Xian Lim on alleged hacking of Kim Chiu’s Instagram account: “Wala, it’s a hacker, I guess it happens to everyone, di ba?”

Xian on the forthcoming ending of their teleserye Ina, Kapatid, Anak: “It’s a nice thing na dumating kami sa ganitong point na tumagal kami ng one year. Nagpapasalamat din kami dahil kung wala ang mga supporters, e di kami aabot ng ganito. We are happy, siyempre nakakalungkot din na di na kami magkikita-kita pero it’s part of it, ni-ready na rin namin ang sarili namin and we’re excited for the next project coming soon.&rdq


Bumulabog kamakailan sa Instagram world ang post ni Kim Chiu ng isang heart puzzle na may caption na: "’The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)"

Madiing itinanggi ni Kim na siya ang nag-post ng naturang message, at sinabing na-hack daw diumano ang kanyang Instagram account.

Bagamat na-delete na ang kontrobersyal na post, marami pa rin ang nagtataong kung ano ang reaksyon ng mga kaibigan ni Kim tungkol dito.

Dahil si Xian ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ng dalaga, inalam namin ang kanyang saloobin tungkol sa naturang isyu.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian, sinabi nito na agad namang nagkuwento sa kanya ang kapareha tungkol sa nangyaring pangha-hack sa kanyang Instagram account.

“Oo nga e, nasabi niya nga sa akin pero di pa siya masyadong nakakapagkuwento but yun... ang sabi nga niya, grabe naman.

“Bakit may gagawa ng ganun pero siyempre we are public figures, Kim dapat next time yung password medyo hirap-hirapan mo, lagyan mo ng maraming numbers ’yan.”

“Wala, it’s a hacker, I guess it happens to everyone, di ba? Di naman natin malalaman kung maha-hack ang account natin,” depensa ni Xian.

INA, KAPATID, ANAK. Isang linggo na lang mapapanood ang Ina, Kapatid, Anak sa ere kung saan consistent ang pagtatala nito ng mataas ng ratings.

Bagamat aminadong malungkot siya sa magiging paghihiwalay nila ng mga nakasama sa pinagbidahang serye, labis pa rin ang pasasalamat ni Xian sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa IKA.

“It’s a nice thing na dumating kami sa ganitong point na tumagal kami ng one year. Nagpapasalamat din kami dahil kung wala ang mga supporters, e di kami aabot ng ganito.

“We are happy, siyempre nakakalungkot din na di na kami magkikita-kita pero it’s part of it, ni-ready na rin namin ang sarili namin and we’re excited for the next project coming soon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta maraming, maraming salamat sa lahat ng nanood ng Ina, Kapatid, Anak, sumuporta at talagang tumutok gabi-gabi,” pasasalamat ni Xian.

Bukas na aklat ang naging di pagkakaintindihan sa pagitan nila Xian at Enchong sa set ng Ina, Kapatid, Anak dahil sa isyu ng pagdalaw ng kanilang mga fans sa set.

Agad naman itong naayos kung saan ayon nga kay Enchong ay higit itong nagpalalim sa pagkakaibigan nila ni Xian. Nang tanungin naman tungkol dito si Xian ay iwas nang pag-usapan pa ito ng aktor.

“Sa akin I just don’t entertain yung mga issues, sa akin it’s more on the positive side now palagi. It won’t do any good,” paglinaw niya.

NEW MOVIE. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong kasunod na serye na gagawin si Xian pero masaya nitong binalita na patapos na ang pagtatambal nilang muli ni Kim sa pelikula via the romantic comedy film Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

“Sa akin I’m not really sure kasi wala pa namang nagsasabi sa akin formally but hopefully. May movie kami, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

“Hayun malapit na, malapit na siyang mag-showing and abangan din nila yun. Ilang shooting days na lang and matatapos na siya. I guess may playdate na pero di ko alam kung puwede nang sabihin.

“We are excited and nervous. Kung nabitin kayo sa Ina, Kapatid, Anak, heto na yun, suportahan ninyo ito,” pagtatapos niyang pag-imbita sa kanyang fans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN