Eula Caballero on why she chose JC de Vera as her last dance during her recent debut party: "The guy has touched my heart and has been involved in my life the most."

Eula on why she prefers drama over comedy: “Siguro, kumportable ako sa drama kasi, nasa sa ‘yo, naku-kontrol mo. Alam mo sa sarili mo na naku-kontrol mo. Ikaw talaga ang gagawa. Kapag sa comedy kasi, sometimes, kailangan talaga ng magandang material.


“Masaya sa paglalagare,” ang natatawang sagot ni Eula Caballero nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 7, sa Broadway Centrum para sa press conference ng TV5 gag show na Lokomoko U na napapanood tuwing Linggo ng tanghali.

Biniro namin siyang siya na ang bagong lagare queen ng Kapatid network. Dati, si Alex Gonzaga ang naglalagare sa mga programa ng TV5.



“Hindi naman po, lumalagare rin siya ro’n [ABS-CBN],” nakangiti niyang sabi.

Matatandaang si Alex, na dating Kapatid, ay bumalik muli sa poder ng ABS-CBN noong Abril.

Patuloy ni Eula, “Pero siyempre po, masaya. Busy sa Lokomoko at sa Cassandra. There’s something to keep me busy.



“Blessing siya. I really would never complain being busy because for me, it’s a blessing na hindi naman lahat nakaka-enjoy.



“So, ginagawa ko lang kung hanggang saan ang kaya kong ibigay at kung ano ang kaya ko pang ibigay for my work, binibigay ko. And I’m open naman for any project that would come along the way like movie.



“Kakatapos ko lang din po ng Raketeros, so, I’m just bracing and embracing the blessings.”

BEST OF BOTH WORLDS. Magkaiba ang genre na ginagawa ni Eula. Drama siya sa Cassandra at nagpapatawa naman siya sa Lokomoko U.

Dalawang taon pa lang daw siya sa Lokomoko U pero, masaya raw siya sa kanilang gag show.

Sabi nga niya, “Masaya kaming lahat. Everytime na nagte-taping kami rito.



“Kapag Friday, galing talaga kami ng Cassandra at ang taping namin palagi, Novaliches. Natatapos kami sa Cassandra, 5AM. So, tamang ligo lang, pero, dahil sobrang saya, hindi kami makatulog sa set.



“Kung kailan gusto mong matulog, gusto mong makipag-chikahan sa sobrang kalog ng lahat, sobrang daming kuwento.



“It keeps you awake na rin. Parang hindi lumalapot yung dugo mo kaka-kuwento, kaka-harutan.”

Bihisa na rin siya sa pagpapatawa?



“Hindi naman siguro bihasa, but, I’m getting the hang of it.”

MORE COMFORTABLE WITH DRAMA. Saan siya mas kumportable, comedy o drama?

Pag-aanalisa niya, “Siguro, kumportable ako sa drama kasi, nasa sa ‘yo, naku-kontrol mo.

“Alam mo sa sarili mo na naku-kontrol mo. Ikaw talaga ang gagawa. Kapag sa comedy kasi, sometimes, kailangan talaga ng magandang material.



“Siguro, well, some may say there’s no bad punchline, depende yun sa pagde-deliver or I mean, jokes get old.

“People get used to them. So, parang marami rin kinu-konsider sa comedy when people think na mas madali siya, magpapatawa ka lang.



“Pero actually, mas mahirap maging effective sa pagpapatawa. Minsan baka nakakairita lang o nakakainis.”

DEBUT PARTY. Noong makausap nga ng PEP si Eula, halos wala pa rin siyang tulog dahil kinagabihan, June 6, ay nagkaroon siya ng debut party sa Oasis.

Noong May 23 pa talaga ang aktuwal na debut ni Eula pero noong June 6 lang siya nakapagpa-party.

Masaya naman daw ang debut party niya dahil dumating daw ang pamilya, kaibigan at ilang mga katrabaho niya sa TV5.



“Masaya naman po ang party. The conventional dance for boys. Pero yung sa akin, I had 18 warriors and 18 angels. Kasi, warrior angels. Of course, 18 girls. Maraming kaibigang nandoon, mga katrabaho.



“Of course, si Sir Perci [Intalan], nandoon.”

Sino ang naging special guest niya?



“Si Kiray [Celis]!” natatawang sabi niya.



“Well, sino ba? Lahat naman sila special kasi, mahirap mag-gather ng mga tao, lalo na ang mga artista na katrabaho mo.



“Siyempre, hindi rin naman ganoon kadali magpa-block-off ng schedule. Of course, ano ba ang uunahin natin?



“Gusto nating kumita.



“Pero, nagawan talaga nila ng paraan. Yung iba, nag-excuse pa sa mga taping nila para lang pumunta ro’n. So, nakaka-overwhelm.”

LAST DANCE WITH JC. Si JC de Vera ang naging 18th dance o 18th warrior niya.

Oo nga’t magkasama sila sa Cassandra at Lokomoko U, pero bakit si JC ang napili niya para sa masasabing important milestone in her personal life?



“Kasi, parang I considered—ang tawag ko na nga sa kanya, kuya. Hindi ko na nga dinudugtungan ng JC kasi, he’s like a brother to me. Parang yung pledge pa nga niya sa akin, I’m like a brother to him.”

Si Christian Samson na dati niyang kasamahan sa Star Factor noon ang napapabalitang boyfriend niya. Bakit hindi ito ang ginawa niyang 18th warrior?



“Pang-sixteen po siya, si Martin Escudero naman po ang pang-seventeen,” paglinaw niya.

Noon, sinasabi niya na ang Daddy niya ang gusto niyang maging pang-eighteen dance niya.

Ano ang nangyari?



“Ang Daddy ko po, nandito siya noong May 23. Yung nangyari kagabi, dapat noong May 28 namin gagawin. Kaso, gipit kami sa oras.

“Taping-taping, wala talagang nakakapag-prepare. So, nandito lang ang Daddy ko hanggang May 29,” saad niya.

Diretsahan naming tinanong si Eula kung parang showbiz debut party na lang ba ang naganap sa kanya at hindi personal debut party na lang niya.

Bilang si Christian na matunog at nababalita ngang boyfriend niya ang naging pang-16th dance na lang niya.

Paliwanag naman ni Eula, “No naman, no naman. Maybe, because, let’s admit it, Christian and I are going very well on the courtship stage.

“I like him a lot, his personality. But, there is no, I mean, there is no need or I am not responsible or oblige to make him my last dance.



“It’s not even official yet.



“We don’t have a commitment, we are liking each other but then—,” hindi na niya tinuloy pa ang kanyang pahayag.

BROTHER FIGURE. Sa pagkuha niya kay JC bilang last dance niya, ano ang naging basis niya rito?



“The guy has touched my heart and has been involved in my life the most. Kasama ko siya sa mga projects.



“At sa isang artista kasi, like si Kuya JC, tinutulungan niya ako sa mga stunt sa Cassandra. Sinasabi niya sa fight instructor na ‘wag ipagawas a sa akin yung ganito, ganyan.



“Sobrang nakaka-touch yun sa isang artista na may nagki-care for her... na babae ako.



“And of course, yung time na magkakasakit ako o may mga delikadong eksena. Hindi lang naman ngayon sa Cassandra.

“Kahit sa Lokomoko, Enchanted Garden, he’s always been the gentleman,” pagmamalaki niya sa kaibigan.

Hindi naman ba nanliligaw si JC sa kanya bilang ayon dito, single siya.



“Hindi naman,” nakangiti niyang sabi.

Kuya lang talaga sa kanya si JC? May period na yun?



“Kuya talaga ang tawag sa kanya, kasi, kahit yung matatanda sa kanya, tinatawag din siyang kuya.”

Wala siyang nararamdamang nagpaparamdam ito sa kanya?



“Hindi po, wala po, never. We’re very good friends.”

Noong aktuwal na debut naman daw niya, naging memorable rin daw yun dahil ang kasama niya ang mga magulang niya.

Kuwento nga ni Eula, “Nag-lunch po kami ng parents ko sa Antonio’s. Kami lang ng parents ko.

“Tapos noong gabi po, nag-dinner kami kasama na ang mga siblings ko, auntie, uncle. Kain-kain din pag may time,” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN