(UPDATED) Annabelle Rama ends rift with Nadia Montenegro

"Naglunch kami at napag usapan namin ang tungkol sa case, parang walang nangyari at back to normal ang kwentuhan," Annabelle Rama related on her Twitter account about meeting Nadia Montenegro in Cebu today, June 5.


Nagkaayos na sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Ayon sa mga post ng talent manager sa kanyang personal Twitter account kanina, June 5, hindi niya inaasahang “lumambot ang puso” niya sa pagkikita nilang muli ng ina ng mga dati niyang talent na si Ynna at Annika Asistio.

Nagkita sina Annabelle at Nadia sa Cebu ngayong araw para sa hearing ng kasong libelong isinampa ng talent manager laban sa dating aktres noong nakaraang taon.

Narito ang posts ni Annabelle sa Twitter:

BACKGROUND STORY. Matatandaan na nag-ugat ang mahigit isang taong hidwaan ng dalawa nang akusahan ni Nadia si Annabelle ng paglabag ng management contracts ng kanyang anak na si Ynna.

Sa halip na tatlong taon lamang, ayon kay Nadia, pinalawig ni Annabelle ang kontrata hanggang limang taon.

Dahil dito, nagsampa si Nadia ng kasong “child abuse” at “oral defamation” laban kay Annabelle sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) noong 2011.

(Read: Annabelle Rama fires back at Nadia Montenegro)

Abril 2012 nang ma-dismiss ng QCPO ang kasong “child abuse” laban kay Annabelle. Ngunit nanatili naman ang mga kasong libel, oral defamation, at unjust vexation.

Samantala, noong June 2012 naman ay kasama si Nadia sa mga sinampahan ng kasong libel ni Annabelle sa Cebu.

Kabilang din sa kanyang mga kinasuhan ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes at entertainment columnist na si Chito Alcid, subalit sa iba namang dahilan.

(Read: Annabelle Rama to file libel complaints against Amalia Fuentes and Nadia Montenegro in Cebu)

Samantala, nakakuha ang PEP ng text message mula kay Nadia—sa pamamagitan ng PEP contributor na si Rommel Gonzales—ngayong gabi.

Sabi ng dating aktres, "Tapos na lahat ng kaso kay Tita Annabelle. She’s finally releasing my kids from all contracts. Nagkaayos kami sa court kanina! Thank you Lord!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN