Kim Chiu on Gerald-Maja relationship: “Ay, ’wag na nating pag-usapan ’yan. Ayokong makisali diyan.”

Kim on her hacked Instagram account: “Naayos na siya, yun pa rin ang account ko. Akala ko magsisimula ako sa simula, e ang dami ko nang followers.”


Matapos aminin ni Maja Salvador sa Bandila ang tunay na estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson ay lumabas sa Instagram account ni Kim Chiu ang isang heart puzzle na may caption na: "’The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)"

Agad namang nag-post si Kim sa Instagram din na na-hack ang kanyang account at di galing sa kanya ang nasabing mensahe, na matagal na ring na-delete.

Ito rin ang naging pahayag ng aktres nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

“Na-hack, my God, na-hack siya!” pag-amin ni Kim.

“Mabilis lang kasi yung password ng Instagram ko so di ako magugulat kung ma-hack siya kasi makakalimutin kasi talaga ako sa password so dinalian ko lang yung password.

“Tapos, pag-open ko di ko na kayang buksan.

“Nagt-text lang sa akin si Olyn, yung kasama ko sa PBB, sabi niya, ’check mo nga ang Instagram mo, na-hack ka ba?’

“Sabi niya, ’di ikaw ang nag-post nito alam ko.’

“Tumawag ako sa kanya, ’ano ang pinost ko?’

“Binuksan ko yung Instagram ko di na siya mabuksan, parang kinakabahan na ako.”

Patuloy niyang kuwento, “Kinabahan ako, nanginig ako. Binuksan ko sa iba, nabubuksan siya tapos nag-aaway ang mga fans.

“Inaaway nila ang mga tao, sabi ko, ’Oh my God, kailangan na itong matigil, sino siya? Sino siya?’

“Buti na lang naka-back up ako sa e-mail add ko. Hayun... sa Instagram, forget password, binuksan ko siya sa e-mail ko.”

“Ang daming nag-react, ang daming nagulat. Buti na lang may signal dun sa location namin sa taping kasi sobrang layo nung place.”

Ayon kay Kim ay hindi siya nagbago ng Instagram account sa kabila ng nangyari dahil sa dami na rin ng kanyang mga followers na karamihan ay mga masusugid niyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naayos na siya, yun pa rin ang account ko. Akala ko magsisimula ako sa simula, e ang dami ko nang followers,” pasasalamat niya.

INA, KAPATID, ANAK ENDING. Ang Ina, Kapatid, Anak ang isa sa mga serye ng ABS-CBN na may consistent high ratings.

Ngayong isang linggo na lang ito mapapanood sa ere, labis ang saya ni Kim sa mga taong di bumitiw sa panonood ng IKA mula simula hanggang sa pagtatapos nito.

“Siyempre masaya... another successful project na natapos ko.

“Hayun, masaya ako sa suporta na binibigay ng tao from the start lalo na ngayon na padulo na kami.

“Marami pang suporta, mas maraming nag-aabang kung ano ang mangyayari kay Celyn, sa lahat ng characters namin.

“Exciting, di pa kami tapos talaga so kinakabahan din kami sa mga mangyayari,” pag-amin ni Kim.

Ipinaliwanag naman ni Kim na hanggang dun na lang kasi talaga ang itatakbo ng istorya at hindi na maganda kung pipilitin pa itong pahabain kahit di na naman kailangan.

“Kasi hanggang dun na lang yung kuwento siguro, para di na rin maging dragging yung story. Wala naman, heto na yung pinakamahaba kong soap, ten months tapos one year yung taping namin.”

“Ito yung unang soap ko na umabot ng 40 [weeks] so masayang-masaya talaga ako sa show na ito, grabe ang suporta ng tao,” saad ng dalaga.

Para kay Kim memorable ang IKA para sa kanya dahil bukod sa mainit na pagtanggap dito ng publiko ay maraming nangyari sa buhay nila sa likod at harap man ng kamera.

“Memorable kasi ang daming nangyayari, on and off. At least natapos natin ng maayos.”

Sa IKA ay nagkabati na sila Celyn at Margaux, mga karakter na ginagampanan nila Kim at Maja Salvador.

MUM ON RECONCILIATION WITH MAJA. Tinanong namin si Kim kung may pagkakataon din ba itong mangyari sa totoong buhay sa kanila ng dating matalik na kaibigan at ano ang reaksyon niya sa pag-amin nila Maja at Gerald ng kanilang relasyon sa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, ’wag na nating pag-usapan ’yan, IKA na lang ang pag-usapan natin. Ayokong makisali diyan,” diin niya.

Sa pagtatapos ng IKA, abala sila Xian at Kim sa pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Nang kumustahin namin ang relasyon nila sa ngayon ng kapareha, positibo naman ang naging sagot ng aktres na mas malalim ang samahan nila ngayon ni Xian.

“Malapit nang matapos yung movie namin, sa July na yata ipapalabas. Okay naman kami, sobrang busy.

“Lagi kaming magkasama lately. Close naman kami dati pa, ngayon mas sumobra pa,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN