Rocky Gutierrez and girlfriend face malicious mischief charges after allegedly vandalizing car of tech journalists

Nahaharap ngayon sa kasong malicious mischief ang character actor na si Rocky Gutierrez at ang kanyang girlfriend matapos silang ireklamo ng dalawang tech journalists ng vandalism.


Nahaharap ngayon sa kasong malicious mischief ang character actor na si Rocky Gutierrez matapos siyang ireklamo ng dalawang tech journalists ng vandalism.

Si Rocky ay anak ng talent manager na si Annabelle Rama at aktor na si Eddie Gutierrez; at kapatid ng mga artista ring sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

Ang dalawang nagrereklamo laban kay Rocky ay sina Alora Uy Guerrero, Yahoo! Philippines tech editor, at Ramon “Monch” Lopez, isang gadgets consultant and tech journalist.

Ayon sa dalawa, binaboy diumano ni Rocky at ng girlfriend nito ang sasakyan ni Lopez na nakaparada sa parking area ng condominium building kung saan tenant ngayon ang character actor.

Sa panayam ni Guerrero sa InterAksyon noong Martes, June 4, ikinuwento nito na naganap ang insidente noong June 2, Linggo—sa pagitan ng ika-walo ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw kinabukasan, June 3—sa One Beverly Place sa Annapolis, Greenhills.

Napadako raw sina Guerrero at Lopez sa gusali upang bisitahin ang isang kaibigan na nakatira sa isa sa mga units sa building.

Kuwento ni Guerrero, pinayagan umano sila ng mga guwardiya na i-park ni Lopez ang kanyang Honda maroon sedan sa basement ng gusali.

Ngunit laking gulat daw ng dalawa nang pagbalik nila sa basement ay may mga sulat at gasgas na sa hood ang sasakyan ni Lopez.

Gumamit din daw ng lipstick para sulatan ang mga bintana at windshield ng sasakyan ng explicit words.

Ayon kay Guerrero, napaamin nila ang guard na nagbabantay sa parking area at ang building administration personnel ng One Beverly Place kung sino ang may kagagawan ng pagbaboy sa sasakyan.

Ayon sa guard at building administration personnel ng One Bevelry Place, ang may kagagawan daw nito ay si Rocky at ang kanyang girlfriend na hindi pinangalanan.

Kinumpirma rin daw ng isa sa mga staff ng building administration na si Rocky ay tenant sa condo unit na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Guerrero sa kanyang Twitter account, “Apparently, the parking space (no “reserved” sign) was theirs. Thing is, the guard allowed us to park in the basement. We didn’t know that he shouldn’t have let us in the first place; it was our first time there. The OIC admitted that the guard was wrong. We are not that foolish to use someone else’s parking space.”

Binanggit din ni Guerrero na posibleng car keys ang ginamit para gasgasin ang sasakyan ni Lopez.

Kinumpirma rin daw sa kanila ng building administration na nakunan ng video ang insidente, subalit hindi pa ito napapanood ni Guerrero.

“They said it was seen on video that it was Rocky Gutierrez and his girlfriend who did it but since I haven’t seen the video yet, I’m just taking their word for it.”

Nakita rin daw nina Guerrero at Lopez ang lipstick na ginamit umano para sulatan ang sasakyan. Napansin din daw nila na parang natatanggal na ang plate number sa harap ng kotse na posibleng dahilan ng pagsipa rito.

Ini-report nina Guerrero at Lopez ang insidente sa kalapit na Greenhills Police Station,



NO RESPONSE. Nag-iwan daw ng mga mensahe si Guerrero sa building administration para ipaabot kay Rocky dahil hindi niya makuha ang contact details ng aktor. Pero hindi pa raw sumasagot si Rocky.

“I just wanted him to explain why he did what he did and apologize for it,” pahayag ni Guerrero.

Natunton din daw ni Guerrero ang Twitter account ni Rocky at nag-iwan siya ng mensahe rito nang dalawang beses, subalit wala pa raw sagot ang aktor.

Tweet pa ni Guerrero, “What the One Beverly Place guys should have done was call our host so we could have gone down and explain our side to the other party. What the other party should have done was talk to us. Iyan ang hirap sa mga assuming. Now, they will face criminal complaint for malicious mischief.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Himutok pa ni Guerrero sa kanyang Twitter account, noong una ay ayaw pa raw makipagtulungan sa kanila ng mga kausap na guards sa basement at ayaw rin silang tumawag sa mga pulis.

“Palibhasa, galing sa showbiz family. Me? I don’t care. They—all of them—better make things right. I’m easy to talk to, really. Sorry for the rant. I HATE people who do that, so I’ll stop now. Sorry, and thanks,” sabi ni Guerrero sa kanyang Twitter.

NOT A LONE INCIDENT. Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa vehicular incident ang pamilya Gutierrez.

Matatandaaang naaksidente si Richard Gutierrez noong May 22, 2009 sakay sa kanyang Nissan GTR sports car habang nagmamaneho sa Sta. Rosa-Tagay Road sa Barangay Puting-Kahoy ng madaling-araw.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng kanyang personal assistant na si Norman Pardo.

(Read: Richard Gutierrez caught in car accident)

Kinasuhan ang Kapuso star ng reckless imprudence ngunit na-dismiss ito ng Department of Justice. Muli naman itong idinulog sa Court of Appeals noong nakaraang taon.

Si Rocky naman ay nakilala nang masangkot siya sa 1994 Manila Film Festival scandal kung saan ipinanalo ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez sa Best Actress category, subalit nabisto na ang tunay na nanalo ay si Aiko Melendez.

Ang presenter kasi ng award na iyon ay si Rocky at ang noo’y Miss Mauritius na si Viveka Babajee, na nagpasikat ng mga salitang “Take it, take it.” Naging kaibigan ni Ruffa si Viveka.

Sa isang interview ng PEP kay Rocky, sinabi niya na sa maraming pagkakataon ay “misunderstood” ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.

(Read: Rocky Gutierrez hops to TV5; says Gutierrez brothers are often "misunderstood")

Nagpadala ang PEP ng text message sa publicist ng Gutierrez family na si Jun Lalin upang makunan ng pahayag si Rocky, subalit hanggang sa oras na ito ay wala pa kaming sagot na natatanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Rocky at ng kanyang kasintahan tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN