Jillian Ward is open to the idea of doing a show with Ryzza Mae Dizon

Tinutukso si Jillian Ward na liligawan daw siya ni Joshua Uy paglaki ng batang aktres.

Ang nakatawang reaksiyon ni Jillian: “Nakakatawa nga po! Sabi paglaki ko daw, ako daw manliligaw sa kanya. Sabi ko, ‘Ako ang lalaki? Ako ang magbibigay ng rose sa iyo?’”


May bagong project si Jillian Ward.

“Ako po dito si Daisy. One Day Isang Araw... ibig sabihin po, si One po ay si Uno... si Day, si Daisy... Isa po, si Isabel.

“Tapos, si Araw po si Sunny,” ang paliwanag ng child star tungkol sa titulo ng bago niyang fantasy show sa GMA-7 kung saan makakasama niya sina Milcah Nacion, Marc Justin Alvarez, at Joshua Uy.

Si Jillian ang mamumuno sa barkada sa tuwing magkikita sila every week sa tambayan nilang tree house.

Pero mas gusto ba niyang solo siya na bida sa isang show o marami silang bidang bata?

“Kahit ano po,” ang maikli niyang sagot.

Eere ang One Day Isang Araw tuwing Sabado simula Hunyo 15, 6 p.m., sa GMA’s Sabado Star Power Sa Gabi block.

Nasa show rin sina Gloria Romero at Camille Prats.



SEEN ON TV DAILY. Samantala, masaya si Jillian na magiging tatlo ang shows niya.

Bukod dito, napapanood rin siya sa Home Sweet Home araw-araw at sa Kap’s Amazing Stories.

Kaya naman, ang taas ng energy ni Jillian habang nakausap siya ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) sa taping ng bago niyang show sa Candaba, Pampanga, kamakailan.

Sa pagpapatuloy niya, “Masaya po, kasi po, salit-salitan po, minsan kung wala pong shooting yung isa, may shooting po yung isa.”

Magkasama na naman sila ni Milcah, na dati ay pa-guest-guest lang sa shows ni Jillian.

“Ngayon po, kami na po talaga ang magkasama.”

At pastime daw nila ang paglalaro ng games, gaya ng Barbie Fashion, sa iPad ni Jillian.



CHILD CRUSHES. In a separate interview, sinabi naman ni Joshua na crush niya si Jillian, at liligawan niya ito paglaki nila!

Pinag-react namin si Jillian tungkol dito.

“Nakakatawa nga po! Sabi paglaki ko daw, ako daw manliligaw sa kanya,” ang tumatawang reaksiyon ng child star.

Dagdag niya, “Sabi ko, ‘Ako ang lalaki? Ako ang magbibigay ng rose sa iyo?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang crush si Jillian pero nag-blush ito nang may nagbanggit na crush ng child star ang Hollywood heartthrob na si Zac Efron.

“Weh! Wala po akong sinasabi!”

Teka, pumayat na si Jillian ngayon kumpara dati....

“Hindi na po ako mahilig sa junk foods masyado ’tsaka sa candies.”



LESS DRAMA. Fantasy ang Home Sweet Home at ang One Day Isang Araw, nami-miss ba niya ang umiyak sa harap ng screen?

“Sa Home Sweet Home may iyakan scene din po, e.

“Ito naman pong One Day Isang Araw yung pang-fantasy talaga po.

“Ito po may iba’t ibang stories po dito, e, tuwing Saturday.”

Spoiled brat nga ba ang role niya sa One Day Isang Araw?

“Hindi naman masyadong brat, princess lang!” sabay-tawa ni Jillian.

Sabi nga ni Milcah, siya ang ang “Drama Queen” at si Jillian ang “Drama Princess.”

“Hindi po ako Drama Princess, e, mahilig po ako sa fantasy... kunyari yung mga princess... ganoon po.”



SHOW WITH RYZZA MAE? Hindi na nagkikita si Jillian at Ryzza Mae Dizon after nilang magkasama sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at si AKO last December.

“Pero magge-guest po yata ako sa The Ryzza Mae Show.”

Magge-guest din ba si Ryzza Mae sa One Day Isang Araw? Gusto rin ba niya na magkaroon ng regular show na sila ni Ryzza Mae ang magkasama?

“Opo, puwede rin po, gusto ko rin po.”

Anong klaseng show kaya ang bagay sa kanila ni Ryzza Mae?

“Yung halu-halo na parang comedy, minsan nakakatakot, fantasy po, ganoon.”



"HOME SCHOOL." Ngayong pasukan, hindi muna sa isang regular school papasok si Jillian.

“Hindi po yata, e, sa ano lang po ako, sa home school.”

Mami-miss na raw niya ang mga classmates at ang mga awards kapag nag-aaral bilang isang regular student.

Kuwento niya, “Most Friendly po ako at saka Most Articulate and Most Artistic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pag-aartista niya, gusto rin ni Jillian na maging doctor, kaya ba niyang pagsabayin?

“Kunyari po walang shootings minsan... ganyan.

“Gusto ko pong maging doctor para pag walang money po yung tao, puwede po akong tumulong.”

Paano siya kikita kung walang pera ang mga magpapagamot?

“Okay lang, basta gumaling sila.”



INVESTMENTS. Nakalipat na ang pamilya nila sa bagong bahay at tinanong namin si Jillian kung kumusta ang kanyang bagong kuwarto.

“Pink! Hello Kitty po.”

Ang susunod niyang target pagkatapos ng sasakyan at bagong bahay ay "gusto ko pong magpagawa ng resthouse!"

Saan?

“Sa … puwede rin po dito sa Pampanga, kasi po taga-Pampanga po Papa ko.”

Bakit gusto niya ng resthouse?

“Para minsan, di ba nga po? Iyong resthouse, puwede po akong mag-rest...

“Puwede po akong mag-swimming every day, kahit kailan ko po gusto.

“Tapos iyon po, sa pali-paligid, papasyal-pasyal, puwedeng mag-horseback riding.”



FUNNY RAYMART. Samantala, kumusta namang katrabaho si Raymart Santiago na gumaganap bilang tatay niya sa Home Sweet Home?

“Masaya po, nakatatawa po! Ano nga po, sabi niya ‘Jill, tama na ang kakakain, magte-take na!’

“Tapos, siya naman po ang kumain!” at tumawa si Jilian. “Kinain niya yung pagkain ko. Lagi po siyang comedy... iyon.”

Pero sino ba ang paborito niyang artista ngayon sa GMA-7?

“Mahirap mag-isip, e. Madami po kasi sila, e. Kahit sino po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN