Megastar Sharon Cuneta rides the famous New York taxi cab

Mukhang enjoy na enjoy ang Megastar na si Sharon Cuneta habang sakay ng world-famous New York taxi cab. Ang larawang ito ay kuha ng Kapuso actor na si Dennis Trillo. Nagkasama ang dalawa sa selebrasyon ng Philippine Independence Day sa New York noong weekend.


Kabilang ang TV5 at GMA-7 sa TV networks mula sa Pilipinas na nakisaya sa Philippine Independence Parade sa New York last June 2, Sunday.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-115 taon ng "Filipino faith and culture."

Kabilang sa mga Kapatid stars na nakibahagi sa selebrasyon ay sina Sharon Cuneta, Derek Ramsay, at Aga Muhlach.

Mula naman sa GMA-7, naroon sina sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Julie Anne San Jose, at Senator Bong Revilla.

Kaugnay ng pagsasama-sama ng mga artistang ito mula sa magkakalabang networks, tila na-starstruck si Dennis sa Megastar.

Sa isang post ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account last Wednesday June 5, ipinakita niya ang kuha niyang larawan ni Sharon habang kumakaway sakay ng isang taxi sa New York.

Naka-caption dito ang: “Hi Ate Shaweee!”

May 789 likes na ito kagabi, June 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN