang lugar, ayon naman sa ulat ng The Philippine Star.

Kabilang sa poll protests na isinumite sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ay laban kina CamSur 2ndDistrict Congressman-elect Diosdado “Dato” Arroyo at Bacoor Congresswoman-elect Lani Mercado.

Si Dato ay anak nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo. Si Lani naman ay isang aktres at asawa ni Senator Bong Revilla.

Sina Dato at Lani ay parehong re-electionists sa kanilang mga probinsiya.

Ang nagsampa ng poll protest kay Dato ay si outgoing CamSur Governor Luis Raymond “LRay” Villafuerte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang protesta kay Lani ay mula naman kay Jessie Castillo, dating mayor ng bayan ng Bacoor at nakalaban ng actress-turned politician sa pagka-kongresista.

Samantala, sinabi naman ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez, tribunal member, na pag-aaralang mabuti ng outgoing HRET ang mga reklamo alinsunod sa kanilang mga batas bago mag-turnover sa incoming HRET ng susunod na House of Representatives.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN