Arron Villaflor on going all out and daring in indie films: “Oo, willing ako, kapag kailangan sa story.”

Panay magagandang salita lamang ang binitiwan ni Arron Villaflor para sa co-star niya sa Juan dela Cruz na si Coco Martin. Aniya, “When it comes to acting, when it comes to giving advices, when it comes to conversation with him, iba, e… iba siya. Parang ano… ewan ko, ha? Parang kausap ko iyong tatay ko. Ganoon, ganoon ka-mature iyong pag-iisip ni Kuya, alam mo iyon? Kaya niyang i-handle ang lahat ng bagay—kung may ibibigay


Kitang-kita kay Arron Villaflor ang pagiging seryoso niya ngayon sa kanyang showbiz career.

Hindi naman siya masisisi dahil halos siyam na taon ang kanyang hinintay bago dumating ang biggest break niya via Juan dela Cruz ng ABS-CBN.

Sa Juan dela Cruz ay kontrabida siya ng bida ng fantaserye na si Coco Martin.

Kuwento ni Arron sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ako makapaniwala nang sabihin sa akin itong project na ito, na may project ako na kasama ko si Coco.

“Ito ang matagal ko nang hinihintay na break, iba itong project na ito, e.

“Kahit saan ako magpunta ay ’Kael’ ang tawag sa akin, kaya thank you, Lord, talaga!’

“Dahil ang tagal talaga ng pinaghintay ko, nagtiyaga talaga ako—almost nine years na ako sa showbiz, e."


Dagdag pa ni Arron, “Kaya bawat ginagawa ko ngayon ay ginagalingan ko dahil mahal ko talaga ang trabaho ko at nag-e-enjoy ako.

“Talagang dumating sa point na pinag-aaralan ko ang karakter ko, para maibigay ko ang best ko at huwag akong mapahiya.

“And bilang respeto na rin sa mga kasamahan ko dito.”

Sinabi rin ni Arron ang rason kung bakit sa palagay niya ay mataas ang ratings nila at gusto silang panoorin ng masa.

“Kasi ang sikreto diyan, dahil maganda iyong story… bukod pa sa maganda iyong story, good casting talaga, e.”



SUPPORTIVE COCO MARTIN. Kumusta namang katrabaho si Coco Martin?

“Napaka-professional ni Kuya… sobra,” sagot ni Arron.

“Bawat eksena na kukunan namin, hindi niya pinababayaan.

“Kung puwedeng magkaroon ng diskusyon doon sa scene na iyon para lang gumanda, gagawin niya.

“Hindi siya maramot at inaalalayan niya ako. Nakikita ko iyon na nandiyan lagi si Kuya para sumuporta.”

Sinabi pa ni Arron ang kaibahan ni Coco sa ibang mga aktor na nakatrabaho na niya.

“Si Coco, sa nakikita ko kay Kuya, napaka-mature niya, e, in so many ways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When it comes to acting, when it comes to giving advices, when it comes to conversation with him, iba, e… iba siya.

“Parang ano… ewan ko, ha? Parang kausap ko iyong tatay ko.

“Ganoon, ganoon ka-mature iyong pag-iisip ni Kuya, alam mo iyon?

“Kaya niyang i-handle ang lahat ng bagay—kung may ibibigay kang problema sa kanya, may isasagot siya.

“Wala siyang ere at down to earth din siya, e.”



GOING SEXY. Willing din bang gumawa ng indie films si Arron?

“Oo naman, ako, basta good project, good story… ako, okay ako diyan,” sagot ng 22-year-old actor.

Game na rin ba siyang mag-all out sa pagpapa-sexy?

“Actually, papunta na ako doon, e.

"Kasi last year ay nag-Cosmo ako, then hopefully ito… Cosmo ulit, pasukan ko ulit ito.”

How far can he go?

“A… kung ano ang gusto ng tao,” bantulot na sagot niya.

“Hindi ko alam, e, basta ang masasabi ko, oo, willing ako, kapag kailangan sa story.”

Ano ang ibig niyang sabihin?

“Sa ngayon kasi ay nag-e-enjoy ako sa pagiging kontrabida—hindi ko na-realize na dito ako pupunta.

“Ang daming nagagalit, sobra… may grupo ng mommies, iyong isa napansin ako.

“At sabi niya, ‘Ikaw ba si si Kael? Ikaw si Kael, di ba? Gusto kitang patayin!’

“Ganoon ang sabi sa akin, ganoon na iyong mga comment sa akin at naiinis sila sa akin.”

Pero okay lang naman daw ito sa kanya at kung minsan ay sumasagot pa siya sa Twitter sa mga nagagalit sa kanya.

“Siguro para sa papuri, nakakataba ng puso.

“Pero iyon nga, iyong sinasabi na nakakatakot din, kasi may mga fans diyan na sobrang sensitive.

“Na iyon nga, kapag nagkakaroon kami ng eksena na ano ni Coco, nagagalit sila.

“Kung anu-ano iyong sinasabi nila… nababasa ko sa Twitter, e. Kung anu-ano ang nababasa ko, hinahayaan ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan ay nire-reply-an ko pa na, ‘Oy, salamat sa panonood, ha?’

“Pero hindi naman ako nag-aalala na baka may sumapak na lang sa akin.

“Alam mo kung bakit? Dahil isang way para maiwasan iyang ganyan, isa akong pulis doon.

“Kaya ang thinking ng ibang tao, ‘Ay, pulis ito.’

“Kahit ako, e, as a viewer, siguro noong hindi pa ako artista dati, ang mauunang maiisip ko, ‘Hindi ba siya iyong pulis?’

“So, parang mate-threaten ka rin, e.”



IN THE BUFF. Kaya na ba ni Arron ang magtodong-hubad tulad ng ginawa dati ni Coco, pero hindi naman nakasira sa aktor at lalo pang naging sikat?

Saad niya, “Kasi siguro, dahil doon nag-start si Kuya at doon siya nakilala noon.

"Ako kasi, nag-start ako sa talent search, e.

“So, siguro pagdating sa indie films, maibibigay ko ang lahat ko, huwag lang iyong todong ganoon.”

Sa tingin ba ni Arron, ang nudity ay part din talaga ng pelikula?

“Oo, part din… lalo na sa mga taong hinahangaan iyong artistry ng independent film.

“Malaki yung respeto ko doon dahil iba iyong pananaw ko at iba ang pananaw nila, pero may respect ako para sa kanila.”

Inusisa rin ng PEP si Arron kung nakatanggap na rin ba siya ng indecent proposal.

“Sa ngayon wala, e, pero dati ay naka-experience na rin ako niyan,” pag-amin niya.

Paano niya na-handle iyon?

“Hinandle [handled] ko siya na sinigurado akong hindi ako mapapahiya at hindi ko masasaktan iyong tao.”

Ikinuwento niyang nakipag-meeting daw sa kanya ito kasama ang handler niya.

Wala silang idea na may ibang intensiyon pala ang kanyang ka-meeting.

“Actually, idinaan sa Star Magic, sa handler ko.

“And sa help ng handler ko, hindi niya ako pinabayaan.

“Natuloy iyong meeting, pero meeting lang at hindi niya alam na indecent proposal iyon… akala niya ay legitimate project.”

Hindi ba nasabi kung ano iyong tungkol sa meeting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang papunta na siya roon na… you know, ‘Ima-manage kita,’ ganyan-ganyan…”

Wala bang in-offer na sasakyan, condo o pera?

“Wala, wala. Sabi ko nga, kung may i-o-offer man lang, sana ay project na lang,” nakatawang wika niya.

Kung may offer na pera, tapos walang project, pero isang gabi lang?

“Huwag naman!” tawa ni Arron.

“Hindi ko kailangan iyon, e. At saka sabi ko sa sarili ko, kaya ko namang pagtrabahuhan iyon, e.

“Maaabot ko rin iyon, mapagtatrabahuhan ko iyon.

"For me kasi, work talaga, e.

“Ayaw ko nang mga ganoon, ayaw ko ng… monkey business ba ang tawag doon?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN