"Pugad Baboy" creator Pol Medina Jr. resigns from Inquirer over St. Scho controversy

Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg">

Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg">

Pagkatapos ng kontrobersiyang idinulot ng lumabas na issue ng "Pugad Baboy" noong June 4, nagdesisyon ang cartoonist na si Pol Medina Jr. na mag-resign na bilang contributor ng Philippine Daily Inquirer.


Tuluyan nang nag-resign ang "Pugad Baboy" creator na si Pol Medina Jr. bilang contributor ng Philippine Daily Inquirer (PD) matapos ang 25 taon nitong kabahagi ng pahayagan.

Ang pagre-resign ni Medina ay bunsod ng kontrobersiyang nilikha ng kanyang cartoon strip na lumabas noong June 4.

Nakasaad sa resignation letter ng cartoonist, na ini-address kay PDI editor-in-chief Letty Jimenez-Magsanoc, “Ma’am, sorry I dishonored you. I resign.”

Sinabi rin nitong "irrevocable" ang kanyang resignation simula noong June 7, Biyernes.



THE CONTROVERSIAL COMIC STRIP. Simula rin noong June 7 ay hindi na nababasa ang comic strip ni Medina na "Pugad Baboy" sa Inquirer.

Ito ay bunsod sa pagkakabanggit ng "St. Scholastica’s College" sa kanyang comic strip sa June 4 issue ng national daily.

Sa pag-uusap kasi ng dalawang karakter sa comic strip, nabanggit nito ang mga salitang "gays and lesbians" at pati na ang "mga madre."

Ang comic strip na ito ay nakapukaw sa atensiyon ng eskuwelahan upang padalhan ng sulat ang pamunuan ng Inquirer noong June 5.

Ito ang nakasaad sa sulat ng St. Scholastica’s College:

“Upon advice of our legal counsel, we sent a letter to Ms. Chato Garcilliano of PDI which was delivered yesterday at 2:30 PM. Part of the letter reads:

‘We protests in the strongest possible terms the way the school was singled out and our Sister administrators accused of allowing homosexual relationships between its female students.’

"The administration is seeking an audience with the person in charge of the Comic Relief Section and the cartoonist of Pugad Baboy, Mr. Pol Medina.

“Today, PDI told us that the letter was forwarded to Ms. Elena Pernia, the Ombudsman of PDI, who happenned to be out of her office the whole day today.

“If we will not hear from PDI this week, the lawsuit will be filed. If the dialogue will be arranged, we will be inviting administrators, faculty and students who care about this issue to join us. The entire Sisters community will be present..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last June 5 din, sa official Twitter account ng Inquirer, nagsabi ang publikasyon na tinanggal na nila ang kontrobersiyal na comic strip ni Medina.

Anila, “The controversial June 4 Pugad Baboy comic strip was removed from the comics section of the inquirer.net on June 5, (10pm).

“Pending investigation by the Reader’s Advocate on the controversial June 4 comic strip, the Inquirer is pulling out Pugad Baboy by PMJR.”

Last June 6, sa State of The Nation ng GMA News TV, inamin ni Pol na lumagpas siya sa limitasyon at nakatanggap na rin daw siya ng mga hate mails.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga taga-St. Scho.

Aniya, “Medyo mapait talaga yung punchline na lumabas, naka-offend talaga ako dun. Ma’am, sorry ma’am, sister sa nagawa ko.”

Ayon pa sa report, sa initial investigation ng pamunuan ng Inquirer, hindi raw aprubado ang naturang comic strip. Na-reject na nga raw ito noon pang buwan ng Abril dahil "insensitive" daw ito.

Pero nagkaroon daw ng mix-up sa comic section at ito raw ang nailathala.

Nilinaw rin ng Inquirer na hindi pa sinibak si Medina kundi mananatili itong contributor nila.

POL MEDINA JR. IS NOT FIRED. Matapos ang report, nakapanayam ng State of The Nation anchor na si Jessica Soho ang publisher ng Inquirer na si Dean Raul Pangalangan.

Tanong ni Jessica: “Clarification lang po, this is a suspension against Pol Medina, ano ho?"

Sagot ni Dean Pangalangan, “Ah, hindi Jessica. Just to be clear, kahit si Pol inamin na nagkamali siya nung sinabi niya kanina na siya ay fired ay hindi po yun totoo.

"Ang ginawa pong measure ng Inquirer ay meron kaming sariling proseso ng pag-investigate sa mga ganitong sitwasyon.

"In fact, nagsimula na po yung prosesong yun, yung report ni Susan Enriquez, ni-report na niya yung initial finding, na in fact, the editors had already spotted this problem in April, hindi na inilabas yung cartoon na ito kaya nga lang merong sumablay kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero Jessica, pending the investigation, I think tama lang naman na huwag munang ilabas yung cartoon, so hindi po ito tawaging suspension, na parang lumalabas na may parusang walang imbestigasyon.

"May imbestigasyon at base sa resulta ng imbestigasyon, we will take our decisions.”

Sabi naman ni Jessica, “So, ang safe ko Dean na sabihin e wala pang punishment o wala pang desisyon what to do with Pol Medina. Tama po ba?”

Ani Dean Pangalangan, “Ah tama ’yan, ang malinaw na aksyon ngayon ay habang may imbestigasyon, hindi muna lalabas yung cartoon strip na ’Pugad Baboy.’”

Tanong pa ni Jessica, “May response na po ba Dean ang St. Scholastica dito po sa nangyari today, kasi alam ko nag-meeting po yata ang mga editors? Did you meet with the administrators, of the nuns of St. Scholastica?”

Tugon nito, “Well, in fact Jessica, I’m happy to report to you na nagkausap na kami ng presidente ng St. Scholastica’s College, ang ginawa po namin sa Inquirer kanina, binuo po namin ang aming apology, ni-release po namin sa media, in fact Jessica, I think ang Channel 7 ang unang nag-report ng aming apology both to St. Scholastica’s and to the affected members of the public, at pagkatapos po nun... na-feel ko din yung apologies ng presidente ng St. Scholastica’s at nagkausap po kami sa telepono.

"So maayos po ang pag-uusap at ang pakay na po ng mga susunod na measures na gagawin namin ay para lang maintindihan kung ano’ng nangyari, kung paano nangyari yun.

"Kasi alam din naman nila na hindi naman namin intensiyon na makasakit ng ganun.”

Sa hul, sabi ni Dean Pangalangan, “Well Jessica, salamat at binigyan mo kami ng pagkakataon na magpaliwanag. But gusto ko rin... just want to assure you and the public and of course St. Scholastica’s College that the Inquirer remains committed to the fundamental values of balance, truth, and sensitivity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ito po yung mga prinsipyo na nais naming panindigan dito sa sitwasyong ito.”



LETTER OF APOLOGY. Narito naman ang full statement na inisyu ni PDI Publisher Raul C. Pangalangan:

‘‘The Philippine Daily Inquirer apologizes for the offensive Pugad Baboy cartoon by P.M. Junior on June 4, 2013. In the words of the president of St. Scholastica’s College, ’our school was singled out and our Sister-Administrators accused of allowing homosexual relationships between its female students.’

‘‘Our Reader’s Advocate, Elena E. Pernia, has begun an inquiry into this matter. Her preliminary findings show that this cartoon strip had been rejected for its insensitivity when it was submitted in April 2013 but, due to a mix-up in the comics section, was picked up for publication. The Inquirer confirms its commitment to the highest standards of accuracy, fairness and good taste.

‘‘Contrary to erroneous news reports, P.M. Junior was not fired and remains a contributor. Pugad Baboy will not appear in the Inquirer, however, pending further investigation.’’

OVERSTEPPING THE THRESHOLD OF GOOD TASTE. Sa report naman ng abs-cbnnews.com noong Sabado, June 7, inamin ni Medina na nagkamali talaga siya dahil lumagpas siya sa guidelines na sinusunod sa Inquirer.

Saad niya, “Binigyan ako noon ng guidelines, e, ng Inquirer.

"Ito yung mga guidelines na hindi mo io-overstep. Viniolate [Violated] ko lahat ’yon.

"Kasi sinusubukan ko kung hanggang saan ako puwede lagi, e. Tapos pumapayag yung editorial staff ng Inquirer na ilabas.

"Kaya naging bold ako, e… ’Aba, okey, a, nailabas yung strip ko tungkol sa black comedy. Lumabas yung strip ko tungkol sa race. Tungkol sa religion. E, open-minded naman pala.’

"Sa kaka-push ko nang ganun, na-overstep ko yung threshold ng good taste. Yun yung nangyari dito talaga.

"Totoo ’to, e, inaamin ko."

Sa kanya namang Facebook account, sinabi ni Pol na luma na ang nasabing comic strip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “If you zoom in on that particular strip that got me fired, you’ll see that the strip first appeared in MARCH. No reaction then.

"It was re-issued after I made a series of anti-Marcos strips, then BOOM! Nag-trending sa Twitter. I smell a consPIGracy…"

Sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng ABS-CBN, sabi ni Pol, “Hinimay ko, yung mga sinabi ko [sa strip]. Nandun yung word na ‘condone,’ e. Kinu-condone nila… hindi nila kino-condone ang lesbianism, e. Hindi lang nila ma-police. Hindi nila mapigilan.

"Kasi andaming estudyante, e. Saka once they step out of the gates, wala na silang alam kung anong gagawin ng mga estudyante nila sa mga homes nila.

"So dun sa last panel na ’yon, nung nakita ko ’yon, sabi ko, ’Oo nga, kailangan kong mag-sorry.’

"Kasi dun sa black and white na strip, may makikita ka talaga na hindi mo pwedeng ikaila, e. At yun yung word na iyon."

Ang dalawang mga salita na tinutukoy ni Medina ay ang "tongril" at "kulasa."

Ang "tongril" ay tumutukoy sa pagka-tibo at ang "kulasa" na tumutukoy sa mga college girls.

Sabi ni Pol, “Ang nag-coin niyan yung mga madre mismo. Kaya lang may negative [meaning] pala ’yan, kasi sa probinsiya ang kulasa e yung babaeng madali, e. O kaya number 2. Kulasisi.

"Kaya daw pinigil na yung pagtawag nila ng kulasa. Dapat ang tamang term, ’Scholastican.’

"So yung paggamit ko pa lang nung derogatory word na ’yon, ayun, foul na ’yon."

Kung maaari lang daw ibalik ang panahon, gusto niyang bawiin ang nasabing comic strip.

“Kasi ako talaga yung mali. Nananahimik sila, e. Yung estudyanteng nananahimik nang ganyan, i-poke mo nang gano’n, ikaw may kasalanan, di ba? E, na-poke ko sila, e..

"Yung sage advice nga ni Dolphy, ’Hindi n’yo kailangang manlait o manira ng kapwa para magpatawa.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ganun yung ginawa ko."

Sa hiwalay namang panayam ng InterAksyon.com noong June 7, sinabi ni Pol na nagsisilbi itong wake-up call sa kanya at maging maingat sa susunod.

Aniya, “I need to censor myself.”

Inihalintulad naman ni Pol sa paggawa ng sex video ang nangyari sa kanya.

Sabi nito, “Kumbaga kay Hayden Kho, ang palusot niya dati, di naman siya yung nagkalat ng [sex] video. May nag-hack nung kanyang laptop.

"Binatikos ko rin siya nung time na ’yun. Sabi ko, kung di siya gumawa ng sex video, walang ikakalat.

"Parang ganun din ako ngayon, sana di ko na lang siya ginawa.”

Parehas naman daw ang paghingi ng Inquirer ng paumanhin at ito raw ang nararapat.

Ani Pol, "Kumbaga sa clear and present danger, pag sumabog na yung bomba, di mo na puwedeng i-defuse. Andiyan na ’yan.

"Called for na rin yung apology. Damage control."

PUGAD BABOY. Kinagabihan ng June 7, sa State of The Nation pa rin ng GMA News TV, maraming nakapanayam ang show na fanatic ng "Pugad Baboy."

Marami sa mga ito ang nanghihinayang sa suspension ng comic strip sa Inquirer dahil ito raw kasi ay relevant sa nangyayari sa kapaligiran at marami raw ang nakaka-relate sa mga sitwasyon dito.

Sa pagbabalik-tanaw ng show, tumakbo na ang "Pugad Baboy" ng 25 years sa Inquirer na nagsimulang lumabas sa pahayagan noong 1988. Mayroon na raw itong 26 na libro at naging sitcom pa sa GMA Channel 7.

Sabi naman ni Pol, “Kasi binase ko sa mga tunay na tao, mga kapatid ko, ayan, na totoo naman talagang matataba.

"Satire talaga e, satirical siya, hindi lang…kasi sinasabi nila political, hindi naman siya masasabing yun lang kasi chop suey siya, e.”

Maraming mga Facebook fans at netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot sa pansamantalang pagkasuspinde ng "Pugad Baboy."

Sa Facebook daw muna maglalabas ng comic strips si Medina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ititigil na kaya niya ang paglalabas ng "Pugad Baboy"?

Sagot ni Pol, “Itutuloy ko ’yan, hindi ko ’yan ititigil, hindi ko siya papalitan ang title.”

Sa report naman ng InterAksyon.com, sinabi ditong may online petition na ang mga fans at netizens na ginawa last Thursday para hikayatin ang Inquirer na huwag tanggalin si Pol at i-retain ang "Pugad Baboy." May pagbabanta rin sila na i-boycott ang nasabing national daily.

Ang titulo ng petition ay "Philippine Daily Inquirer: Do not fire Pol Medina, do not remove Pugad Baboy."

Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg">


Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg"> Inquirer over St. Scho controversy" data-url="https://www.pep.ph/news/39017/pugad-baboy-creator-pol-medina-jr-resigns-from-inquirer-over-st-scho-controversy" data-desc="Pol Medina Jr. says he "overstepped" the guidelines." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e1b830c6d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN