Boots Anson-Roa on showbiz life then and now: “Kami kasing nasa old school, we have this mindset na while it’s true na we are a public figure first, we are also entitled to our own privacy.”

Boots on her Misibis Bay co-stars: “Siguro sa work attitude and professionalism, masuwerte lang ako dahil ang mga artistang ito ay masisipag. They take their work seriously. At saka, pretty well-bred ang mga batang ito. Mahusay ang pakikitungo sa crew. Malalaman mo kasi ang tunay na ugali ng isang artista sa pakikitungo nila sa maliliit na workers.”


Sa mismong Misibis Resort and Casino dito sa Cagraray Island sa Bacacay, Albay nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 6, ang beteranang dramatic actress na si Boots Anson Roa.

Bahagi siya ng primetime series na Misibis Bay ng TV5 na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Megan Young at marami pang iba. Nakatakda itong umere sa July.

Habang nakaupo siya sa standby area at nagmamasid-masid sa kagandahan ng isla ay kinumusta namin ang magdadalawang linggong stay niya at paggawa ng nabanggit na serye.

Ayon kay Tita Boots (tawag sa kanya sa showbiz), “For one, it’s a beautiful backdrop to a beautiful story. It’s a story of love, drama and revenge.

“Sabi nga nung caption e, ‘sexy drama.’

“Maganda. Maganda ang script ni Dinno Erece and this group of writers and maraming nasasakop na in-depth and breadth of life.

“Kaming nasa cast, we’re very fortunate na ito ang setting namin. Very relaxed ang atmosphere and very beautiful scenery and surroundings.

“And it’s a great team to work with.”

NOSTALGIC HOMECOMING. May lahing Albayanon (tawag sa mga taga-Albay) ang multi-awarded actress dahil ang kanyang ama, ang dating post-war matinee idol na si Oscar Moreno, ay ipinanganak at lumaki sa town ng Camalig, Albay.

Kaya nga masayang-masaya si Tita Boots na muli siyang nakatuntong sa bayan na pinagmulan ng kanyang ama.

Nangingiting sabi ng 68-year old na aktres, “Yes, nagnu-nostalgia nga ako.

“Yung taping nga namin kahapon sa Mayon Volcano, pumunta kami sa hilltop na siyang backdrop namin, sa Cagsawa Ruins, napupukaw talaga ang pagka-Bicolana ko.

“A lot of actors natin ay galing dito. Kaya nga, tinawag na ‘oragon’ [magaling]. Sina Eddie Garcia, Elizabeth Oropesa, ang superstar na si Nora Aunor. Sino pa ba?

“Siguro dahil sa kakakain nila ng sili ay naging intense and passionate sila to their craft,” pagbibiro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH YOUNGER STARS. Kinumusta namin ang karanasan niya sa mga baguhang actors and actresses sa seryeng ito— ang kanilang work attitude at techniques sa pag-arte.

Pahayag ng award-winning actress, “Siguro sa work attitude and professionalism, masuwerte lang ako dahil ang mga artistang ito ay masisipag. They take their work seriously.

“At saka, pretty well-bred ang mga batang ito. Mahusay ang pakikitungo sa crew.

“Malalaman mo kasi ang tunay na ugali ng isang artista sa pakikitungo nila sa maliliit na workers.

“And wala naman akong nalalaman na may nagbibigay ng problema sa kanila especially si Ritz at saka si Daniel.

“Lalo na si Daniel, namumroblema sa Tagalog niya, ang sipag pag-aralan ang kanyang script.

“He consults about sa Tagalog words, hindi lang sa kung ano ang meaning nito kundi pati yung sa intonations pa.”

Dugtong pa niya, “Nakakatuwa sila. E, makikita mo naman, they have fun among themselves. Magkakasundo sila.

“Kaya nga, mabilis ang trabaho dahil walang problema.

“Sa acting techniques naman, they are blessed na meron silang acting coach na nakatutok sa kanila... na talagang he was hired para gabayan sila sa pag-arte.

“During our time, wala namang ganito. We relied on our capacities at kung ano ang puwede naming huguting emosyon based on our experiences.

“So, advantage nila ito. And they are all dedicated naman.”

Somehow ay nami-miss na rin niya ang buhay sa Maynila.

Ganoon na nga lang ang kanyang excitement na bukas (July 8) ay nakatakda na silang bumalik sa Maynila.

Bulalas niya, “Ah, oo. Nag-Facebook nga ako sa amin sa bahay. Sabi ko nga,’ Hirap din pala ang extended life ng the rich and the famous.

“Kasi, this is a very luxurious set and mabuti na lang at merong work component kami.

“Well, for me this is a best rest and relaxation plus nagwu-work ka pa. You have all the beautiful amenities extended to you and everything is free.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, ‘God is good’ for all these privileges pero siyempre I miss also my family back there.”

TV5’S STANDING. Inalam namin ang opinyon niya kung karapat-dapat ba ang ganitong kagarbong teleserye ng TV5 sa panahong napapabalitang hindi maganda ang takbo ng financial standing ng Kapatid network.

Pag-analisa ni Tita Boots, “Ang tingin ko sa programs ng TV5, parang it aims to be… ito, opinyon ko lang ito, ha?

“It aims to be a ranking third kasi established naman yung first and second between ABS-CBN and GMA-7, and sa tingin ko ay nagtatayo sila ng sariling niche or meron ngang programang alternative programming.

“So, I guess it leans towards a third ranking station and it’s a big group of companies that TV5 belongs to.

“So, like one business offsets the other kaya ang network can afford an extensive show like this.

“So, yun.”

Maging sa pagte-taping nila ay wala silang nararanasang problema sa budget ng produksiyon.

Saad niya, “Wala, hindi. Nasa lugar naman ang lahat.

“Besides, I guess the network was able to strike a good exchange deal naman with Misibis Bay.

“I can see logistically—the stars, the crew members, they were well-taken care of.

“Maalaga sa mga tao ang istasyon.”

COMPARING STARS THEN AND NOW. Noong panahon ni Tita Boots, ang pagkakasangkot sa iskandalo ay isang bagay na mahigpit na itinatago ng kanilang home studios lalo na kapag ang involved ay big stars.

Pero, sa henerasyon ngayon, ang malalaking artista na ang naglaladlad ng kanilang dirty linen in public.

Ano ang pakiramdam niya dito?

Natatawang paghahambing ng dating Sampaguita Pictures star, “Kami kasing nasa old school, we have this mindset na while it’s true na we are a public figure first, we are also entitled to our own privacy.

“Yung private matters that may not have a very positive effect on the readers and the audience at large, this should have been taken by family members and resolved within those parameters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung home studios before like Sampaguita and LVN, they have strict rules on this.

“Siguro nga, iba na ang generation ngayon. And I cannot comment more.”

Regarding naman sa treatment on veteran stars ang napag-usapan namin.

RESPECT AND ATTENTION TOWARDS VETERAN STARS. Kung pagbabasehan ang ilang complaints ng mga beterano sa pag-arte, ang sabi nila ay kulang na ang atensyon at respetong ibinibigay sa kanila sa set ng isang pelikula o tv show.

Halos lahat ay naka-focus lang sa mga lead stars.

“So far, wala akong complaints tungkol d’yan,” pahayag niya. “ I have been treated with respect and differentially, I don’t expect royal treatment like the way they treat a lot of our superstars.

“Siguro dahil sa experience, bininigyan nila ng respeto yung experience ko and whatever wisdom I have to offer, so wala akong reklamo.

“Kahit doon sa ibang works na napasama ako at saka marami akong dapat ipagpasalamat dahil hindi ako nawawalan ng trabaho.

“Minsan ang problema ko nga ay minsan ako ay naglalagare. Mabait ang Diyos,” pagtatapos niyang pasalamat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN