Kris Bernal goes daring and wild in her first indie film

Mapangahas ang role na gagampanan ni Kris Bernal sa kaunag kauna-unahang indie film, ang Isang Tag-araw sa Buhay ni Twinkle Payawan. Gaganap siya dito bilang isang cocaine addict. Sabi ni Kris, “Tinanggap ko siya dahil feeling ko, kailangan ko namang gumawa ng kakaiba na yung hindi nila nakikita basta-basta."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasalang sa isang indie film ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Ito ay sa pamamagitan ng Isang Tag-araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan, na kalahok sa 2013 Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition ng Film Devolopment Council of the Philippines (FDCP).

Mula sa direksiyon ni Gil Portes, makakasama ni Kris dito sina Cris Villanueva, Sef Cadayona, Dominic Roco, at Chynna Ortaleza.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris noong Linggo, inilarawan nito ang kanyang role sa indie film na ito na magsisimulang mag-shooting sa susunod na linggo.

“Actually, tinanggap ko siya dahil ibang-iba ang role—isa akong cocaine addict na mari-rehab ako... wild ako.

“Tinanggap ko siya dahil feeling ko, kailangan ko namang gumawa ng kakaiba na yung hindi nila nakikita basta-basta.

“Kasi nasanay po sila na sweet ang role ko na laging mabait.

“Pero ngayon, gusto kong ipakita sa kanila na gusto ko ring gumawa ng kakaibang film.

“Yung hindi lang ako nata-typecast na sweet-sweetan lang.”

Paano napunta sa kanya ang proyekto?

Kuwento ni Kris, “Nag-audition ako kay Direk [Gil Portes].

“Wala rin kasi akong masyadong ginagawa ngayon, wala pa rin naman akong soap.

“Sinabi ko sa GMA Artist Center, ‘Pag may mga auditions na indie films, tawagan ninyo ako… gusto kong subukan ‘yan.’”

Dagdag niya, “Happy ako honored ako na talagang under Direk Gil Portes.

“Kilala naman natin si Direk Gil, di ba? Marami siyang ginawang pelikula...

“Like, siya yung gumawa ng movie ni Miss Vilma Santos, yung Miss X [1980]. Siya rin yun kay Ms. Nora Aunor na Merika [1984].

“Kay Donita Rose po, meron siyang ginawang movie.”

Ang tinutukoy ni Kris na pelikula ni Donita na idinirek ni Gil ay Class of ’91 (1991).

DIFFERENT KRIS. Hindi ba siya nahirapan sa audition? Ano ang naging pakiramdam niya habang nag-o-audition?

Kuwento ni Kris, “Nong nasa audition ako, kinakabahan ako siyempre, kasi makakaharap ko si Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ibinigay ko yung best ko, lalo na nung ikinuwento sa akin yung material, ipinagdasal ko na sana mapunta sa akin.

“Ang ganda ng kuwento.

“Feel ko, magugulat lahat ng tao kapag napanood nila yung film kasi hindi ako.

“Maski sa tunay kong personality, yung totoong Kris Bernal, ibang-iba. So, nakaka-excite.”

Hindi kaya manibago ang mga fans niya?

“Kasi wild siya—medyo sexy, may bed scene. Siguro maninibago talaga sila.

“Tinatanong nga nila ako kung itutuluy-tuloy ko na ba o babalik ako sa wholesome role ko after nitong film, e.

“Hanggang ngayon tuloy, napapaisip ako: ‘Ano bang dapat kong gawin? Oras na ba para simulan ko sa film na ito na medyo mag-daring na ako, na tumanggap na ako ng roles na mature?’

“Gusto ko siyang i-consider kasi, kumbaga, seven years na rin akong nakikita, napapanood ng mga tao na wholesome.

“So, gusto ko siyang subukan.”

Kaya niya na bang magpa-sexy, mag-bed scene, love scene, at kissing scene?

Sagot ng 24-year-old actress, “Siyempre, hindi ko muna masasabi kung magiging mahusay ako. Pero gusto kong subukan.

“Pero feeling ko, kaya ko. Alam mo naman ako basta trabaho anuman ‘yan, go ako, pagbubutihan ko.”

Alam ba ng GMA-7 ang gagawin niyang proyekto at kung ano ang gagawin niya rito?

“Alam nila. Actually, pinagde-decide nila ako kung gagawin ko raw yung movie.

“Ibig sabihin nun, puwede akong magtuluy-tuloy sa ganung roles.

“Pero kung tatanggihan ko raw po yung film, magiging strict sila sa akin sa wholesome.

“So ngayon, nag-iisip pa ako.

“Pero gusto ko siyang tanggapin kasi ang sarap niyang gawin, e. Alam mo yun?

“Basta, for the art na lang na gusto mong gawin… dahil dun.

“Pero sabi nga nila, ‘Ready ka na bang magpa-sexy?’

“Ready naman ako, pero sa ngayon, may limitation at alam naman nila kung hanggang saan ang kaya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS SHE READY FOR FHM? Puwede na ba siyang mag-pose nang sexy sa FHM o sa anumang men’s magazines?

“Yun nga, e. Sa film, may mga ganung eksena na naka-two piece… may naka-panty raw ako, alam mo yun?!” sabay tawa niya nang malakas.

“Tapos, may indication ng after making love… yung gano’n?

“Then, may mga back nudity raw o back exposure daw… hindi ko pa alam, pero sabi nila may ganun daw.

“Di ba, parang hindi mo ma-imagine sa akin?

“Pero feeling ko naman, kaya ko. Actually, nasa pagdadala lang yun.

“Sabi ko nga, baka mahirapan ako dahil mukha akong bata.

“Biruin mo, twenty-four na ako, pero ang tingin pa rin sa akin, fifteen lang.

“Pero siguro kailangan ko ring pag-aralan yung mga ganung klaseng roles. Kasi hindi naman forever na bata lang ako, e.”

Kinu-consider niya na bang mag-FHM?

“Hindi,” sagot ni Kris.

“Siguro yung sa film, ano lang, parang silip lang ng ibang Kris Bernal. Pero hindi ako mag-o-all out.

“Pero siyempre, kailangang may permission ako ng parents ko. Ayoko rin naman na decision ko lang.

“Siyempre, kailangan din ng decision nila.”

Kailangan ba niyang humingi ng permiso kay Carl Guevara na ka-M.U. (Mutual Understanding) niya?

“Naku, maarte yun, e!” bulalas ni Kris.

“Hindi naman kailangan ng permission.

“Pero sabi ko nga sa kanya, ayokong-ayoko sa lahat yung pinagbabawalan ako. Lalo na sa trabaho.

“Yung gusto kong gawin tapos pagbabawalan ako? Yung kailangan kong gawin tapos pagbabawalan ako? Yun ang ayaw na ayaw ko.

“So, feeling ko, kahit ayaw niya… siyempre ayaw niya dahil si Carl conservative na tao yun, e.

“Sabi ko, ‘Basta sa trabaho, gagawin ko… sorry.’”

ACTUAL RESEARCH. Ngayong linggong ito naka-schedule magsimula rumolyo ang kamera para sa Isang Tag-araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan, pero hindi raw muna sasalang si Kris dahil mayroon muna siyang kailangang gawin para sa kanyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Kailangan ko munang bumisita sa mga rehabilitation centers or mag-interview ako ng addict sa mga rehabilitation dahil yun daw ang pagdadaanan ko—as in intense talaga yung pagiging cocaine addict ko sa film.”

Hindi naman nire-require sa kanya na subukang mag-take ng cocaine?

“Naku, huwag naman! Huwag naman!

“Dyusko Lord, kung gano’n, huwag na lang din,” na ang ibig niyang sabihin ay magba-backout na lang siya sa project.

Paglilinaw pa ni Kris sa gagawing pag-o-observe sa rehabilitation centers, “Gusto ko lang makita yung mannerism nila, yung behavior nila.”

Komo nga sasabak na sa mapangahas na role si Kris, naitanong ng PEP sa kanya kung gustung-gusto na ba niyang makilala bilang isang tunay na aktres.

Tugon niya, “Oo naman.

“Ang tagal ko na rin, e. Seven years na ako sa industry.

“Kumbaga, ang dami ko rin namang nagawang lead roles.

“So, gusto ko po, since seventh year ko na, I have to do something different.

“Kailangan may bago sa akin para hindi sila magsawa.”

NEXT PROJECT. September last year pa ang huling teleserye ni Kris sa GMA-7, ang Coffee Prince. Pero hanggang ngayon ay wala pa siyang bagong drama series.

Kaya ba niya gustong lumabas sa isang indie film, kahit medyo alangan sa image niya ang role na gagampanan ay dahil matagal na siyang walang ginagawang acting assignment?

Gusto niya bang may pinagkakaabalahan hanggang hindi pa siya nabibigyan ng bagong show?

Sumang-ayon naman si Kris at sinabing, “Siguro dahil nga wala akong ginagawa at matagal nila akong hindi nakita.

“Kaya gusto ko, pag lumabas uli ako, iba na.”

Ano bang feeling ng nabakante ng walong buwan?

Sabi ni Kris, “Ay, hindi naman po ako naiinip.

“Actually, nararamdaman ko naman na kahit saan, pinu-push ako ng network.

“Sa mga guestings, pag puwede ako, ‘Sige, isalang natin si Kris.’

“Binibigyan po talaga nila ako ng trabaho, kahit sa mga regional shows ng network, kaya talagang pinu-push nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, feeling ko, parang gusto lang nilang right project for me.

“Pero sa ngayon po, parang wala pa para sa akin… okey lang naman po.”

Posibleng sa susunod na drama series ni Kris sa GMA-7 ay si Aljur Abrenica na naman ang kapareha niya.

Kinuha ng PEP ang opinyon ni Kris kung dapat na bang pagpahingahin muna ang loveteam nila ni Aljur.

Nag-isip nang matagal ang Kapuso actress bago sinabing, “Feel ko kailangan na ring maghiwalay kami.

“Pero ang sa akin, parang gusto ko pa ring subukang maka-partner si Aljur sa isang serious na soap. Kasi lagi kaming pa-cute, laging sweet-sweetan.

“Gusto ko bago kami maghiwalay, makagawa kami ng isang mature role sa isang soap. Yun talagang nasa edad namin, hindi yung tweetums.

“Yung mas may challenge at para maiba naman yung gagawin namin.

“So, parang feel ko, pag nagawa kami ng ganong klaseng project, puwede na kaming mag-try sa iba.

“At least, ma-establish namin na nakagawa ng kakaibang soap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN