Krystal Reyes joins elite group of Kapuso tween stars via Anna KareNina

Isang malaking break para kay Krystal Reyes ang primetime series na Anna KareNina kaya ipinapangako niyang gagawin ang lahat upang pagbutihin ang kanyang pagganap. Sabi niya, “Promise ko po na hindi ko sila bibiguin. I will do my best para makita nila na deserving po ako sa binigay nilang role sa akin.”


Mula sa pagiging child actress na na-introduce noon sa 2007 GMA-7 primetime series na Bakekang, isa nang dalaga si Krystal Reyes sa edad na 16.

Bini-buildup na ngayon si Krystal bilang lead star, kasama ang mga Kapuso tween stars na sina Barbie Forteza at Joyce Ching, sa bagong primetime series na Anna KareNina.

Gaganap si Krystal bilang si Anna Serrano, isa sa nagke-claim na tunay na heredera ng pamilyang Montecillo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa teen actress sa press launch ng Anna KareNina sa Imperial Palace Suites sa Quezon City last week, nagkuwento siya tungkol sa big break na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Lahad ni Krystal, “Noong inalis po agad ang role ko sa Bukod Kang Pinagpala, nalungkot po ako kasi akala ko wala na akong show.

“Pero sinabihan ako agad na kasama ako sa Anna KareNina.

“Hindi ko pa po alam na isa ako sa bida until mag-story conference na kami.

“Doon ko lang po nalaman na ako ang gaganap na Anna sa series.

“Siyempre, po natuwa ako kasi hindi ko po ini-expect… marami po ang puwedeng pagpilian pero ako ang napili nila.

“Promise ko po na hindi ko sila bibiguin. I will do my best para makita nila na deserving po ako sa ibinigay nilang role sa akin.”



AWARD-WINNING DIRECTOR. Natuwa ang tween actress dahil ang award-winning actress na si Gina Alajar ang direktor ng kanilang teleserye.

Nakatrabaho na niya si Gina bilang aktres sa Hiram Na Puso at bilang direktor sa Reel Love Presents Tween Hearts.

Si Antoinette Taus ang unang gumanap bilang Anna sa original series na Anna KareNina noong 1996.

Ayon kay Krystal, hindi pinapanood sa kanila ang original series dahil gusto ni Direk Gina na fresh ang approach nila sa project.

“Gusto po ni Direk Gina na wala kaming panggagayahan.

“Yung acting po namin, sa amin lang po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin kailangan gayahin ang naging acting ng mga original na mga bida ng Anna KareNina.

“Tama lang naman po iyon para wala raw pong comparison.

“Kaya tuwing taping po, lagi kaming handa sa gustong ipagawa sa amin ni Direk Gina.”



LOVETEAM. Ang kapareha ni Krystal sa Anna KareNina ay ang binatilyo na ngayong si Julian Trono.

Sabi ni Krystal, matagal na silang magkakilala ni Julian dahil nagkakasabay sila noon sa pagge-guest sa mga show ng Kapuso network.

“Naturuan na rin niya akong sumayaw noon sa Party Pilipinas.

“Magaling siyang sumayaw talaga kaya tuwing taping, binibiro namin siyang sumayaw kapag break time namin.

“E, minsan nahihiya na siya. Noon bata raw kasi, okey lang… ngayon daw, awkward na.

“Kung gusto raw namin siya makitang humahataw, bisitahin namin siya sa dance studio niya sa Quezon City.

“Doon daw, hindi siya mahihiyang sumayaw!” natatawang kuwento ni Krystal.

Nagkaroon na ng bonding sina Krystal at Julian noong mag-workshop sila bago magsimula ang taping ng Anna KareNina.

Kasabay rin nilang mag-workshop ang magiging ka-love triangle nila sa teleserye na si Joanna Marie Tan.

Sabi ni Krystal, “Actually, kaming tatlo ang nagkaroon ng bonding talaga, kasi mas madalas kaming magkakaeksena.

“Si Joanna, naging kontrabida ko na siya before sa Bantatay, kaya sanay na kami sa isa’t isa.

“Si Julian po ang first time kong makatrabaho talaga at, so far, okay naman po ang mga ginagawa namin.

“Pareho nga kaming kinakabahan dahil pang-primetime kasi ang show.

“Sinabi naman namin sa isa’t isa na magtutulungan kaming lahat para maging maganda ang bawat eksena namin."

Sa tanong naman kung posibleng ma-develop sila ni Julian habang ginagawa ang Anna KareNina, sinabi ni Krystal na malayo pa itong mangyari.

Paliwanag niya, “Trabaho po muna kami ni Julian. Tsaka masyado pa po kaming bata para isipin ang mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas okey po yung ganito na magkaibigan kami para mas maayos ang pagtatrabaho namin.

“Marami pang pagkakataon na makikilala namin ang isa’t isa.

“Hindi po agad-agad ay made-develop kami sa isa’t isa.

“Sa ngayon po, enjoy kami working with one another.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN