Victor Basa on his respect for gays: “Kapag tinrato mo ang isang tao with respect, you’ll get respect back.”

Victor on portraying a gay role in GMA-7’s new teleserye My Husband’s Lover: “Ang pagmamahal naman is for everyone and hopefully mai-portray ko yung role ko na hindi magmukhang stereotyped, kasi ayoko namang i-stereotype kasi siyempre yung mga ibang kaibigan ko din mga bakla.”


Magbabalik-telebisyon ang model turned TV host na si Victor Basa.

“This is officially my second.

“The first project that I did for GMA-7 was Cielo De Angelina where I played a doctor na straight naman,” panimulang bungad ni Victor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa partisipasyon niya sa upcoming drama series ng GMA-7 na My Husband’s Lover sa presscon ng nabangggit na programa last Tuesday, June 4.

Dito sa My Husband’s Lover ay gay role ang ipinagkatiwala kay Victor ng Kapuso network.

Paglalarawan pa niya sa papel niya bilang si David...

“Out kaya lang hindi ako masyadong effeminate.”

Si David ay best friend at dating karelasyon ni Eric na gagampanan naman ni Dennis Trillo.

Bida rin sa My Husband’s Lover sina Tom Rodriguez bilang si Vincent na lover ni Eric at si Carla Abellana bilang si Lally.

May mga importante ring papel dito sina Miss Kuh Ledesma bilang Elaine, Glydel Mercado bilang Sandra, Bettina Carlos bilang Vicky, Pancho Magno bilang Paul, Kevin Santos bilang Danny, Karel Marquez bilang Evelyn, Roi Vinzon bilang Armando at si Miss Chanda Romero bilang Sinag.

Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

Pagpapatuloy pang kuwento ni Victor...

“This is my first gay role on TV. Yung first gay role na ginawa ko actually, for an indie film noon, yung Maling Akala.

This time isang buong drama series siya gaganap na bading.

Paano siya nakumbinsi?

“Okay naman, kasi sabi nila, ‘Uy, papaano yan?’

“Kasi kinausap ko rin yung mga ibang kaibigan ko, sabi nila, ‘Hindi ka ba maii-stereotype o mapagtsitsismisan na bakla ka talaga?’

“Na parang, ‘Ay, sobrang dali lang ng role sa kanya kasi ganun talaga yan, e.’”

At dati nga ay naintriga na siyang gay.

“Oo, sa lahat naman ng artista,” pag-amin ni Victor na siya ring co-host ng Appetite Wars na umeere tuwing Lunes sa 2nd Avenue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECURE WITH HIS SEXUALITY. Hindi naman raw natatakot si Victor na lalo siyang itsismis na gay.

“Kasi sabi ko kailangang bigyan ng hustisya ang istorya ng mga ibang tao kasi minsan kung iniisip nilang yung pagmamahal sa bakla parang, ‘Ay, ano lang yan, dahil sa pera, dahil sa kung anu-anong reasons!’

“Na hindi naman iyon lang yung rason e, di ba?

“Ang pagmamahal naman is for everyone and hopefully mai-portray ko yung role ko na hindi magmukhang stereotyped.

“Kasi ayoko namang i-stereotype kasi siyempre yung mga ibang kaibigan ko din mga bakla.

“Tapos, I have an uncle din who’s gay at ayaw na ayaw ko kapag yung mga ibang tao idi-discriminate at dyina-judge yung tao,” diin niya.

Ang kaibahan ng kuwento nina Vincent at Eric sa My Husband’s Lover, walang pera na involved, totoong nagmamahalan ang mga character nina Tom at Dennis.

“But then si Tom here sinusubukan niyang i-change yung ano niya, e. Kasi kumbaga may family na siya so gusto niyang ayusin... i-fix.

“I don’t think that’s the right word for it e, basta ibahin yung gusto niya,” pagklaro niya.

Inamin ni Victor na hindi siya naiilang sa mga gays dahil galing siya sa mundo ng modelling kung saan marami ring gays tulad ng showbiz.

“Well, siguro ano kasi... nag-start ako sa modeling, lahat naman ng katrabaho namin is karamihan, bading.

“And I’ve very close friends who are gay and you know, importante na hindi mo sila i-judge kasi.”

"CLOSE ENCOUNTERS." Hindi pa raw siya naliligawan ng bading.

“Baka hindi nila ako type, isnabero ako dati e... isnabero daw ako dati,” at natawa si Victor.

“Iyon yung siguro kasi noon medyo iba-iba yung eksena ko dati, parang nag-i-skateboard ako, medyo iba yung hilig ko noon e, mga gigs, music.

“But then nung pumasok ako sa showbiz, meron ding dumating na mga invitations, dinner, mga ganyan,” pag-amin ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pinagbigyan naman daw siya sa mga dinner invitations.


“Yung sa dinners oo, kasi siyempre ano, a friend of a friend, and hindi naman kayo nag-iisa, ilan kayo sa grupo.

“But then you realize din na parang hindi lang ito dinner, na parang nagkaka-aliwan, pero okay naman.”

Na-handle naman niya ng maayos ang mga ganoong sitwasyon, na lumalampas na sa stage ng dinner at iba na ang itinatakbo ng usapan.

“Well, kapag medyo minsan nagiging ano... medyo green, you just treat the person with respect, e. Kapag tinrato mo ang isang tao with respect, you’ll get respect back.

“So, ’yon, wala naman akong ginawang iba.”

OK WITH DIVINE. Okay lang sa girlfriend niyang si Divine Lee ang gay role niya.

“Well si Divine naman, napaka-vocal naman niya sa ano, actually sumama din ako sa speech niya sa LADLAD [gay rights party list] e, ako ang nag-video at nag-edit ng speech niya sa LADLAD.”

Hindi homophobic si Victor at mahal niya ang mga bading.

“Definitely and may campaign ngayon yung for equality, di ba?”

FAVORS SAME SEX MARRIAGE. Pabor nga si Victor sa usapin ng pagli-legalize ng same sex marriage dito sa Pilipinas.

“Legally, yes, legally.”

“Legally yes kasi everybody needs to have those rights especially yung mga civil partners of six years, mga ganyan, di ba?

“Kailangan may mas maibigay na importansiya sa pagsasama na iyon,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN