Diether Ocampo denies John Lloyd Cruz challenged him to a fistfight

Nagsalita na si Diether Ocampo tungkol sa nabalitang alitan diumano nila ng co-star niya sa Apoy Sa Dagat na si Angelica Panganiban at ng boyfriend nitong si John Lloyd Cruz. Sabi ni Diether, “Wala namang ire-reconcile to begin with. I believe lahat kami dito ay nagtatrabaho nang maayos and we deliver kung ano ang hinihingi sa amin. At the end of the day, we still look at each and smile at each other. Yun ang importante. Nothing personal, trabaho lang.&qu


Nagsalita na si Diether Ocampo tungkol sa diumano’y kumprontasyon na namagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz sa set ng ABS-CBN primetime series na Apoy Sa Dagat.

Si John Lloyd ang boyfriend ni Angelica Panganiban, na co-star naman ni Diether sa Apoy Sa Dagat.

Matatandaang may lumabas na report na nagkasikatan diumano sina Diether at Angelica sa isa nilang eksena.

Sa isang eksena raw kasi ay nabato ni Diether si Angelica ng flower vase na hindi naman dapat kasama sa eksena.

Kasunod nito ay tumawag daw si Angelica sa boyfriend nitong si John Lloyd upang isumbong ang nangyari, at kaagad naman daw sumugod ang aktor sa set.

Nagkaroon daw ng pagtatalo sina Diether at John Lloyd, pero naawat daw ito ng executive producer ng show sabay sabing, "Not on my set."

PART OF THE JOB. Sabi ni Diether sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News ngayong araw, June 6, “Whatever is happening on the set, parte ’yan ng proseso para masiguro namin na maganda ang maipalabas namin.

"Whether it’s difficult or madali, lahat ’yan kasama.

"Kung ano man ang naglabasan na hindi maganda, I can assure you that nothing like that really happened.”

Sa naunang panayam kay Angelica, itinanggi niyang nagkaroon ng hamunan sa pagitan nina Diether at John Lloyd.

Ayon pa kay Diether, “We are all professionals. Star Magic produced artists like myself and Angelica.

"Siguro you know the background ng Star Magic pagdating sa ganyan and we won’t allow things like that to go out of control.”

Depensa pa ni Diether sa insidente, gusto lang nilang maging makatotohanan ang mga eksena sa show.

Aniya, “We don’t want to give mediocre performance for the audience. We owe it to the audience.

"Kaya nga kami nagtatrabaho, it’s really to make them feel yung para sa inyo, yung deserve n’yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-misunderstood lang kaya ang pagiging makatotohanan niya sa mga eksenang kanyang ginawa?

Tugon ni Diether, “Well, may director naman sa set, we have a lot of people who are in control.

"We are just actors, we are told what to do.

"Anything beyond that, it’s really nothing, we are all professionals.”

NO CONFRONTATION. Totoo bang hinamon siya ni John Lloyd ng suntukan?

Pagtanggi ni Diether, “Like I said, walang ganoong nangyari.

"But whatever their issue is, hindi ako part noon.

"Maybe it’s between him and her, but as far as my work is concerned, I have nothing to do with."

Dagdag pa ni Diether, walang dapat ayusin sa kanila nina Angelica at John Lloyd.

“Wala namang ire-reconcile to begin with.

"I believe lahat kami dito ay nagtatrabaho nang maayos and we deliver kung ano ang hinihingi sa amin.

"At the end of the day, we still look at each and smile at each other. Yun ang importante.

"Nothing personal, trabaho lang.

“I don’t see the equation bakit napasama yung isa [John Lloyd] kasi hindi siya kasama siya sa show.

"But with Angelica, kasama ko siya sa show, so definitely it’s a constant adjustment dahil the role given to her is sobrang mahirap.

"Hats off to her dahil performance-wise, sobrang na-justify niya yung role. Medyo beyond pa sa hiningi sa kanya ng direktor.”

NOT FOR HIM TO SAY. Sa isyu namang diumano ay nagalit si Angelica sa kanya dahil sa kanyang pagiging late sa set, sabi ni Diether, “Not in the position to answer that.

"Parang, kumbaga, if there are people who can really testify and say, e, dapat sa kanila manggaling ’yon.

"I can always say na, ’No, I’m not,’ hindi ba? Pero maniniwala ka ba?”

Ayon pa kay Diether, ikinukunsidera pa rin niya si Angelica na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz kahit may mga naglabasang isyu sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can consider Angelica as one of my best friends in showbiz.

"Hindi lahat tinatawag ko ng ’bes.’ Kapag ganoon, mabigat ’yon.

"Si Angelica, naggo-grow din ang tao, madami din siyang pinagdadaanan sa personal na buhay niya.

"I just want her to know that we are all here.

"I’m one of those many friends of yours who are willing to support you no matter what.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN