Charice names Donna Cruz, Sam Pinto, Pauleen Luna and Marian Rivera as her showbiz crushes

Charice on her wish for her relationship with Alyssa to finally be accepted by her family: “Umaasa po ako at alam ko po sa sarili ko po na, kasi po kilala ko po si mommy, and alam ko po na eventually, matatanggap niya po ako at kaming dalawa.”


Live na guest kanina, June 8, si Charice Pempengco sa StarTalk TX.


Bago siya ininterbyu ng apat na hosts na sina Joey de Leon, Ricky Lo, Butch Francisco at Lolit Solis, ipinalabas muna ang mga videos ng mga interviews sa ina ni Charice na si Raquel Pempengco, ang kapatid ni Charice na si Carl at ang lola ni Charice na si Tess Relucio.

Pero sa halip na hingan ng reaksyon si Charice ng apat na StarTalk TX hosts tungkol sa mga saloobin ng mga kapamilya niya tungkol sa mga issues ni Charice, sa halip na maging emosyonal ang guesting ni Charice, ay naging magaan ang takbo ng kanilang usapan.

Una ay hiningan muna si Charice ng mensahe para sa mga tagahanga at supporters niya.

“Gusto ko lang pong magpasalamat po ng sobra-sobra kasi in the first place po, lagi ko pong sinasabi na napakahirap yung ginawa ko po parang inisip ko po na either matatanggap po talaga ako o talagang mawawala po lahat.

“So, nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga tao, kahit yung mga tao na hindi ko po ini-expect na sinuportahan po ako.

“From the bottom of my heart, thank you so much po, maraming-maraming salamat po.”

Pinasalamatan rin ni Charice ang mga kababayan niya sa Laguna, partikular na ang mga taga-Gulod sa Cabuyao at ang mga taga-Sta. Rosa City.

Tinanong naman siya kung sino ang unang-unang crush niya sa showbiz at ang sagot ni Charice ay…

“Si Donna Cruz po.”

Tinanong din ang international singing sensation kung sinong mga Kapuso stars ang crushes niya, at ang mga pangalang binanggit niya ay sina…

“Si Sam Pinto, si ate Pauleen [Luna] at si ate Marian Rivera po.”

Sumunod ay tinanong si Charice kung ano ang mga susunod niyang plano tungkol sa kanyang singing career.

“Para po sa mga fans ko po dito sa Philippines, kasi last time po na nag-release ako ng album like years ago, second album ko po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon po, we’re still working on it, third album ko po na lalabas po dito sa Philippines.

“And sa iba naman po, hindi ko pa po puwedeng sabihin pero meron po akong ire-record na isang song para sa isang big project and abangan ninyo po yan.

“So excited po ako!” saad niya.

Sumunod ay lumabas naman on-cam ang isa pang StarTalk TX host na si Alyssa Alano na itinutuksu-tukso kay Charice dahil kapangalan nga ng girlfriend ni Charice na si Alyssa Quijano.

Game namang nakipagbiruan ang dalawa at humalik pa si Alyssa (Alano) kay Charice.

Tinanong naman si Charice kung alam na ba ng discoverer niyang si Ellen Degeneres ang tungkol sa pag-amin niya na isa siyang lesbian?

“Ngayon po kasi wala pa akong natatanggap na any message from her, pero ang nakatanggap pa lang po ako yung si Sir David [Foster] ’tsaka po si Ninang Oprah [Winfrey].

“Pero feeling ko alam niya [Ellen], feeling ko po alam niya.

“Pero siyempre thankful ako kila Sir David kasi talagang before pa ako mag-come out, alam na talaga nila,” pag-amin niya.

Hinilingan naman si Charice na kantahin ng acapella ang kantang “Maghintay Ka Lamang” at bago kumanta si Charice ay sinabi nitong para iyon sa ina niya dahil paboritong kanta daw ’yon ni Mommy Raquel.

Finally ay hiningan si Charice ng final message para sa kanyang ina, kapatid at lola.

“Sa family ko po, siguro naman po, parang nalabas na nating lahat, yung mga gusto po nating sabihin para sa isa’t isa...

“So, ngayon po instead of answering kung ano man po yung mga issues na nasabi na po natin, gusto ko lang pong sabihin sa inyo ng paulit-ulit na mahal na mahal ko po kayong lahat.

“At sana po magkaayos na po tayong lahat,” dalangin niya.

Bilang huling tanong, tinanong si Charice kung umaasa ba siya na pagdating ng panahon ay matatanggap nga pamilya niya ang relasyon nila ni Alyssa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Umaasa po ako at alam ko po sa sarili ko po na, kasi po kilala ko po si mommy, and alam ko po na eventually, matatanggap niya po ako at kaming dalawa.”

Ang mensahe naman niya para kay Alyssa…

“Actually, siyempre kahit na sinasabi niya sa aking okay siya, okay lang yun kapag nababasa niya yung mga negative comments, gusto ko pa ring mag-sorry kasi alam kong mahirap... mahirap.

“Pero nagpapasalamat ako dahil kung kinakaya ko, mas kinakaya mo. At sobrang blessed ako na I have you in my life.

“I love you and I love you for who you are and you’ll always be here,” sabay turo ni Charice sa kanyang dibdib.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN