Rocky Gutierrez admits to vandalism incident; apologizes to tech journalists

Nag-offer daw si Rocky Gutierrez na siya ang magbabayad sa pagpapagawa ng damages na ginawa nila ng kanyang girlfriend sa kotse ng isang tech journalist.


Umamin ang character actor na si Rocky Gutierrez sa ibinibintang na vandalism ng dalawang tech journalists laban sa kanya at kanyang girlfriend.

Humingi na rin ng paumanhin si Rocky sa mga nagreklamo, at nagpaliwanag kung bakit nila nagawa ang pambababoy sa kotse ni Alora Uy Guerrero, tech editor ng Yahoo! Philippines, noong June 2, Linggo.

Kasama ring naghain ng reklamo laban kay Rocky at sa girlfriend nito si Ramon “Monch” Lopez, isang gadgets consultant at tech journalist.

(Read: Rocky Gutierrez and girlfriend face malicious mischief charges after allegedly vandalizing car of tech journalists)

Sa pakikipag-usap ni Guerrero sa InterAksyon.com, sinabi niya na ilang oras matapos maiulat sa news websites ang insidente noong June 5, tinawagan daw siya ni Rocky.

Naganap daw ang pag-uusap nila sa telepono dakong alas-nuwebe ng gabi.

Ipinaliwanag daw sa kanya ni Rocky kung bakit nila nagawa ng kanyang girlfriend ang pagsulat ng mga bastos na salita sa salamin at windshield at paggasgas sa hood ng sasakyan ni Lopez na isang Honda maroon sedan.

Ayon kay Rocky, pagod na pagod daw sila ng kanyang girlfriend nang dumating sila sa One Beverly Place, Greenhills, San Juan. Hindi raw nila ikinatuwa na makitang nakaparada ang sasakyan ni Lopez sa parking space ni Rocky.

Sinabi ng character actor na dalawang oras daw silang naghintay sa parking lot.

Pero hindi raw nabanggit ni Rocky kung nakipag-usap ba sila ng kanyang kasintahan sa guards sa basement upang sa gayon ay makausap sina Guerrero at Lopez, na sa mga oras na iyon ay nasa condo unit ng kanilang kaibigan sa naturang building.

Isang mensahe lang daw ang nakuha ni Rocky mula sa maraming mensaheng iniwan ni Guerrero sa building administration personnel.

Matapos pakinggan ang panig ng isa’t isa ay humingi ng paumanhin si Rocky kina Guerrero at Lopez.

Nag-offer din daw ang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na siya na ang magbabayad sa pagpapagawa ng mga sirang ginawal nila sa sasakyan ni Lopez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat tinanggihan ni Guerrero ang offer ni Rocky, ikinatuwa naman niya ang pagpapakumbaba nito.

“I’m pleased that he made an effort to reach me. After hearing his apology, me and Monch just want to put this incident behind us and move forward from here,” sabi ni Guerrero.

Dagdag pa ng tech journalist, nangako ang building administration ng One Beverly Place na magpapadala sila ng written apology sa kanila ni Lopez.

Hindi na rin daw nila itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Rocky, na kapatid nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN