Sen. Jinggoy Estrada on being teased about leading lady Maja Salvador: “Parang mga apo ko na yan, ’no? Magagalit sa akin si Gerald Anderson!”
&

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

Sen. Jinggoy on why he doesn’t find it worthwhile producing action films nowadays: “Kasi you cannot compete globally, e. Yung mga foreign action films, ang gaganda… high-tech. Paano tayo lalaban? And who will produce high-budgeted action films? Nobody. No producer will produce.”

Natupad na ang plano ni Sen. Jinggoy Estrada na magbalik-pelikula ngayong nakaka-three shooting days na ang naumpisahan nitong family-oriented movie na may tentative title na Project Tatay.

Pinagbibidahan din ito nina Maja Salvador, Empress Shuck at Jolo Estrada sa direksyon ni Joey Reyes.

Sa shooting ng movie noong Martes ng gabi, June 4, na ginanap sa Bantayog Park, Quezon City, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Jinggoy sa mga unang araw ng pag-arte niya sa harap ng camera.

Kalawang, e,” bungad niya sa nais tukuying naninibago raw siya sa pagbabalik sa acting.

Ang huling pelikulang ginawa ni Sen. Jinggoy ay ang Magkaibigan noong 2008, na pinagbidahan nila ni Christopher De Leon. Tribute movie niya ito para sa yumaong kaibigang si Rudy Fernandez.

IMPRESSED WITH CO-STARS. Pero bago ito, nagbida rin si Sen. Jinggoy 2007 light drama-comedy movie na Katas ng Saudi kung saan nanalo siya bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival at sa iba pang award- giving body.

Magagaling umarte ‘tong mga bata,” dugtong niya sa naobserbahang husay nina Maja at Empress.

Siyempre, sanay sila, araw-araw nagti-taping. E, ngayong lang uli ako bumalik. Nangangapa na naman.”

May kaba ba sa mga unang sandali ng pagharap sa camera?

Wala naman. Hindi naman kasi masyadong mabigat yung mga eksena na nakunan na.”

But then, nagisisimula pa lang, you always have to be prepared. Magagaling yung mga bata. Nakakahiya naman, di ba?” nangingiti niyang sabi.

I mean, kahit bata, [ang] matanda dapat prepared palagi. Ang gagaling ng mga bata ngayon.

“Siyempre, with the exception of the veteran actors and actresses, I can proudly say na yung mga artista natin lalo na yung mga bata, magagaling,” pagmamalaki niya.

Ano ba ang ginawa niyang preparasyon bago humarap sa camera?

Wala. Wido wido [oido] lang,” sagot niya.

Pero masaya yung feeling na bumalik uli, unang-una dahil after so many years ngayon lang uli ako gumawa ng pelikula. Nakakapanibago talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

You have this sense of fulfillment,” amin niya.

POLITICS FIRST BEFORE MOVIES. Aminado naman si Sen. Jinggoy na planado niya talagang tapusin muna ang kakatapos na mid-term election at saka niya sinimulan ang gumawa ng pelikula.

Rason niya, “Unang-una tinutulungan ko yung anak ko, [Janella Ejercito na nag-top sa Councilor race sa San Juan], yung tatay ko [now Manila Mayor elect-Joseph Estrada] and it paid off naman.”

Sinadya rin naman raw ni Sen. Jinggoy na huwag gumawa ng anumang acting project noong kasalukuyang nasa Senado pa siya.

Ayaw ko,” sabi niya. “Siyempre, my primordial concern… my priority ay yung aking trabaho sa Senado. Hindi naman ako gumagawa ng pelikula pag on-going ang session. Gumagawa lang ako pag free.”

Tinitiyak na ni Sen. Jinggoy na hindi niya ilalahok sa darating na Metro Manila Film Festival 2013 ang kanyang pelikula kahit pasado ito sa qualifications at theme ng festival.

Hindi, mabigat ang mga kalaban… mabigat ang laban,” pag-amin niya.

Nandiyan si Bong [Sen. Bong Revilla], Vic Sotto, Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, Vice Ganda…

Ang playdate nito baka before Christmas or September. Or baka mapa-aga pa… flexible naman yung playdate.”

Kung sa Katas ng Saudi ay ang isa pa niyang anak na si Julian Estrada na ngayo’y ABS-CBN talent ang kasama niya, bakit hindi niya ito isinama sa project at ang isa pa niyang anak na lalake na si Jolo lang ang nai-cast niya?

E, mas bagay yung role kay Jolo. Si Julian naman iba yung linya niya,” paliwanag niya.

FAMILY VALUES. Ayon kay Sen. Jinggoy, tungkol raw sa pamilya ang takbo ng kuwento ng bagong movie niya.

It’s a family movie na maraming lesson na puwedeng matutunan. Parang yung sa aking mga previous movie like Katas ng Saudi. It’s about the life of an OFW na marami kang lesson na mapupulot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganundin sa Magkaibigan,” sabi pa rin niya sa amin. “Gusto ko quality film.”

ON MAJA SALVADOR. Hindi raw magiging love interest ni Sen. Jinggoy si Maja kahit leading lady niya ito sa kanilang movie.

Wala. Siyempre naman, parang mga apo ko na ang mga yan, ‘no?” sabay tawa ng masayahing actor-politician.

Magagalit sa akin si Gerald Anderson,” banggit niya tungkol sa current boyfriend ni Maja.

Puwede bang dumalaw dito sa set niyo si Gerald?

Of course! Saan ba si Maja Salvador?” saad niya sabay tingin nito sa kinauupuan ng aktres na noo’y gumagamit ng cellphone.

Salvador! Salvador!” tawag ni Sen. Jinggoy kay Maja.

Tinanong nila kung puwede raw dumalaw si Anderson,” parang nanunuksong tanong ni Sen. Jinggoy kay Maja.

Sumagot naman si Maja na nasa trabaho ang kanyang boyfriend.

Sabi ko nga anytime, anytime. Wala namang problema. Hindi pa dumadalaw,” nangingiting sabi ni Sen. Jinggoy.

Sa tatlong araw na shooting pa lang nila ng movie, nadiskubre na ni Sen. Jinggoy ang kabaitan ni Maja.

Maliban nga raw sa katangiang ito, mahusay ring aktres si Maja at kalog. Kaya masaya sila sa set dahil puro sila tawanan ng tawanan sa mga jokes nila.

Ayon kay Sen. Jinggoy, isang mataray na costumer niya sa talyer ang role ni Maja sa movie.

Kuwento niya, “Laging nagagalit dahil akala niya dinadaya ko siya lagi sa pagsisingil sa kotse. Tapos, nagkasundo kami, nagkahingahan ng problema. Family problem, ganundin sa kanya.

Hangga’t inalalayan niya ako sa problema ko sa pamilya.Ang role niya sa movie, kaibigan lang talaga, parang confidante.

Si Empress naman, mabait, may trabaho pero itinatago sa akin ang relasyon-na may boyfriend siya.

Hindi ko nalalaman na may ka-relasyon pala siya, akala ko straight na nagta-trabaho lang.

Ayaw ko siyang magka-boyfriend. Gusto ko hanggang 35-yrs-old siya bago siya mag-boyfriend.”

RELATES WELL WITH ROLE. Nakaka-relate nga raw si Sen. Jinggoy sa character niya kay Maja dahil ganundin rin raw siya sa kanyang anak na dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Sen. Jinggoy sa pagiging male counterpart niya ni Ai Ai sa mga family-oriented movie na ginagawa niya, “Ako naman, I want to impart to the public na marami kang mapupulot na leksyon sa pamilya.

Katulad nga nitong ginagawa naming pelikula, marami kang mapupulot na aral na magagamit mo sa tunay na buhay.”

Sa ganitong klase na lang daw na pelikula gustong mag-concentrate ni Sen Jinggoy at ayaw na niyang mag-produce ng action film.

Sa paniniwala raw kasi niya, “Wala na, dyonda [matanda] na kami! Mahirap ng tumalon sa building, kailangan mag-ingat-ingat na. Hindi na puwedeng mag-stunts gaya nung bata-bata pa tayo,”

Patuloy pang paliwanag ni Sen. Jinggoy sa kawalan ng producers na gagastos sa isang action movie, “Kasi you cannot compete globally, e. Yung mga foreign action films, ang gaganda… high-tech. Paano tayo lalaban?

And who will produce high-budgeted action films? Nobody. No producer will produce.”

Sa dinami-dami ng mga artista sa ABS-CBN at GMA-7, tinanong namin si Sen. Jinggoy kung personal choice ba niya sina Maja at Empress, at kung co-producer ba niya ang Star Cinema Inc. sa pelikula.

I sought the permission of ABS [CBN]. Nanghiram ako ng talent sa kanila. And they obliged naman. Mabait naman silang kausap,” saad niya.

Hindi kaya promo strategy ito para dalawang network ang puwedeng mapuntahan para mai-plug ang showing ng pelikula niya.

Si Maja at Empress sa ABS-CBN at siya naman ay sa GMA-7 at Kapamilya network din.

Samantalang host naman ng showbiz talk show na Ang Latest sa TV5 ang director niyang si Joey Reyes.

Ako naman, puwede naman ako sa GMA, puwede rin ako sa ABS. Wala naman akong kaaway.

Pero maganda yung ideya na makakapag-promote ka sa iba’t ibang TV network,” pahayag niya.

NOT EXPECTING ACTING WARD. Komo nga si Direk Joey ang nagbigay ng acting award ni Sen. Jinggoy sa Katas ng Saudi at nagsama uli sila ngayon sa isang project, may effort at awareness ba na panlaban muli ang project na ito sa acting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala namang intensyon whatsoever. Pero kung mapupuno yung acting ko, e di bonus na lang yun.

Ako naman, hindi umaasa, e. Ang daming magagaling d’yan… mga batang magagaling. So, pag umasa ka at hindi ka manalo, mapu-frustrate ka. So, huwag ka nang umasa.

Pero pag na-recognize naman, it will be big boost for me,” amin niya.

Ang talagang intensyon ba kaya ka gumawa ng movie ay dahil nami-miss mo ang acting?

Ah, siyempre, hinahanap-hanap mo, e. Ang tagal nabakante. Dati naman hindi ko hinahanap dahil subsob ako sa trabaho sa Senado.

E, ngayon mahaba-haba yung break naming at halos apat na buwan, so, sabi ko kay direk. Gumawa siya ng script na maganda,” saad niya.

Pero balitang marami rin siyang tinanggihang mga offers na teleserye at iba pang movie project?

Hindi ko ano, e. Hindi kaya yung… alam mo yun? Iku-call ka ng alas siyete ng umaga, pack-up ka ng alas kuwatro ng umaga. Tapos iku-call ka uli kinabukasan… naiinip ako…

Wala sa talent fee yan e, yun lang yung mga naging apprehension ko.

Malay natin, siguro one of these days pag may offer naman,” sabi ni Jinggoy na hindi raw sarado sa ideyang magtuluy-tuloy sa kanyang acting career this time kung may papasang offer sa kanyang panlasa.

Kung hindi sa pelikula o teleserye, puwede ba siya sa mga drama anthology gaya ng Maalaala Mo Kaya ng Kapamilya Network?

Aniya, “Oo, gumawa na ako ng ganyan pero hindi sa ABS-CBN... sa Magpakailanman sa GMA-7.

Sa MMK, anytime. At least, two days lang yun... every other day. Makakapagpahinga ka.”

TWITTER BASHERS. Nabanggit namin kay Sen. Jinggoy ang pamba-bash sa Twitter nina Georgina Wilson at Erwan Huessaff kay dating Philippine President at ama niyang si Erap.

Matapos maluklok bilang Manila Mayor si Erap after ng election nitong May, tinawag diumano ni Georgina na "fuc...ing idiots" sa kanyang Twitter account ang mga bumoto sa legendary political at showbiz icon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat naging kontrobersyal ang nasabing tweet, humingi naman na paumanhin at ipinaliwanag naman ni Georgina ang kanyang saloobin sa nasabing tweet na matagal na palang naka-post online, at naungkat lang at nai-repost at saka na lang kumalat at nagbunga ng kontrobersya.

Nagpatutsada naman si Erwan kay Gloria Macapagal-Arroyo na muling nanalo bilang Congresswoman sa Pampanga at isinama nito sa kanyang post sa Twitter account niya si Erap.

Tinanong namin si Sen. Jinggoy kung bakit nanahimik siya at hindi nagpakawala ng defense statement para sa kanyang ama?

Paliwanag niya, “Unang-una, I was not aware. Hindi naman ako marunong mag-Twitter-Twitter na yan.Wala naman akong Twitter account at saka Instagram-Instagram. Facebook, hindi naman ako nagpi-Facebook.

I was not aware, nabasa ko lang sa diyaryo. Sumagot na yung kapatid ko, bakit pa ako sasawsaw?”

Anong naging reakyon mo nong marinig mo ang balita?

Of course, she was not well-appraised with the situation and she does not know my father fully-well.

So, pabayaan natin siya. That’s her opinion”

Hindi ka ba naapektuhan o nayamot sa pamba-bash ni Georgina sa tatay mo?

Hindi naman, opinion niya yun, e. Ang ayaw ko lang para niyang tinawag na idyote [idiot] ang mga bumoto. And I think, that’s below the belt.”

Paano pag nagkita kayo sa isang okasyon?

E, di hahalikan ko,” birong sagot ni Sen. Jinggoy na sinabayan niya ng ngiti.

Pero naglinaw siya sa sinabi, “Beso lang, halik sa pisngi. Hindi naman yung kung anumang halik.”

Kapansin-pansin ang pagiging cool-headed ngayon ni Sen. Jinggoy na malayo sa nakasayanan sa kanya ng showbiz noong kabataan niya na lagi siyang may matatalim na comment sa mga issues sa kanya at sa ama niya.

Siyempre, pag habang tumatanda ka, kailangan wala ka nang kaaway. Gusto ko lahat peace!

Kita mo, wala akong kaaway sa Senado,” wika niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya dahil wala na kayong gustong patunayan sa publiko dahil nagawa niyong magsilbi sa tao nang buong puso at nanatili ang respeto sa inyo ng showbiz industry?

Hindi naman. Marami pa akong gustong patunayan, marami pa akong kakaining bigas. Slowly but surely,” mapagkumbabang pag-amin niya.

Totoo kaya ang plano niyang tumakbo para sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon? May bali-balita kasing hinuhubog na si Sen. Jinggoy para tumakbo bilang Vice President.

Pailing niyang sagot, “Hindi naman. Wala naman akong sinasabing ganon. And deciding factor naman ay yung taong bayan.

Siyempre, kung gusto nila ako, e di ok. Kung ayaw naman na nila ako, e di maaga tayong magri-retiro.”

MEETING JULIA BARRETTO. Tungkol naman sa pagiging vocal sa paghanga kay Julia Barretto ng anak niyang si Julian Estrada, biglang naikuwento ni Sen. Jinggoy ang pagkikita nila ng ABS-CBN young newbie actress.

Kakausap ko lang sa telepono sa anak ko [Julian]. Actually nga sa first shooting day ko pumunta nga sila dito ng anak ko.

Pero may mga kasama naman, grupo. Dun ko lang first time na nakita siya at nakilala,” saad ng actor-politician-producer tungkol kay Julia.

She’s pretty, she has very expressive eyes,” deskripsyon niya sa nakitang physical qualities ni Julia.

ERAP’S PLANS FOR MANILA. Tungkol naman sa pagkapanalo ng dalawa niyang mahal sa buhay, si Erap sa Manila bilang Mayor, si Janella na anak niya bilang Councilor sa San Juan, sinabi namin kay Sen. Jinggoy na malaki ang responsibilidad ng ama niya para palaguin uli ang Manila sa loob nang tatlo hanggang apat na taon.

Ang laki talaga. Kasi ang Manila ngayon napakarumi. Parang nasa decomposing stage na, or naagnas.

Kaya within three years kailangang baguhin niya yun.Makakaya yan. It all boils down to planning and funding.

Kung wala kang plano anong mangyayari? Kung meron ka namang plano pero wala ka namang pera, anong mangyayari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Planning, funding and political will,” diin niya.

Happy at fulfilled naman bilang tatay si Sen. Jinggoy para sa anak.

Awa naman ng Diyos nanalo naman si Janella, kaya maraming salamat sa Diyos, marami ring salamat sa mga bumoto sa kanya sa mga kababayan niya sa San Juan.

Kahit paano, hindi pa rin nila ako nakakalimutan.”

Excited na ba siya sa haharapin niyang trabaho?

I think so. E, likas naman sa kanya ang pagtulong sa mga kababayan niya sa San Juan. Bata pa lang yun ganun na yun, kaya hindi ako nagtaka nung pumayag siyang tumakbo as Councilor.”

ON SEN. BONG REVILLA. Tungkol sa naging engkuwentro ng kaibigan niyang si Sen. Bong Revilla sa mga pulis at NBI noong eleksyon kaugnay sa akusasyong may nakatagong mga iba’t ibang klase ng baril at ammunition sa bahay nito sa Cavite at ang banggaan nila ni Sec. Mar Roxas, hindi masyadong nagbigay ng comment niya kaugnay dito si Sen. Jinggoy.

Actually, I haven’t spoken with Sen. Bong. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko alam what transpired during that time. Hindi ako makapag-comment,” pag-iwas niya.

Pagdating naman sa posibilidad na pagsasama nila sa isang acting project, pelikula o telebisyon hindi na nakikitaan ng chance ni Sen. Jinggoy ang team-up nila ni Sen. Bong.

Malabo na yun. Siyempre, superstar na yun, e. Ako hindi.”

Binanggit namin ang pelikulang pinagsamahan nina Erap at ang yumaong si Fernando Poe Jr. sa isang pelikula noong ‘70s.

Sagot ni Jinggoy, “Yung dalawa box office saka sikat, ako hindi naman... siya lang yun,” tukoy niya kay Sen. Bong.

Totoo ang sinasabi ko. Malabo na yun,” dugtong niya.

NEXT MOVIE PROJECT? Kung susunod na gagawing movie project si Sen. Jinggoy, gusto raw niya ay isang straight comedy at ang nais niyang makasama ay isa kina Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, Vice Ganda, Angelica Panganiban o Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw magsabi ni Sen. Jinggoy na magiging yearly ang commitment niyang gumawa ng movie project.

Wika niya, “Depends on my work load…Sabagay, nasa minority na lang come next Congress. Malamang matatanggal na ako sa puwesto ko. Siyempre, hindi na ako sa Majority. Liberal na. Sina Sen. Drilon na.

So, matatanggal na kami, sad to say.”

Pero sa pinakabagong balita, si Sen. Jinggoy ang na-appoint munang Speaker of the House sa pagbaba sa puwesto ni Senador Enrile bilang Senate President.

Mananatiling acting Senate President si Sen. Jinggoy hanggang wala pang napagbobotohan sa Senado para humalili kay Enrile.

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

&" data-url="https://www.pep.ph/news/39008/sen-jinggoy-estrada-on-being-teased-about-leading-lady-maja-salvador-parang-mga-apo-ko-na-yan-39no-m" data-desc="Sen. Jinggoy on what he would do if ever he comes face to face with Georgina Wilson: “" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b32e0d23c.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN