Ryan Agoncillo laughs off annulment rumors; talks about daughter Yohan’s legal adoption

Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ni Ryan Agoncillo sa pagdating ng mga papeles kaugnay ng legal adoption ng anak nila ni Judy Ann Santos na si Yohan.


Dubai, UAE. Naging matagumpay ang Middle East edition ng Kapatid network talent search show na Talentadong Pinoy.

Sa ginanap na regional grand finals kahapon, June 7, sa Boracay Club, Asiana Hotel, nagwagi ang wildcard entry na si Haina Uddin, 16, na nanggaling pa sa Doha, Qatar.

Tumayong mga hurado sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen, at Marvin Agustin.

Nandoon din ang main host ng programa na si Ryan Agoncillo na sobrang na-impress sa mga sumaling Pinoy mula pa sa iba’t ibang panig ng gitnang silangan.

"What surprised me more are the young kids that grew up here and are still very willing to share their talents with the Filipinos.

"Kasi siyempre kapag laki ka na sa ibang bansa, ang gusto yung bansang kinalakihan ang pasisikatan nila.

"Two young kids did very well today—si Haina and 10-year-old Kesiah Eunice Ariteo.

"Iba pa rin pag sariling atin ang pinasisikatan mo, iba yung palakpak ng kapwa Pilipino," sabi ni Ryan.

ANNULMENT ISSUE AND ADOPTION. Naitanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryan ang tungkol sa intrigang hiwalayan diumano nila ng kanyang asawa na si Judy Ann Santos.

(Read: JudyAnn Santos on rumored annulment with RyanAgoncillo)

Nauna nang pinabulaanan ni Juday ang balitang"secret annulment" nila at sinegundahan naman ito ng kanyang mister.

Kagaya rin ng naging reaksiyon ni Juday, idinaan na lang sa biro ni Ryan ang isyu.

"Wala ’yon!" natatawang pahayag ng actor-host. "Boring ’yang usapan na ’yan."

Pero naging galante naman si Ryan sa pagkukuwento tungkol sa legal niyang pag-ampon sa adopted daughter ni Juday na si Yohan.

Lahad niya, "Yohan was adopted by Judy Ann eight years ago and it took four years for the paper to finally fall through, so naging Santos siya.

"By that time, we were already married.

"The moment na ikinasal kami, nag-file ako ng adoption ko naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It took another four years at sa awa ng Diyos, about two or three weeks ago, lumabas na yung desisyon ng korte.

"We finally got the document last week and we’re very happy that she’s officially an Agoncillo. She’s always been an Agoncillo and now also on paper."

Nabanggit ni Ryan na isa siya sa mga ninong ni Yohan sa binyag noong hindi pa sila magkasintahan ni Juday.

"Hindi pa kami nagde-date ni Juday noon, magkaibigan pa lang kami.

"Dahil Agoncillo na siya, hindi na ako puwede maging ninong, so nagbinyagan ulit kami sa bahay.

"Nag-renewal kami ng baptismal vows, kumbaga, e, tinurnover ko yung pagka-ninong ko sa kapatid kong si Dondee.

"Ninong ako ng tatlong anak ng nag-iisa kong kapatid, gusto ko yung dalawang anak ko, ninong din siya."

Labis naman daw na ikinatuwa ng mag-ina ang magandang balita.

"She [Yohan] has been bugging me for the past year.

"Umabot na nga sa point na sinabi namin na, ’Anak, just write Agoncillo in school. If there’s a problem, you can ask your teachers to talk to us and we’ll explain to them.’

"Kasi siyempre, ipagkakait mo ba sa bata ’yon?

"So, finally, noong naging Agoncillo na siya, ang yabang!" natawang sabi ni Ryan.

Dagdag niya, "Tsaka alam niya na yung party sa bahay na ’yon was for her and we did it solely for her para ma-remember niya the day she became an Agoncillo.

"I’m totally happy for her."



ON JUDAY’S NEW SOAP. Masaya rin si Ryan para sa bagong ABS-CBN teleserye ng asawa na Huwag Ka Lang Mawawala. Ayon sa kanya, na-miss talaga ni Juday ang pag-arte at masaya siya sa pagbabalik-telebisyon.

(Read: Judy Ann Santos promotes women empowerment in new soap Huwag Ka Lang Mawawala)

"I don’t think you can take that from her system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For a while naging host siya, na na-enjoy din niya, pero parang hinanap ng sistema niya ito.

"We rarely talk about work at home.

"Although ito, napanood ko yung special screening before leaving [for Dubai]. Mabilis yung pacing ng soap niya.

"Hindi nagpapatumpik-tumpik, straight to the point, busog sa emosyon.

"Pisikal—that’s also the comment of the people who saw the trailer.

"Kaya pala patang-pata siya pag-uwi, tsaka yung location nila may kalayuan. Pero mukhang nag-e-enjoy siya."

Sabi ni Ryan, may balak silang mag-dune bashing ngayong Sabado bago umuwi ng Pilipinas sa Linggo, June 9.

"Di ko kayang masyadong matagal, nami-miss ko pamilya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN