Rafael Rosell on being managed by Popoy Caritativo: “Ang galing niyang mag-alaga at feeling ko nga, spoiled ako, e.”

Hindi problema kay Rafael Rosell na wala silang kontrata ng manager niyang si Popoy Caritativo kung hindi isang “handshake” lang. Pagmamalaki ni Rafael: “I trust Popoy one hundred percent at yung handshake na yun hindi na kailangan ng kontrata yun.”


Slim and tanned ngayon si Rafael Rosell. Parte ba ng role niya sa Maghihintay Pa Rin ang new look niya?

“Part na siguro, pero side effect ito ng puyat ng limang araw na walang tulog nang maayos.

“Dire-diretso yung taping namin,” pahayag ni Rafael sa PEP.ph (Philippine Entertanment Potal) a few days bago pa siya lumipad papuntang Amerika para sa Kapuso show ng cast ng Temptation Of Wife.



U.S. TOUR. Nag-show sila sa New York nitong June 2 at sa Carson bukas, June 8.

“Tapos, pagbalik dito ng June 10, June 11 yata ang Singapore namin for the taping ng Maghihintay Pa Rin.

“Tapos, balik kami dito ng June 17, tapos may presscon at taping.

“Tapos, pupunta naman ako sa Canada, show din, sa Toronto naman po.

“Blessings po,” ang nakangiting sinabi ni Rafael tungkol sa hectic schedules niya.

CHANGE OF MANAGER. Sina Dennis Trillo at Glaiza de Castro ang makakasama niya sa show sa Canada at ang kasama naman niya sa U.S. shows ay si Marian Rivera.

Dahil dito, hiningan namin ng pahayag si Rafael tungkol sa pag-alis ni Marian kay Popoy Caritativo na dating manager naman ng aktres.

“Unang-una, hindi ako nakapag-react dahil hindi ako nakapaniwala.

“Hindi ako naniniwala e, nagulat talaga ako.

“Kasi, ang tagal din nila, di ba? Sa umpisa hindi ako makapaniwala,” paulit-ulit niyang sambit.

Tinanong ba niya si Popoy tungkol dito?

“Hindi ko na masyadong tinanong ang detalye, sa kanila na yun, e.

“Tapos, para hindi din ako malagay sa danger na magkamaling comment, dahil siyempre sensitive issue yun.

“So, kung anumang legality or manager-to-artist relationship nila or kung anumang conflict, hindi ko masyadong alam ang mga detalye, e.”

Hindi ba sila nagkausap ni Marian bago nito binitiwan ang manager?

“Noong nag-fashion show kami para kay M. Barretto, nag-usap naman kami.

“Pero yung pinagsamahan namin ni Marian, iba naman sa pinagsamahan nila ni Popoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ni Popoy, okay kami... kami ni Marian okay kami, so doon lang ako sa okay.”

SPOILED. Ano ang naglaro sa isip niya na maaaring dahilan ni Marian sa pag-alis sa dating manager?

“I think para sa kanya na yun kung anumang nangyari doon, e.

“Sa akin so far, okay yung experience ko kay Popoy... ang galing niyang mag-alaga at feeling ko nga, spoiled ako, e.

“Kaya nag-e-enjoy ako... so ako, wala naman akong balak umalis, wala talaga akong problema.”

Wala namang awkwardness kapag nagkakasama sila ni Marian?

“Wala, e! Dahil noong nagkasama-sama kami sa Temptation Of Wife, ang ganda naman ng usapan namin.”

Kay Popoy pa rin si Marian at that time.

“Pero noong nagkita kami sa Fashion Week, wala... parang ganoon pa rin.

“Tapos, sabi ko, ‘O, umalis ka na!’ Tapos sabi niya, ‘Oo nga, e.’

“Sabi ko, ‘E, di hindi na tayo magka-Luminary family.’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e.’

“Sabi ko, ‘Sana may project pa tayo ulit.’

“Game naman si Yanyan [palayaw ni Marian].”

FELT SAD. Inamin ni Rafael na nalungkot siya sa nangyari.

“Oo naman siyempre, dahil pag nawala ang isang member ng pamilya, nakakalungkot naman talaga yun, e.”

Si Martin Escudero ay wala na rin kay Popoy.

“Si Martin naman, hindi ko masyadong naka-bonding ng sobra-sobra kaya hindi ko masyadong naramdaman na umalis din siya.

“Naramdaman naman, pero hindi ko masyadong... kasi hindi ko siya ganoong ka-close, e.”

Napansin ba niya kung ano ang naging epekto nito kay Popoy? Nalungkot ito, for sure.

“Well, siyempre. Sino ba namang hindi malulungkot?”

Pero hindi naman daw niya nakitang umiyak si Popoy.

“Nagkita kami after... siguro, a week noong nangyari yung isyu na yun.

“Tapos, wala, parang wala nga sa kanya, e.

“Tinanong ko kung okay siya, sabi niya, nag-move on na daw siya...

“’Tapos na yung isyu na yun, at mag-enjoy na lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, kaming lahat nag-dinner na lang kami, steady lang.”

MATTER OF TRUST. Si Rafael, gaano siya ka-loyal kay Popoy kahit wala silang kontrata ni Popoy?

“Handshake lang!”

Hindi kaya na kay Popoy palagi ang danger?

“Anong lagi kay Popoy ang danger?”

Na dahil wala nga silang kontratahan ay madaling iwanan si Popoy ng talent.

“Hindi ba din sa amin yung danger? Kasi wala rin kaming kontrata... puwede rin kaming iwanan basta.”

Pero mas madalas na ang manager ang iniiwan, bihira yung manager ang nang-iiwan ng talent.

“Ganoon ba yun?” pabalik-tanong niya.

Tulad nga ng nangyari sa pagitan nina Popoy at Marian.

“Sabagay,” pagsang-ayon ni Rafael.

“Well, kung handshake kasi, pero sa akin kasi, noong...

“Well, I was with a network for the longest time without signing with anyone else.

“So para sa akin, ang loyalty naman is as good as how much you trust a person.

“I trust Popoy [Caritativo] one hundred percent at yung handshake na yun hindi na kailangan ng kontrata yun.

“Kaya para sa akin, steady na ako dito, okay na okay ako.”

FAVORITE. Maikukumpara ba ni Rafael bilang leading lady sina Marian at Bianca King?

“Opo naman, hindi naman maiiwasan.

“I think yung pagkukumpara sa bawat leading lady, parang tatanungin mo ang isang nanay na ikukumpara yung mga anak niya.

“Kasi wala naman talagang favorite, e.

“Ako rin wala akong favorite. May favorite ako na kung sino ang katrabaho ko at that moment.

“Pero habang katrabaho ko yung ka-loveteam ko at that moment...

“Siyempre, hindi ko iniisip yung mga nakaraan, dahil mali naman yun, e.

“Kahit sa relationship naman, ganoon, di ba?

“So kung sino ang present, doon nakabuhos ang focus, doon nakabuhos ang passion, doon nakabuhos ang attention.”

JEALOUS. Noong nakatrabaho ni Rafael si Marian sa Temptation Of Wife, walang ligawan isyu na kumalat dahil sa karelasyon ng dalaga si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagkakaiba ngayon, si Bianca naman ay loveless at posibleng may mangyaring ligawan.

Paliwanag ni Rafael, “Iyon nga, e. Aaminin ko nag-comment ako doon.

“Siyempre, ang ganda-ganda ni Bianca, sigurado ako na maraming nanliligaw.

“At aaminin ko na minsan, naririnig ko yung phone niya na nagri-ring at may kausap siyang tao.

“At humirit na ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Puwede, mga two or three months muna bago mo sagutin ‘yan?’”

Nagseselos na agad si Rafael?

“Hindi naman, para at least, steady kami sa set, di ba?

“Dahil ako, naranasan ko na yung may girlfriend ako habang nagte-taping.

“Tapos, may kissing scene, tapos, magpapaalam ako, tapos, may away... ang hirap nang umarte!

“Kaya para sa akin, as much as possible, focus na lang muna sa trabaho para madali para sa ating lahat.

“Kaya sinabi ko, ‘Huwag muna,’” at natawa si Rafael.

AWKWARD. Hindi ba awkward na ang ex-boyfriend ni Bianca ay si Dennis Trillo na matalik na kaibigan ni Rafael?

“Pinag-usapan din namin yun! Dahil sobrang open kasi ni Bianca, e, madali siyang kausap, e.

“So sabi niya... siya ang dumiresto sa akin, sabi niya, ‘I’m sure mao-awkward-an ka dahil ex- ko si Denden [Dennis].’

“Sabi ko, ‘Iyon ang itatanong ko sa iyo—magiging awkward ba ito?’

“Sabi niya, ‘Hindi! Open naman ako, e.’

“Sabi ko, ‘Kung hindi ka magiging awkward, hindi rin ako magiging awkward.’

“So hindi kami awkward.

“Kinausap ko din si Denden, si Kuya Denden. Sabi ko, ‘Bro, katrabaho ko yung ex- mo.’

“Tapos, tawanan lang kami. Tapos, sabi ko, kung may tip kung paano maging mas friendly...

“Or kung may mga bagay na gusto siya [Bianca] para maganda rin ang impression.

“Sabi niya, ‘Sobrang cool lang ni Bianca.’ Kaya wala daw ako ng dapat alalahanin.”

Posible bang magkagusto si Rafael kay Bianca knowing na ex-GF ito ng kaibigan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Familiar ba kayo sa “bro code?” Di ba may “bro code” ‘yan? Bawal ‘ata na ligawan ang ex ng kaibigan mo.”

Hindi napipigilan ang puso…

“Totoo yun! Hindi napipigil ang puso.”

So, sinusunod ba niya ang “bro code?”

“Opo naman, pag yung kaibigan ko may ex, siyempre off-limits na yun para sa akin.”

Kung na-in love nga siya sa ex?

“Kasalanan ko yun! Dahil choice mo rin kung bubuksan mo ang puso mo o hindi.”

Magpaalam na lang siya sa kaibigan niya.

“Puwedeng magpaalam, pero kung darating ang pagkakataon na iyon, magpapaalam ako.”



BONDING. Magiging mas close sila ni Bianca dahil may taping ang Maghihintay Pa Rin sa Singapore—iba ang magiging bonding nila abroad.

“Totoo yun!” bulalas ni Rafael.

May danger na ma-in love sila.

“Danger ba yun? Sa tingin mo danger? Bakit, delikado ba yun?” at tumawa si Rafael.

May “bro code” nga ba sila ni Dennis?

“Lahat naman posible, e, at hindi mo talaga mapipigilan yung puso mo.

“Pero for now, sa estado ng utak ko, “bro code” muna, kaya for now, walang conflict.

“At pinagdadasal ko rin na sana wala talagang conflict.

“Pero hindi ko maipapangako yun,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN