Carl Guevara cites reasons why he fell in love with Kris Bernal

“Yung sa akin, totoong tao siya. Mababaw lang siya. Madaling patawanin, masayang kasama. Saka maalalahanin siya. Hindi talaga siya nagpapanggap na mayaman siya or sosyal siya. Basta kung ano lang siya, yun lang yun. Saka wala siyang yabang," paglalarawan ni Carl Guevara kay Kris Bernal, ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ngayon.


Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris Bernal ay sinabi nitong "napakabait na tao" ng manliligaw niyang si Carl Guevera. Naiilang nga raw siya minsan sa tindi ng pag-aalaga nito sa kanya at pag-alalay sa lahat ng bagay.

(Read: Kris Bernal on how much she loves Carl Guevara: "From one to ten? Siguro I would rate it as seven.")

Tanong naman ng PEP kay Carl: Bakit ganito katindi ang atensiyon na ibinibigay niya kay Kris?

Sagot ng Kapuso hunk, “Gaya nga nung dati… kailan ba? Ang huli kong girlfriend, ang tagal na, e.

“Since lumipat ako sa GMA-7, wala akong girlfriend.

“Kahit marami akong nakikitang maganda, nakakatrabaho, ni wala man lamang pumasok sa isip ko na, ‘Ligawan ko kaya ito? Gustuhin ko kaya ito?’

“Wala akong nagustuhan.

“Tapos nong nakatrabaho ko si Kris sa Last Prince, wala pa rin akong ginagawang aksyon, hindi ko man lamang siya nagustuhan.

“Pero nong nag-Cebu kami, kausap ko siya, kakuwentuhan...

“Hindi ko alam na bigla akong tinamaan sa kanya nung nagkukuwentuhan kami.

“Yun yung Cebu trip namin na hindi na matutuloy.

“Ayoko kasing mag-Cebu nun dahil tinatamad ako, tapos siya rin, parang tinamad siya nung ako kasama niya.

“Kasi ako, sobang tahimik ako pag kasama mo ako. Bilang lang yung lumalabas sa bibig ko, e.

“Sabi nga raw niya sa handler niya, ‘Sino’ng makakasama ko sa Cebu?’

“Sabi, ‘Si Carl!’

"’E, nakakatamad naman, wala ka namang mapapala dun, hindi naman nagsasalita yun, e.’

“Mababagot lang daw siya, sabi niya.

“Tapos, bigla akong... parang isang pitik, nagkagusto ako sa kanya.

“Hanggang sa niyaya ko na siyang lumabas. Niyaya ko siyang mag-dinner. Parang nag-grow na lang yung interes ko siya.

“Tapos nung nag-Coffee Prince [2012] siya," patuloy ni Carl, "sinabi niya sa akin na medyo magiging busy siya.

“Hindi naman ako totally na pinatigil. Sinabi lang niya sa akin na, ‘O, mas magpu-focus muna ako sa trabaho ko, hindi muna kita masyadong mapapansin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ako naman, ‘Okey lang, sige, basta nandito lang ako.’

“Tiyaga-tiyaga, hanggang ngayon nandito pa rin.”

KRIS ON CARL’S EYES... Ano ba ang nakita niyang mga katangian ni Kris na nagpatibok ng kanyang puso.

Saad ni Carl, “Ano siya, e… para sa akin, totoong tao si Kris, e.

“Hindi siya yung nagpapaka-sosyal... yung sosyalera ba?

“Kahit saan mo siya yayaing kumain, hindi siya yung ano, e…

“Minsan yayayain ko siya, ‘Dinner tayo sa ganito.’

“Sasabihin nun, ‘Huwag diyan, ang mahal-mahal diyan. Huwag diyan. Dito na lang tayo.

"’Mag-Jollibee na lang tayo, mura pa, may dalawang manok na tayo, busog pa tayo, di ba?’

“Sinasabi ko nga sa kanya, ‘Oo nga, pero minsan may time naman kumain naman tayo sa ganito… Makikita tayo ng mga tao na kumakain sa Jollibee.

"’Kahit sabihin nating gusto natin, pero makikilala ka ng mga tao pag diyan tayo kumain, di ba?’

“Pero siya, gusto niya sa mga fastfood.

“One time nga, nag-mall kami, niyaya niya akong kumain sa foodcourt! ‘Magpu-foodcourt talaga tayo?’” nangingiting kuwento ni Carl

Patuloy niya, “Sab ko sa kanya, ‘Okey lang sa akin na kumain sa foodcourt. Pero makikita ka ng mga tao, ano’ng sasabihin nila?’

“Siyempre, yung mga tao, may masasabi at masasabi ‘yang mga ‘yan, di ba?

“May mga lalapit pa. Siyempre makikipagkamay, magpapa-picture…

“Wala namang masama doon. Kaya lang, yung privacy kasi na mai-enjoy mo yung food mo.

“Ang hinihiling niya talaga sa akin, mag-Divisoria. Sabi ko, ‘Mahihirapan tayo diyan.’

“Yung sa akin, totoong tao siya.

“Mababaw lang siya. Madaling patawanin, masayang kasama. Saka maalalahanin siya.

“Hindi talaga siya nagpapanggap na mayaman siya or sosyal siya.

“Basta kung ano lang siya, yun lang yun. Saka wala siyang yabang.

“Minsan sinasabi niya na gano’n siya. Pero sa totoo lang, mas may status naman siya sa iba.

“Pero ang tingin niya sa sarili niya, ganun na lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang maganda sa kanya.”

MAKING UP. Ngayong hindi masyadong busy si Kris, paano naman bumabawi sa kanya ang young actress?

Sabi ni Carl, “Minsan sinasabi niya sa akin na gusto niyang dumaan sa taping ko.

“’Pangit namang tingnan,’ sabi ko. ‘Babae ka, tapos bibisita ka sa taping namin?’

“One time lumabas kami… nung Thursday lang. May pictorial ako sa magazine.

“Nung time na yun, dapat aalis kami. Nawala sa isip ko na may pictorial ako.

“Siya pa ang nagpaalala, ‘Uy, may pictorial ka, a!’

“Tapos tumawag sa akin yung handler ko, meron daw akong pictorial.

“So, sumama sa akin si Kris sa pictorial. Tanong ko sa kanya, ‘Gusto mo talagang sumama sa pictorial?’

“Sagot niya, ‘Oo, bakit? Anong masama?’

“’Hindi, dito ka na lang sa kotse, hintayin mo na lang ako, mabilis lang naman ito, e.’

“E, nagpumilit siya. Bumaba siya ng kotse at sumama siya sa loob. Nanonood siya.

“Nahihiya nga ako na nandun siya.”

Saang level na ang pagmamahal niya kay Kris, in a scale of one to 10?

“Siguro, sa totoo lang, 10.

“Kasi, simula sa umpisa na nakilala ko siya hanggang ngayon, mas mahal ko siya kaysa sa umpisa, e. Habang nakikilala ko siya."

Okey lang ba kay Carl na hindi muna ibigay ni Kris ang buong puso niya sa kanya?

“Okey lang. Actually, sa akin, okey lang, basta masaya akong nandiyan siya. Kahit hindi pa niya lahat ibinigay.

“Noong umpisa nga, wala, e. At least, ngayon kahit paano, meron.

“Masaya na ako.”

BIRTHDAY GIFT. Bakit naman trip to Singapore ang naisip niyang iregalo kay Kris?

Paliwanag ni Carl, “Sa totoo lang kasi, alam ko, hindi siya mahilig sa mga gamit.

“Wala akong maisip talaga. Saka wala akong maibibigay na materyal dahil kaya naman niyang bumili nang bumili ng bag, e.

“Kaya nag-isip na lang ako ng magandang regalo na maibibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-effort ako, kinausap ko yung handler niya, yung nanay niya kinasabwat ko.

“Hindi alam ni Kris na may sorpresa ako sa kanya.

“So, yun ang pinaka the best na maibibigay ko sa kanya na alam kong matutuwa siya.

“Saka hindi naman ako nag-alangan na gastusan siya ng ganun kasi sa totoo lang, pag nakilala mo talaga si Kris, matutuwa ka talaga sa kanya, e.

“Simple lang talaga siya, e. Alam mong wala siyang dinadaing na, ‘Uy, alam mong may gusto akong ganyan-ganyan.’ Wala siyang gano’n.”

Naikuwento rin ni Kris na hindi siya pinagastos ni Carl sa Singapore, at pinag-shopping pa raw niya ito?

“Oo!” pagkumpirma naman ni Carl.

“Siyempre, sulitin na. Lubus-lubusin na.”

Ano yung mga binili niya para kay Kris?

“Kasi ang hilig nun… kasi ayaw pa niyang mag-shopping nun.

“Ako ang nangulit sa kanya, nung last namin… ‘Kumuha ka diyan. Nandito na tayo, e. Sayang naman.’

“Kasi si Kris, wala ‘yang hilig sa damit. Kung anong meron siya, yun lang. Kung ano yung mga nasa bahay nila, yun na lang yun.

“Kasi yung mga ate niya ang bumibili ng damit para sa kanya. So, kung ano yung nasa bahay niya, yun lang.

“Never siyang bumili… simula nung nakilala ko siya hanggang ngayon, never siyang pumuntang mall na bumili siya ng damit na nakita ko, ha?

“Alam mong wala siyang hilig.

“So, sabi ko sa kanya sa Singapore, sa H&M kasi kami nagpunta, ‘Sige, kung ano ang makita mo, bumili ka na diyan, kumuha ka na.’

“’E, hindi naman ako marunong pumili, e.’

“So, pinilian ko siya. So, yung mga pinili ko, ginamit niya sa ibang mga event na pinupuntahan niya o sa trabaho niya.

“Nagustuhan naman kaya tuwang-tuwa siya.

“Sabi nga niya, ang galing ko raw mag-style!

“Kuwento niya, nagustuhan daw nung mga nakakita yung damit, kaya ang galing ko raw mag-style.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi matandaan ni Carl kung ilang piraso ng damit ang ipinamili niya kay Kris, pero aabot daw ito sa sampu.

Sabi pa niya, “Kasi kung makapal ang mukha niya, kuha siya nang kuha. Pero ayaw pa nga niyang kumuha, ipinipilit ko pa sa kanya.

“’Eto, kunin mo, bagay ito sa iyo.’ Ako pa talaga yung pumilit na kunin yung mga damit.”

First time niya ba itong gawin sa kahit na sinong babae?

Sabi ni Carl, “Actuallly, lahat ng ginawa ko kay Kris, first time lang.

“Kasi katulad nung naging girlfriend ko dati, hindi naman ako nanligaw. Hindi ako naghirap na manligaw.

“Ang dami ko ring natutunan kay Kris.

“Si Kris kasi, pag nag-isip ‘yan matured, e. Advance mag-isip ‘yan, e.

“Kahit paano napapayuhan niya ako. ‘O, ganyan-ganyan, magtipid ka naman kahit minsan.’

“Natutuwa ako sa kanya.”

Nakikita ba ni Carl na magtatagal ang relasyon nilang dalawa ni Kris kung saka-sakali?

Sagot niya, “Actually, ano… sana. Kasi wala naman akong pride, e.

“E, eto [Kris], wala rin naman itong pride, e.

“Pag nagkakatampuhan kami, mamaya nakangiti na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN