Carl Pempengco on sister Charice’s sexuality: “Matagal na namin siyang tanggap.”

Carl Pempengco says that they’ve tried every way they can to convince his sister Charice to go home, yet they failed. But he assured that though they’re not in good terms at the moment, “Nandito lang kami.”


Hindi lamang si Raquel Pempengco ang naglabas ng saloobin sa ginawang pag-amin ni Charice na isa siyang tomboy.

(Read: Raquel Pempengco: “Ang pakiramdam po namin ay itinakwil na kami ni Charice.”)

Maging ang nakababatang kapatid ni Charice na si Carl Pempengco ay nagbigay rin ng pahayag sa isinagawang presscon ni Raquel kanina, June 7, sa dati nilang bahay sa Rancho Estate, Marikina City.

Bago magsimula ang presscon ng kanyang ina ay nauna nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang miyembro ng media si Carl.

Ayon sa kanya, “Una ko nalaman yung situation [pagiging lesbian ni Charice] kay Mom kasi… nung una talaga, ayaw niya talaga sabihin kay Mommy.

“So, parang pinanigan ko siya nung una, kaya parang hindi na ako masyadong nasu-surprise ngayon—yung paglabas niya nang biglaan.”

(Read: Charice: "Opo, tomboy po ako.")

Ngunit giit ni Carl, “Tanggap naman namin siya.

“Tanggap naman namin siya, e—matagal na namin siyang tanggap.”

Pero base sa mga nangyayari sa pagitan ng kanyang ina at kapatid, hindi raw maikakaila ni Carl na nasasaktan siya mga nangyayari.

"Yung mga sinasabi niya… yung mga sinasabi niya sa mga interviews niya,” sambit niya.

PINAGTATAKPAN KO SIYA NOON.” Dahil nga kay Carl unang umamin si Charice tungkol sa kanyang sekswalidad, nagkaroon daw ng mga pagkakataon na pinagtatakpan niya ang kapatid sa kanilang ina.

Aniya, “Talagang magkakampi kami talaga nun.

“Yung times na ayaw pa niyang sabihin kay Mommy…

“Kasi mayroong time na nandun kami sa ano na ‘yon, inisip niya hindi siya matatanggap ni Mommy, ganyan-ganyan.

“In-encourage ko siya, ‘Sabihin mo kay Mommy. Siguro kung hindi ka matatanggap ng mundo, tatanggapin ka [ni Mommy]. Pag hindi ka tanggapin ng buong mundo, sigurado ko tatanggapin ka ng nanay natin.’

"Totoo naman ho ’yon.”

Ayaw raw husgahan ni Carl ang mga ginagawa ng kanyang kapatid ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kahit pa raw mayroon silang hindi pagkakaunawaan, diin niya, “Hindi kami galit sa kanya.

“Kapatid ko siya, pano ako magagalit sa kanya?”

Sa ngayon ay wala pa rin daw komunikasyon si Carl kay Charice.



WHEN CHARICE LEFT. Hindi raw iniyakan ni Carl ang ginawang pag-amin ni Charice na siya’y tomboy.

Bagkus, ang labis niyang iniyakan at ng kanilang ina ay noong "naglayas" ang singer.

"Kasi talagang hindi namin alam yung reason kung bakit siya [umalis].”

Biglaan daw ang naging pag-alis ni Charice sa kanilang bahay, at hindi pa nga raw nila agad nalaman na sa kanilang kamag-anak sa Cabuyao, Laguna ito tumuloy.

“Hindi na namin sila natanong kasi wala sa idea namin na nando’n [siya].

“May mga nagbabalita… sinabi lang nila nung kalat na at saka lang nila sinabi kay Mommy.”

Ang bagay na ito, ayon kay Carl, ang ikinasasama ng loob nila.

Paliwanag niya, “Kasi nung umalis siya, ilang weeks, ilang araw, hindi man lang nila sinabi.

“I mean, kung ako, magkukupkop ako ng isang taong lumayas, at least sasabihin ko na, ‘O, nandito si ganyan, wag ka nang mag-alala, kami na muna’ng bahala sa kanya.’ Di ba ho?

“‘Yon yung ano, e, wala silang sinabi maski na ano.”

Ilang beses na rin naman daw nilang sinubukang kausapin si Charice at hikayatin na bumalik sa kanila.

Pero dahil tila ayaw pa rin nitong sumama sa kanila, doon na raw nagdesisyon ang ina nila na pabayaan na muna si Charice upang hanapin nito ang kanyang sarili.

Sabi pa ni Carl, “So, yun muna yung… kasi tinray [tried] na namin yung una... yung parang, kumbaga, yung lumalapit kami sa kanya, tinray na namin yung attempt na ‘yon.

"So, parang magta-try naman kami ng ibang ano ngayon, ibang approach.

“Kasi mahirap talagang ano, e, mahirap talagang pilitin yung taong ayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi baka nararamdaman niya na masyado siyang tinatali, so hayaan na muna natin siya.

“Sinasabi sa akin ni Mommy, parang ano lang ’yan, e, the more na pilitin mo yung isang tao, the more lang siya magpupumiglas, e.

“So hinahayaan namin siyang gawin yung gusto niya para, siguro, the next time na bumalik, hindi na niya kami masisisi.”



CHARICE’S RELATIONSHIPS. Samantala, naging matipid naman ang mga sagot ni Carl nang matanong tungkol sa nakarelasyon noon ni Charice na si Courtney Blooding, at ang karelasyon nito ngayon na si Alyssa Quijano.

Sinabi ni Carl na nag-uusap sila ni Courtney noon, pero hindi sila close. Habang hindi naman daw niya nakakausap si Alyssa.

Nang tanungin kung tatanggapin ba ng kanilang pamilya si Alyssa sakaling bumalik sa kanila si Charice, sagot ni Carl, “Hindi ko masasagot ’yan.

“Si Mommy lang ho ang makakasagot niyan.

"Kasi siyempre, hindi ko naman ho tahanan ‘yon... I mean, tahanan namin ‘yon, pero wala sa akin ang desisyon.”

“NANDITO LANG KAMI.” Sa lahat ng nangyayaring ito, si Carl daw ang nagsisilbing lakas ng kanilang ina.

Kuwento pa ni Carl, gabi-gabi ay umiiyak ang kanyang ina dahil sa nangyayaring ito sa kanilang pamilya.

Kaya naman bilang suporta, ayon kay Carl, “Tina-try ko yung best ko na mag-aral.

“Kasi sabi niya, ‘yon lang yung ano, e, pag nakikita niya na nag-e-effort ako, at least nakakalimutan niya ‘yon.

“So, alam ko, ‘yon lang yung maitutulong ko sa kanya—yung gawin kong mabuti yung buhay ko, hindi ako umaalis sa side niya.

"Hindi ako umaalis sa side niya, lalo na pag alam kong kailangan niya [ako].

“Minsan hindi ako pumapasok, basta ano minsan… one [time], hindi ako pumapasok para lang masamahan ko yung mommy ko.

"Kasi para sa akin, mas importante talaga pamilya kesa sa ibang tao, willing ako na i-sacrifice lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Carl daw ay nasasaktan sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.

Pero aniya, “Ako nasasaktan sa mga nangyayari, e, paano pa kaya yung sarili naming nanay?

“Siyempre, mas masakit sa kanya ‘yon.

"And siyempre ako, hindi ko alam kung anong ano…

“Kahit anong gaawin ko, siyempre merong something sa kanya na hindi ko kayang tugunan, na si Ate lang ang makakaano.

“So, hindi ko naman puwedeng i-replace ang ate ko, hindi puwede ‘yon. Hindi mangyayari ‘yon... hindi mangyayari ‘yon, e.

“Kahit anong gawin ko, siya pa din si Charice, ako pa din si Carl.”

Kung mayroon lamang daw magagawa si Carl upang masolusyunan ang kanilang problema ay ginawa na niya.

Iyon nga lang, sabi ni Carl, “Hindi mo talagang puwedeng ipilit sa isang [tao] yung bagay na gusto mong gawin—hindi puwede ‘yon, e.

“Kailangan pag pinasok mo sa kanila ‘yon, kailangan tatanggapin nila nang maluwag. Kasi mahirap, e, mahirap talaga.”

Kaya ang mensahe na lamang ni Carl sa kanyang kapatid na si Charice: “Katulad nung sinasabi ni Mommy, nandito lang kami, e.

“Siyempre, kahit anong gawin mong ikot sa sarili mong mundo, ang pamilya mo, iisa lang ’yan, e.

“Kasi tinray ko na, tinray ko na ‘yan noon, e. Nagrebelde ako, sinubukan kong ialis sa buhay ko yung nanay ko. Pero mali ako.

“Talagang, kahit anong gawin mo, kahit gano ka ka-successful, merong spot sa buhay mo na hindi kayang tugunan ng ibang tao.

"Na pamilya mo lang, nanay mo lang, parents mo lang, kapatid mo lang, yung totoong dugo mo lang ang kayang magpuno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN