Maureen Larrazabal on Bubble Gang co-star Ogie Alcasid’s rumored network transfer: “Basta ang usapan namin, walang iwanan.”

Maureen on her showbiz comeback: “Actually, ang plan ko nung una medyo huminto talaga sa showbiz, mag-Bubble Gang na lang kasi feeling ko parang nagkakaedad na ako. Parang nag-iisip na ako ng fallback. E, normal lang naman iyon sa normal na buhay, hindi ba? But then, na-miss ko pala, parang iba pa rin ang showbiz. Pag showbiz kasi, on-the-go, kung saan-saan ka nakakarating.”


Ang Pilyang Kerubin ang huling drama series na nilabasan ni Maureen Larrazabal bago siya napasama sa bagong primetime series ng GMA-7 na Anna KareNina.

Sa parehong programa ay salbahe ang papel ni Maureen. Pero hindi naman daw siya nagsasawa sa pagiging kontrabida.

“Masarap maging salbahe, hindi nawawalan ng trabaho!” natatawang sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Actually, ang plan ko nung una, medyo huminto talaga sa showbiz, mag-Bubble Gang na lang.

"Kasi, feeling ko, parang nagkakaedad na ako. Parang nag-iisip na ako ng fallback.

“E, normal lang naman iyon sa normal na buhay, hindi ba?

"But then, na-miss ko pala, parang iba pa rin ang showbiz.

“Pag showbiz kasi, on-the-go, kung saan-saan ka nakakarating.”



BUSINESS VENTURES. May fallback naman si Maureen just in case iiwan na niya ang pag-aartista.

Kuwento niya, “Nag-set up ako ng gym ko. Na-set up ko na siya, yung Curves, sa may Dimasalang.

“Hardcore gym siya na mas more on sa masa ang target market pero bago ang equipment, maayos, kasi you don’t have to pay that much.

“Ganun yung drama ko, you don’t have to pay that much to have beautiful things around you, parang ganun.

“So, maayos na maayos siya, pero sobrang mura,” pagmamalaki niya.

Solo siyang nagmamay-ari ng naturang gym na dalawang taon nang operational.

“Talagang nag-concentrate ako, nag-stop ako sa showbiz, inano ko yun.

“Tapos ako na rin yung humawak ng apartelle, partner kami nung partner ko sa buhay.

“Sa Mabini naman iyon, two years na rin siya na hina-handle namin.

"Eighty-two rooms, may daily, may short time!” at tumawa si Maureen.

Hands-on daw si Maureen sa dalawang negosyo niya.



LEAVING BUBBLE GANG? Nilinaw naman ni Maureen ang lumabas na balitang aalis na raw siya sa Bubble Gang, ang long-running gag show ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Ang Bubble Gang kasi hindi ko maiiwan, e.

"Parang, ever since, talagang... kaya kahit nag-stop ako, I made sure na ang Bubble, di maiwan.

“Kasi siya yung nagbibigay sa akin ng ibang buhay naman.

“So, for as long as they want me there, I will be there, parang ganun na lang po.”

Tatlong taon pa ang kontrata ni Maureen sa Bubble Gang, hindi sa GMA-7.

Sabi niya, “Kakabigay lang po ng bagong contract.

“Sa GMA, wala na po akong contract. We’re actually allowed to guest [sa ibang channel], I think, but I do not try, hindi ko po tina-try mag-guest.”



OGIE’S RUMORED NETWORK TRANSFER. Tinanong din ng PEP si Maureen tungkol sa maugong na usap-usapan na pag-alis daw ni Ogie Alcasid sa GMA-7 upang lumipat sa TV5.

Sabi ng sexy actress tungkol dito, “Actually, nagkausap na kami nila Ogie.

"Kasi usually nag-uusap kami, like yung summer episode namin, nag-usap kami nang heart-to-heart.

“Ang usapan naman namin nina Ogie, walang iwanan.

“So, for whatever it means, walang iwanan.

“Ang alam ko, meron pa siyang kontrata until end of June.”

Ano ang mararamdaman niya kapag sa katapusan ng Hunyo ay umalis nga si Ogie?

“Of course, I will feel really bad kasi feeling ko, ang Bubble Gang is Ogie and Bitoy [Michael V].

“Kahit ilang babaeng pumalit, kahit ilang babaeng dumaan, it’s still Bubble Gang kapag nandiyan yung dalawang tower namin.

“So, I will really feel bad, and definitely if that happens, I will talk to Ogie about it.

“And mature na naman kami sa tagal at sa dami na naming pinagsamahan, e. And if he can work things out with GMA, mas maganda sana for him not to leave.”

Ano ang pinag-usapan nila noong ginawa nila ang kanilang summer special?

“Ako, Rufa Mae [Quinto], and Ogie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ba ni Ogie na aalis nga siya?

“Ayoko pong ma-preempt o kung anuman yung plano niya, basta ang usapan namin, walang iwanan,” makahulugan niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN