Tom Rodriguez on gay relationships: “Just like someone who is gay na closeted is lying to himself, I would be lying to myself din if I am with a man.”

Tom on doing intimate scenes with co-star Dennis Trillo: “Pagkatapos iyon, natatawa na lang kami. Pero si Dennis kasi very professional, napakagaling, kaya siguro kung sa kanya may ilang factor, maiilang ako. Pero dahil siya yung nagdadala sa akin dahil ako yung baguhan, at siya nagkaroon na ng ganitong role dati, ang galing ni Dennis, na inano niya na hindi kami magka-ilangan.”


Kakaiba raw ang kaba na nararamdaman ni Tom Rodriguez sa upcoming drama series nila nina Carla Abellana at Dennis Trillo, ang My Husband’s Lover.

“Kinakabahan ako na hindi bigyan ng chance ng mga audience, ng mga manonood yung show namin.

“Kasi sayang po, kasi napakaganda po ng kuwento, it’s a love story,” pahayag ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kaugnay ng pagganap niya bilang si Vincent sa My Husband’s Lover.

Gaganap naman dito si Dennis bilang si Eric na gay lover ni Vincent at si Carla Abellana bilang si Lally na asawa ni Vincent.

May mga importante ring papel dito sina Miss Kuh Ledesma bilang Elaine, Glydel Mercado bilang Sandra, Bettina Carlos bilang Vicky, Pancho Magno bilang Paul, Kevin Santos bilang Danny, Karel Marquez bilang Evelyn, Roi Vinzon bilang Armando at si Miss Chanda Romero bilang Sinag.

Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

Ipapalabas na ito sa Lunes, June 10, sa GMA Telebabad.

Lalakarin raw ng GMA-7 at ng production ng show sa MTRCB na humingi ng permit para malagyan ng kissing scene between Dennis and Tom.

Papayag si Tom kung sakaling may eksenang halikan sila ni Dennis sa show.

“Kaya hinanda ko na po yung sarili ko e, na dahil napakaganda ng kuwento, napakaganda ng pagkakasulat ng lahat ng karakter namin.

“Ayokong dayain po yung karakter ko e, yung kuwento niya.

“Gusto ko pong makita ng audience yung kuwento ni Vincent Soriano dito sa My Husband’s Lover,” saad ni Tom bilang pagharap sa kanyang bagong challenge.

CHALLENGED BY ROLE. Napaka-convincing ng nga intimate scenes nila ni Dennis base sa trailer ng show, na parang totoo silang lovers.

Gaano kalapit sa mga past experiences ni Tom ang mga ganoong eksena? Naligawan na ba siya ng bading?

Aniya, “Iyon nga ang pinaka-challenge dito e, kasi ito yung pinakaunang role ko na... as in wala pa akong similar experiences na naranasan ko, sobrang iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never pa raw siyang naligawan ng gay, pag-amin ng guwapong aktor.

“Hindi pa po, e.”

“Ewan ko, bakit nga ba,” at natawa si Tom.

“Siguro kasi hindi po kasi ako malabas, e. Pagkatapos ng trabaho, yung hilig ko po medyo weird; comic books, nagdu-drawing, video games, ganun lang pag nasa bahay ako.”

Paano siya humugot ng emosyon at pag–arte para sa role niya sa My Husband’s Lover?

“Dito kung paano ko gawin yung iba kong role,” pag-aanalisa niya, na kahit daw malayung-malayo sa tunay niyang pagkatao ay inatake niya na tulad ng mga ibang roles niya in the past na medyo nalalapit sa tunay na buhay.

“Ito yung pinaka-first ko na kinailangan ko talagang buuin yung karakter. Kung sino siya, kung ano yung pananaw niya sa buhay.

“Kaya dun ko talaga hinugot.”

WORKING WITH DENNIS. Nagkakatawanan ba sila ni Dennis after ng take ng mga intimate scenes nila as gay lovers?

“Pagkatapos iyon, natatawa na lang kami. Pero si Dennis kasi very professional, napakagaling, kaya siguro kung sa kanya may ilang factor, maiilang ako.

“Pero dahil siya yung nagdadala sa akin dahil ako yung baguhan, at siya nagkaroon na ng ganitong role dati, ang galing ni Dennis, na inano niya na hindi kami magkailangan,” kuwento ni Tom.

Hindi takot si Tom na dahil convincing ang acting niya as Vincent ay pagdudahan siya na bading nga siya…

“Ako hindi, kasi I’m very comfortable with who I am as a person, na ako, na I’ve no ano kasi this is purely work.

“I am an actor, I leave it at that, na if they have other views on me there’s nothing I can do about it.

Pero for myself, alam ko kung sino ako,” diin niya.

Kaya mas may takot si Tom na mapintasan ang acting niya bilang bading kaysa mapagdudahang isang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” at tumawa si Tom.

SECURE WITH HIS SEXUALITY. Kung may manliligaw sa kanya na bading...

“Siguro I would have to turn it down na, nothing against them.

“Alam ko kasi kung ano ang preference ko e, alam ko kung sino ako, pero gaya ng sinabi ko, hindi naman natin masasabi in the future kung ano ang mangyayari, di ba?

“Kung ano yung possibilities kasi love is love.

“Pero for now masasabi ko talaga na hindi ko talaga makita yung sarili ko to be in that kind of a relationship, na kung mangyayari, magsisinungaling ako sa sarili ko para lang mapunta sa ganung klaseng relationship.

“And mali naman yun, just like someone who is gay na closeted is lying to themselves, I would be lying to myself din if I am with a man,” paliwanag niya.

Kung isang movie project na may torrid kissing scene sa kapwa niya artistang lalaki...

“Siguro if the material is really good, katulad nitong My Husband’s Lover.”

Sino ang choice niyang makapareha, kung sakali?

“It doesn’t matter din kasi kung sino ang kaeksena mo as long as the material is good, e. Yung kuwento na mamu-move ako, na basahin mo pa lang.

“Iyon yung nangyari dito, e. Nung binasa ko pa lang yung eksena na pinag-audition na confrontation scene, I was moved.

“Na dun ko binase, na I would really like to be a part of this project.

“Dun ko naramdaman na hindi ko ito puwedeng palampasin,” nakangiting sinabi pa ni Tom.

POPOY AS MANAGER. After Rafael Rosell, si Tom na na ang bagong paboritong talent ni Popoy Caritativo.

Tumawa muna si Tom bago sinabing…

“Sana, hopefully I’m making Popoy proud kasi I try to work hard naman, I try to be professional in whatever work I do kaya sana maging proud siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That would make me feel really good na may manager ako who I entrust my career to.

“Kung proud siya sa akin, ibig sabihin may ginagawa akong tama.”

Biniro namin si Tom, na pumasok lang siya sa Luminary (na talent management ni Popoy) ay nawala sina Martin Escudero at Marian Rivera.

Mabilis namang nag-react si Tom na…

“Naabutan ko na po sila, e! Kasi nung nag-expire na yung contract ko sa Star Magic early last year, I transfered to Popoy na pero I still had a contract with ABS.”

Wala raw siyang masyadong maiku-comment sa pag-alis ng dalawa sa pangangalaga ni Popoy.

“Kasi dun po wala po akong masabi kasi labas po ako dun. As in, it would be unfair to both parties kung magsasalita ako kasi parang nakikisawsaw lang ang dating ko nun kasi wala po talaga akong alam.

“Ang alam ko lang po kung paano kami ni Popoy and he’s always been professional with me, he’s always been a really good manager.

“I’ve worked with Marian in two movies and with Martin, I’ve seen him around.

“Kaya I’ve nothing bad to say with anyone.

“Ang alam ko lang kung ano yung personal experiences ko with Popoy, that’s the only thing that I can comment on.”

LEAVING BE CAREFUL WITH MY HEART. Talaga bang paalis na siya sa Be Careful With My Heart o inalis siya dahil sa My Husband’s Lover?

“Nagpaalam po kami nung nalaman namin, pero nagpaalam po kami very early pa po para may time po silang gawan ng paraan.

“Kasi isa rin po yun sa ayokong gawin, na biglaan na lang umalis.”

Hindi siya nahirapang umalis sa dati niyang serye dahil napakaganda raw ng proyektong My Husband’s Lover; na pagsisisihan raw niya kung pinalampas niya ang offer ng GMA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakaganda po kasi ng material e, napakaganda po ng kuwento.

“Na mas magre-regret ako kung hindi ko tinanggap,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN