Gloria Romero happy for fellow celebrities who won last elections

Hindi man daw ikinampanya nang hayagan ng veteran actress na si Gloria Romero si Grace Poe, sinasabihan naman daw niya ang mga kakilala na iboto ang anak nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces na iboto bilang senador. Kuwento ni Gloria, “I’m so happy for Grace [Poe]! Siya ang ano namin, binubulung-bulungan na kung puwedeng iboto siya... ganoon. Sa mga common friends, sa mga kakilala, but we never go out to campaign.”


Muling magkakasama sa One Day Isang Araw sina Ms. Gloria Romero at Camille Prats mula nang ginawa nila ang hit primetime series na Munting Heredera (2011).

Gaganap na anak ni Gloria si Camille at apo naman niya si Jillian Ward sa pang-Sabadong palabas ng GMA-7 na One Day Isang Araw.

Sabi ni Gloria sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m so happy na kasama ko siya [Camille].

“Yun pala, ganoon din ang reaksyon niya, ‘Sino kasama ko, sino ang nanay ko?’

“’Si Gloria Romero.’ ‘Ay, sige, sige!’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actress sa taping ng One Day Isang Araw sa Candaba, Pampanga.



CHILDREN’S SHOW. Fantasy ang tema ng One Day Isang Araw, iba sa usual na ginagawa ng beteranang aktres at movie queen.

Sabi ni Gloria, “Well, it’s for the children.

“This is my house in the story... si Camille at saka yung apo ko, pumunta dito para bisitahin ako and to stay.

“Because according to the story, parang nagkakahiwalay sila noong husband niya so they wanted to stay with me kasi nalulungkot sila.

“Pero yung bata [Jillian], ayaw niya.

“But when she met a lot of kids, nag-enjoy siya... ayaw na niyang bumalik sa kung saan sila galing.

“At doon siya makaka-meet ng all kinds of characters—may mga duwende, may mga kung anu-ano.”

Light lang daw ang One Day Isang Araw.

“Very light... Every week, we have a different story.

"Kasi si Jillian, supposed to be dito, suplada. She’s very pampered, brat... she doesn’t like talking to the poor. Tsaka nandidiri siya sa mga kung ano’ng kinakain nila.

“Meron silang ginawang bagay na hindi maganda, pinarusahan sila ng duwende.

“She learned her lesson... of course there’s always a moral lesson sa story.”



TALENTED KID. Ayon kay Gloria, maraming beses na silang nagkasama ni Jillian sa mga TV projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My last was yung madre ako sa Cielo de Angelina, nag-guest ako doon.”

Puring-puri rin ng dating Sampaguita Pictures star ang child wonder.

“She’s so brilliant, hanggang ngayon, isang basa lang niya ng script, alam na niya—terible!

“At saka ang ganda niya ngayon kasi pumayat! She looks so grown-up, ano? Cute!

“Noong kumakain kami, sabi ko, ‘Wow, ang galing mo namang kumain, hija, ubos lahat.’

“Sabi niya, ‘Kasi Lola, noong pumunta ako sa mga squatter, nakita ko wala silang kinakain... tubig lang at saka asin. Kaya nag-promise ako, hindi ako kukuha kung hindi ko uubusin!’

“Sabi ko ‘Ay, how nice naman of you to do that. Mabuti nakita mo yun. Totoo yun, hija. You have to be thankful God has given you so much blessings.’

“She is such a sweet kid, very sweet.

“Kanina tinanong ko, ‘Hindi ka ba nagsasawa, shooting ka nang shooting, taping ka nang taping?’

“Sabi niya, ‘Hindi po. Gusto ko pagtanda ko, tulad ako ni Mommy Camille. At pag tumanda ako lalo, tulad ninyo po.’

“Sabi ko, ‘Ay, very good!’

“But aside from that, gusto daw niya maging doktor. Sabi ko, ‘Kaya mo pa ba iyon?’

“Susubukan daw niya. She’s so cute!

“At saka nag-aaral daw siyang mag-piano ngayon, nag-aaral mag-gitara.”



SURPRISING MOVE. Napadako naman ang usapan kay Sarah Lahbati, na nakasama ni Gloria noon sa primetime series na Makapiling Kang Muli (2012).

Ayon sa veteran actress, nami-miss niya si Sarah.

“Ay, oo! You know, I adore that girl, I love her.

"Kasi she’s very down-to-earth... hindi siya mayabang, very sweet siya.

“Kasi we’re in one tent, e, naka-bonding ko siya.”

Ano ang naging reaksiyon ni Gloria sa pagku-quit ni Sarah sa showbiz?

“Nagulat ako na biglang wala na siya! Sabi ko, ‘Ay, hindi man lang nagpaalam sa amin!’

“Siguro she had no time, hindi nga nagpaalam sa Seven [GMA-7], e!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento rin ni Gloria, dumadalaw pa noon ang parents ni Sarah sa set ng Makapiling Kang Muli sa Calatagan, Batangas.

“Naghe-helicopter sila, ayaw nilang mag-bus kasi masyadong malayo.”

Hindi naman naniniwala si Gloria na buntis si Sarah.

“Tsismis lang yun!” sabi niya.

Nalaman din ni Gloria na pumupunta si Richard Gutierrez sa Switzerland para bisitahin ang nobya.

Sabi niya, “Baka in love sila talaga, that is so sweet. They are so sweet on the set, e.

“Ang suwerte ko naman, kasi noong ginagawa ko yun [Makapiling Kang Muli], na-in love silang dalawa.”

Kuwento pa ni Gloria, halos magkasabay ang Richard-Sarah affair sa Heart Evangelista-Chiz Escudero affair.

“Noong ginawa ko ang Forever, na-in love din si Heart!” at muling tumawa ang beteranang aktres.

“Si Heart naman, ang ganda-gandang bata.

“Alam mo, pag umiiyak siya, hindi nasisira ang mukha niya—ang ganda-gandang bata.”



ACTORS-POLITICIANS. Nagawi naman ang kuwentuhan sa nakaraang eleksyon. Naitanong namin kung satisfied ba si Gloria sa naging resulta ng botohan.

Aniya, “I’m so happy for Grace [Poe]! Siya ang ano namin, binubulung-bulungan na kung puwedeng iboto siya... ganoon.

“Sa mga common friends, sa mga kakilala, but we never go out to campaign.

“Alam mo, tuwing pupunta ako sa grocery sasabihin, ‘Lola Gloria, congratulations, nanalo si Grace, ha, binoto namin!’ Nakakatuwa.”

Naging concerned din daw Tita Gloria sa mga artistang tumakbo.

“Iyon ang inabangan ko sa news gabi-gabi kung sino sa mga kasamahan namin ang nanalo.

“Si Dick [Roderick Paulate], tinawagan ko agad kasi kasama ko sa Heredera.

“Niloko pa ako. Sabi ko, ‘Dick, this is your lola. O, ano kumusta? Kaya kita tinawagan, ano ang balita?’

“Sabi niya, ‘Kasi mommy…’ ‘O, bakit ka malungkot?’ ’A, joke lang!”’

Tawa raw nang tawa si Roderick, na muling nanalo bilang konsehal sa Quezon City.

“Sabi ko, ‘Ikaw talaga!’

“Si Aga [Muhlach], inabangan ko rin... akala ko he was going to make it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was wining, tapos all of a sudden he lost, siguro... ewan ko.

“Of course, sila Joseph [Estrada], mayor—kakatuwa... si Isko [Moreno]. Wow! I’m so happy also, si Alfred Vargas.

“Si ER [Ejercito na governor muli ng Laguna], e, iyon naman, talagang wow!

“Si Lucy [Torres-Gomez na congresswoman muli sa Leyte].

“Tinawagan ko si Ate Vi [Vilma Santos-Recto], si Governor Vi, siya pa ang sumagot.”

Maysakit pa raw at namamalat si Vilma, na nahalal muli as Batangas governor, habang kausap niya sa phone.

“Sabi niya, ‘Tita Glo, wala akong boses, maysakit ako.’

“Sabi ko, ‘Napagod ka, ano? Pero congrats, ha? Matulog ka na.’ Sabi ko, ‘I just wanted to congratulate you.’

“And ang maganda sa kanila, they answer talaga, hindi nila ako inaano sa mga secretary, ano?”

Oo naman, Miss Gloria Romero yata siya!

“No, pero I understand if they don’t ’coz they’re tired. Pero in spite of that, si Vilma, malat na malat...

“Si Richard [Gomez] who didn’t make it up to now, siguro ’kako in God’s perfect time.

"Siguro talagang siya, for the movies lang.

“He does naman so well, silang dalawa ni Dawn [Zulueta], di ba?

“Isipin mo, hanggang ngayon, tinitilian sila ng tao—nakakatuwa!”

Binati rin ba niya si Heart dahil nanalo muli ang boyfriend nitong si Chiz bilang senador?

Sabi ni Gloria, “Hindi ko natawagan si Heart, kasi kami ni Heart, hindi naman kami naging magkaeksena.

“We don’t see each other. We’re one in the story, e, so I never had the chance to ask kung anong telephone number niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN