Carla Abellana on “guiding” boyfriend Geoff Eigenmann: “I think that’s part of being a man na kailangan there’s a woman who will care of them.”

Hindi tanggap ni Carla Abellana kapag ang karelasyon niya ay involved sa isang lalaki rin. Paliwanag niya: “Parang that’s not only painful for you but also painful for him, if you stay in the relationship. Parang pinapatay mo ang sarili mo at parang pinapatay mo rin siya.”


Ipinagmamalaki ni Carla Abellana na hindi nasayang ang matagal niyang paghihintay na magkaroon ng bagong TV project sa GMA-7.

Ilalabas na kasi ang gay-themed-love triangle series nila nina Dennis Trillo at dating Kapamilya actor na si Tom Rodriguez na My Husband’s Lover.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla matapos ang launch ng soap nitong Martes sa Kapuso Network, sinabi niyang excited na siyang mapanood ang sarili.

“Kasi it’s a beautiful material and I would love to be part of that first time ever on TV, yung may ganoong tag.

“Noong in-explain sa akin yung material, ang sabi ko, ‘Talaga? Ready na sila? Go! Buti naman. It’s about time.’”

GAY-THEMED LOVE TRIANGLE. Ang tinutukoy ni Carla na material ay ang pagkakaroon ng triangle love affair sa kanilang tatlo nina Dennis at Tom.

Ginagampanan ni Carla ang role na misis ni Tom na closet gay na karelasyon si Dennis.

Paano kung nangyari sa kanya ang ganitong sitwasyon sa tunay na buhay, na ang kanyang asawa o boyfriend ay may lover na lalaki?

Saad ni Carla, “Mas acceptable naman ho pag niloko ka sa isang babae—that’s very painful.

“Pero mas painful naman po ’pag sa kapwa lalaki rin.

“So honestly, dahil ako po ay Catholic, I believe in the sanctity of marriage… I will try my best to really stay with my husband.

“Pero ibang klase na yun pag homosexual na siya.

“Parang that’s not only painful for you but also painful for him, if you stay in the relationship.

“Parang pinapatay mo ang sarili mo at parang pinapatay mo rin siya.

“Kasi alam mong hindi na siya happy sa iyo and he wants another man… so, I will let him go.

“So, mas gugustuhin kong maka-triangle ang isang babae kaysa sa ibang lalaki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba parang risky ang ganitong tema ng serye lalo na sa national television?

“Risky talaga siya, hindi lang medyo… Oo, risky talaga.

“Pero alam mo naman magaling ang GMA-7 sa mga ganyan. Lagi namang nagte-take ng risk ang GMA.”

MTRCB APPROVAL. Kung ganitong katapang ang tema, hindi natin maiiwasang i-consider ang posibleng pagpuna ng MTRCB.

“Of course,” pagsang-ayon ni Carla.

“We will respect whatever restrictions they impose—ipu-push natin.

“Like what director Dom said, ‘Ipu-push natin hanggang kaya, pero okay, sige, may restrictions.’”

Ano naman ang reaksyon ng Lola ni Carla na si Ms. Delia Razon sa bago niyang serye?

“Parang hindi pa masyadong alam ng lola ko, e. Alam niya, she knows about it.

“Pero knowing my lola, ipinagkakalat na niya sa mga ano niya, sa mga barkada niya.

“Hindi pa kami nagkakausap, pero this morning sinabi niya, ‘O, kumusta?’

“Kasi 7:30 a.m. na kami na-pack up kanina, 9:30 na ako nakauwi.

“Sabi niya, ‘O, ano? Kumusta? Puyat ka?’ Hindi ako makasagot! Sabi niya, ‘Just pray.’”

Hindi ba siya masa-shock na may gay undertone ang serye niya?

“I don’t think so. Because pag homosexuality ang pinag-uusapan, open naman ang lola ko, e.

“Siyempre, may friends din siya, may mga tsismis rin… nakikitsismis ang lola ko sa mga ganyan.

“So, she’s open to it kaya alam kong magugustuhan niya yun.”

BOYFRIEND’S REACTION. Ano naman ang reaksyon ni Geoff sa bago niyang project?

Si Geoff Eigenmann na isa ring Kapuso star ay kasintahan ni Carla.

“Si Geoff? Nagulat siya noong una. Hindi pa niya ma-gets noong una.

“‘Ah, okay… My Husband’s Lover… ganyan. Sabi ko, ‘Si Dennis at saka si Tom Rodriguez…’

“‘Sandali,’ sabi niya. ‘Sila yung lovers?’

“Oo, they’re gay… ‘Ah, talaga?’

“Hindi pa niya na-get noong una.

“‘Bakit Dennis and Tom? Dennis and Tom? Ah,’ sabi niya. ‘Sila ang lovers?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa talaga niya na-gets noong una.

“Si Geoff definitely would be very uncomfortable, kasi… although nirerespeto niya ang homosexual… hindi siya masyadong makanood.

“Kunwari, pilitin mo siyang manood ng Brokeback Mountain? Hindi mo siya mapipilit.

“Siguro sa intimacy, yung ganoon.”

SECURE ABOUT SEXUALITY. Hindi raw napanood ni Dennis ang Brokeback Mountain noong ipinalabas ito sa Pilipinas pero napilitan siyang panoorin ito para sa portrayal niya sa serye.

Ang Brokeback Mountain ay isang gay romantic drama na pinagbidahan nina Heath Ledger at Jake Gyllenhaal bilang lovers.

Kuwento naman ni Carla, “Kahit si Direk Dom, hindi niya pinanood yung movie, ngayon napanood na niya.”

Dahil sa pag-aalangan ni Geoff na panoorin ang Brokeback, wala namang dapat alalahanin si Carla dahil secure siya sa sexuality ng boyfriend.

“Oo naman, lalaking-lalaking si Geoff! Huwag sanang magbago.”

Paano kaya kung magbago si Geoff?

“Huwag naman… huwag naman sana. Pero kung ano, e di, maghanap tayo ng iba! O! Kung gusto na niya ng lalaki,” natatawang sambit ni Carla.

Kung siya ang tatanungin, gusto ba niyang makita si Geoff sa alinmang roles na pinu-portray nina Tom at Dennis?

“O, di challenge… Oo naman, itsa-challenge ko siya, ‘Sige nga, kaya mo? Para ma-overcome mo yung discomfort.’”

Paano kung magkaroon ng gay lover ang boyfriend niya pero straight guy pa rin siya?

“Basta, sabihin pa rin niya sa akin… ang sasabihin ko, ‘Babay!’

“E, unfair naman yun sa akin… basta sabihin niya sa akin—yun ang importante, truth and honesty.”

Umarteng parang maiiyak si Carla sa tanong kung mas matatanggap ba niyang meron ibang babae si Geoff kaysa may gay lover ito.

“E, sabi ninyo straight siya? Okay na lang na may gay lover, basta straight pa rin siya,” natatawang sagot ni Carla.

THIRD PARTY. Paano naman kung magkaroon ng third party sa kanila ni Geoff at babae yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag naman po… Ano pa naman ako… paranoid… maisip lagi.

“Siyempre, di ba? Pag lalaki, matukso lang. Siyempre, may worries pa rin,” pag-amin niya.

Ano naman ang ibinigay niyang suporta o security sa relasyon nila ni Geoff para hindi na siya maagaw pa ng ibang babae?

“Basta, sasabihin niya sa akin kung ano ang mga gusto niya at hindi… hangga’t sa kaya kong ibigay, walang problema.

“Pero kung kailangan pa niyang kunin yun sa ibang girl, e, di mamili ka na lang,” saad niya.

Malaki ba ang adjustment na ginagawa niya para mapanatiling intact ang kanilang relasyon?

“Ah… mahabang pasensya, but not adjustment naman,” dagdag pa ni Carla.

“Ako yung mahabang pasensya, although we have a lot of… he’s childish though we have a lot of common.

“Pero mas marami kaming differences, e, than yung things in common, so, ang daming pagtatanggap.”

Ibig sabihin, siya yung mas nagdadala ng relasyon?

Mabilis na tugon si Carla, “Oo naman! Ah, aminado? Oo naman! Para rin naman na yung girl ang laging in control, e.

“I think that’s part of being a man na kailangan there’s a woman who will care of them, di ba?”

Bakit kinakailangan siya ang mas maraming adjustments?

“Kasi ang dami kong itinuturo sa kanya… things in life… hindi naman baby na super.

“Kasi, he’s mature enough, responsible, independent enough. Pero kailangan mo lang i-guide…”

Pero hindi naman bini-baby.

“Hindi naman, hindi naman din nakakapagod, kasi kung para rin naman sa amin yun, okay lang naman.”

UNCOMFORTABLE. Dati nang may alinlangan si Carla sa mga kissing scenes niya pero nawala na ito ngayon.

Paliwanag ng aktres, “Sanay na tayo pero it’s always difficult pag first time.

“Kasi, first time ko rin naman makatrabaho si Tom. Meron pa rin namang… hala, first time ito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s part of your job at darating sa point na it’s just like any other scene na after ilang seconds, tapos na.”

Okay na ba kay Geoff ang mga kissing scenes o intimate scenes sa mga leading men niya sa project?

“Hindi pa rin niya papanoorin ‘yan,” tukoy niya sa My Husband’s Lover.

“Honestly, hindi niya panonoorin ‘yan… hindi naman seloso pero uncomfortable lang siya.

“Kahit noong My Neighbor’s Wife namin ni Dennis [Trillo] dati? Hindi pa rin siya ano…

“Hindi pa kaya ng mata niya. Although, tanggap naman niya, hindi lang niya mapanood.

“Siyempre, girlfriend niya yung pinapanood niya.”

“FAT” MEMO. Kumusta naman si Geoff ngayon bilang napapabalitang nagsisimula nang magpapayat?

“Okey naman siya, he lost weight already. Although, hindi pa siya pumapayat but he lost 12 lbs. na.

“He has enough time pa naman para sa paglu-lose weight program niya—religious naman siya sa kanyang pagwu-work out.”

Ano ang naging support niya kay Geoff noong napadalhan ito ng “fat” memo ng GMA-7?

“’Samahan kita…’ sinasamahan ko siya. ‘Where do you wanna go?’ Example, boxing, mga ganyan.

“Hangga’t free kami pareho, ‘Samahan kita. Gusto mo mag-yoga pa tayo pareho,’ whatever… Kung anu-anong offer.”

Hindi ba siya nadi-depress sa mga nagsasabing mataba siya?

“Hindi naman. Pero kung lagi mo siyang nire-remind or pag pinu-push mo siya, oo.

“Pero sabihan mo lang siya isang beses, okey na yun sa kanya… do not rub it in his face.

“Ayaw niya yun… huwag mo lang paulit-ulit na sasabihin sa kanya.

“With Geoff, sabihin mo lang sa kanya once, okay na. Clear na yun sa kanya, what he has to do.

“Sana nga, pumayat na siya, pero he has given enough time naman… Sana mga 2 to three months pa.

“Kaya naman niya yun, magagawa naman niya yun.”

ON KUH LEDESMA. Kabilang sa cast ng serye nila ang Pop Diva na si Kuh Ledesma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilib si Carla sa naobserbahan niyang galaw at professionalism ng mang-aawit sa set nila.

“First time kong makatrabaho si Ms. Kuh… she is not the Diva you think she is when ka-trabaho mo siya.

“I love it when we eat together. Kahit dalawa lang kami, kuwentuhan kami, tapos, laging nagdadasal.

“Kailangan ko yung ganoon, yung guidance and support that she prays for me.

“Very casual siya, parang ang dali niyang pakisamahan,” pagsasalarawan pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN