John James Uy believes going indie is better: “It gives me more exploration and freedom. Kasi kung nasa mainstream ka, parang ano, robot lang.”

“It’s slowly picking up. Yung first film ko, drama, adult drama. Ito naman, comedy, medyo light. So I wanna show people na hindi lang ako sa isang genre. Puwede naman ako sa comedy o sa horror, o sa action,” sabi ni John James Uy tungkol sa kanyang acting career.


Ang model turned actor na si John James Uy ang leading man ng "political comedian" na si Juana Change sa pelikulang Juana C The Movie.

Sex-comedy ang tema ng pelikula kaya naman naging intense ang ilang eksena sa pagitan nina John James at Juana. Mayroon pa nga silang sex scene dito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John James sa premiere ng Juana C The Movie noong nakaraang linggo.

“It’s very comfortable working with Juana. Dun sa bed scene namin, it’s all fun, and pag nag-cut na, wala, tawa lang kami nang tawa!” sabi niya tungkol sa sex scene nila sa pelikula.

Aniya, nag-audition siya sa role na ito at napili siya dahil may chemistry sila ng bida ng pelikula.

“Actually, nag-screen test kami ni Juana. I think we have a comedic chemistry. I auditioned as her love interest in the film. Pasok naman,” sabi ni John James.

Bukod sa sexy scenes ay puno rin ng political references ang nasabing pelikula.

Si Juana Change kasi ay nakilala dahil sa kanyang viral videos na may lamang political commentary, kaya’t ganito rin ang laman ng pelikula.

Pahayag ni John James, “It’s marketed as a sex-comedy, pero during the middle of it, it heightens the politics.

"It sends people a message, parang wake-up call na ito yung reality ninyo. Make people want to change talaga.

"You see it every day, how bad our country is becoming.

"Sana, there’s a point in someone’s life na, ’Hey, we need a change. Let’s bring it back up.’”

Inamin ni John James na wala siyang malalim na kaalaman sa pulitika noong simula pa lang ng shooting ng pelikula na ito. Pero marami raw siyang natutunan habang ginagawa nila ang pelikula, kaya masasabi niyang naging makabuluhan ang pakikipagtrabaho niya kay Juana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I learned so much from her because at the start of the film, I didn’t really know much about politics in the Philippines.

"It made me wanna change din, e. Parang reality check, e,” sabi niya.



GOING INDIE. Nakilala si John James matapos nitong maging runner-up sa Be Bench model search sa ABS-CBN. Matapos nito ay nagkaroon siya ng ilang shows sa Kapamilya network.

Ngayon, pinipili na raw ng model-actor na lumabas sa mga pelikulang indie.

Ang una niyang pelikula ay ang sexy-thriller na Rigodon, ang indie film na idinirek ni Erik Matti. Ngayon naman ay leading man uli siya sa indie film na Juana C The Movie.

Masasabi raw ni John James na maganda ang itinatakbo ng kanyang career dahil sa dalawang pelikulang ito.

“It’s slowly picking up. Yung first film ko, drama, adult drama. Ito naman, comedy, medyo light.

"So I wanna show people na hindi lang ako sa isang genre. Puwede naman ako sa comedy o sa horror, o sa action,” saad niya.

Aniya, mas nagugustuhan na raw niya ang indie roles kaysa sa mainstream.

“As an artist, it gives me more exploration and freedom.

"Kasi kung nasa mainstream ka, parang ano, robot lang. Same script all the time, same story.

"But when we say indie, kahit ano puwede,” paliwanag niya.

Sa katunayan nga raw ay nakikipag-usap na siya para sa indie film na susunod niyang gagawin.

“Horror naman. Pero itong horror na ito, might be too bloody, too gory. Super gory siya, parang Saw o Hostel.

"We’ll see, we’ll see,” sabi ni John James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN