Charice will talk to mom Raquel Pempengco when she is ready

Nilinaw ni Charice na umalis siya sa bahay nila ng kanyang ina na si Raquel Pempengco, hindi dahil ayaw niya sa kanyang pamilya kundi dahil sa sitwasyon niya ngayon. Sabi ni Charice, "Medyo uncomfortable po para sa akin, kaya ginawa ko po ’yon."


Inamin ni Charice na nami-miss niya ang kanyang ina na si Raquel Pempengco at ang nakababatang kapatid na si Carl matapos siyang umalis sa kanilang tahanan.

Sinabi pa nitong ang dahilan ng kanyang pag-alis sa kanilang bahay ay ang kanyang pag-amin sa totoo niyang kasarian, na ramdam niyang hindi tanggap ng kanyang ina.

Ayon pa sa singer, inamin niya sa kanyang ina na siya ay tomboy noong 18 years old pa lamang siya.

Kuwento ni Charice sa ABS-CBN News, "Kasi nalaman niya noong 18 po ako. Medyo nagalit po siya.

"Doon po ako yung nag-fly sa US na ako lang mag-isa, doon ako naging dependent sa apartment.

"About sa umalis ako ng bahay, masasabi ko na sa sitwasyon ko ngayon, hindi lang po ako yung ganito ang pinagdadaanan.

"So, sana po ay huwag nilang isipin na ginawa ko ’yon dahil ayaw ko sa kanila, ayaw ko sa bahay.

"Siyempre, kung mayroon akong pag-i-stay-an, I’d rather stay there dahil pamilya ko sila.

"Pero dahil sa sitwasyon ngayon at napi-feel nila about it, medyo uncomfortable po para sa akin, kaya ginawa ko po ’yon."

Dagdag pa ni Charice, “I miss her, gusto ko lang malaman ni Mom and ni Carl na nami-miss ko sila.”

Tumitira ngayon si Charice sa isang pamilya sa Cabuyao, Laguna.

Sa panayam naman sa kanya ng ANC, sinabi ni Charice na hindi niya makakalimutan ang hardwork na ibinuhos ng ina para sa kanyang career.

"I will never forget it, although I know she is really in pain.

"I don’t really want to go there, that we are not on good terms, because that’s just normal."

Handa naman daw siyang kausapin ang ina kapag handa na siyang makaharap ito.

Aniya, “Yes. It’s like my decision to come out.

"It’s the same because it’s a big deal for me to talk to my mom after that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to talk to her when I am really, really ready.”

Inamin din ni Charice na nahirapan siya na wala silang komunikasyon ng ina at kapatid.

“Mahirap po. Hindi naman ito yung first time na nangyari ito, ilang beses na rin na nawalan kami ng communication, tapos magkakaroon at mawawala na naman po ng matagal.

"Mahirap since wala na si Daddy, at ngayon wala ako sa side ng daddy ko, not totally walang sumusuporta, pero ngayon, hindi ako sobrang malungkot din dahil may mga taong sumusuporta sa akin—pangalawang family po.

"Pero siyempre, iba yung family mo talaga ay nandiyan para sa iyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN