Gardo Versoza would rather direct an indie film than enter politics; goes biking for fitness

Gardo on why he feels jaded about politics: “Hindi ako naniniwala, siguro masasabi ko hindi ako naniniwala sa sistema ngayon. Para kasing hindi klaro yung talagang pagsisilbi sa bayan. Para kasing feeling ko kung talagang magsisislbi sa bayan, parang hindi mo naman kailangang mabuhay ng luxuriously, e.”


Tila bumata si Gardo Versoza dahil slim siya ngayon.

Ano ang kanyang sikreto?

“Diet, biking,” umpisang kuwento ni Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kadalasan raw ay sa Rizal siya nagbibisikleta.

Nakikilala ba siya ng mga tao?

“Minsan, pero usually hindi matao ’pag nagba-bike kami. Hindi naman madaling-araw, mga after lunch o hapon, gabi, ganyan.

“Actually noon ko pa siya ginagawa tapos ngayon na lang ulit na-reactivate dahil parang feeling ko ngayon kailangan na ng maraming cardio activities pag nagkakaedad,” pag-amin niya.

Naranasan na raw ni Gardo na matumba sa bike.

“Siguro mga naka-tatlong baligtad na ako!

“Awa ng Diyos, hindi naman grabe, nakakatulong siyempre yung helmet and then parang pagbagsak mo, kung more or less aware ka na dun sa pagbagsak so medyo nadedepensahan mo.

“’Tsaka kasama rin talaga iyon, siguro iyon yung nakakadagdag ng excitement ng travel, nung trail,” dagdag niya.

FREELANCER. Walang exclusive contract si Gardo sa GMA-7. Per show ang kanyang sistema ng pagtatrabaho sa Kapuso network, tulad nga sa current show niya na Mga Basang Sisiw.

Isa si Gardo sa mga artistang may layang magtrabaho para sa tatlong major networks— isang sitwasyon na pabor daw sa kanya.

“Kasi like may mga... kunwari base dun sa mga roles na bibigay sa iyo, meron silang mga kanya-kanyang parang nahahawakan o inaalagaan na mga istorya at saka mga roles, pag naibigay nila sa iyo, tiyempo iyon.

“At saka advantageous for you so mas maganda na rin yung tawid-tawid ka,” saad niya.

In terms of talent fee, alin ang the best para sa kanya among ABS-CBN, TV5 at GMA?

“Dito,” pagtukoy ni Gardo sa GMA-7 sabay tawa ng malakas.

Balitang maganda rin ang naging TF niya sa TV5 sa huli niyang project doon. Kaya nga from GMA, matapos ang Aso Ni San Roque ay lumipat siya pansamantala sa TV5 para gawin ang Never Say Goodbye kasama ang Superstar na si Miss Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually kumbaga, parang like yung sa opinyon ko, iyon din naman yung mga parang kinonsider ko e, nung nagpaalam ako dito sa kanila, yung talent fee,” sabi niya.

“And then like yung dahil nga si Ate Guy yung makakatrabaho ko.

“Kasi nakatrabaho ko si Ate Guy way, way back pa, e. Bituin pa po iyon e, sa kabila [Dos] pa, iyon yung ang role ko e bading.”

MGA BASANG SISIW. Pero dito sa Mga Basang Sisiw, gaganap si Gardo bilang isang mangingisda na mabait na magliligtas kay Olivia.

“Na sabi nila magiging salbahe. Made-develop ako kay Olivia, kay Lani Mercado.”

Ang atake niya sa role niya…

“Sa akin kasi basta may tina-tackle ako na role para sa akin, binibigyan ko ng guide yung sa akin para hindi ako maligaw e, like usually meron akong ginagamit na mga pegs para hindi ako maligaw.”

Working with Lani…

“Nagkatrabaho na kami ni Lani noon sa Amaya, kaya okay naman so marami na akong napagtrabahuhan.”

Hindi naman daw siya nakaramdam ng pagka-ilang na isang Congresswoman ang katrabaho niya.

“Kasi sa akin pag nag-set ako ng ganun sa utak ko, malilimitahan yung ano ko. Pag yung may ganun, kahit sabihin mo pang Presidente pa siya ng bansa, parang binigyan kayo ng isang playing field.

“Dun sa playing field na yun pantay-pantay kayo.

“Ngayon, once lumabas na kayo dun, iyon na yung kailangan na siyang i-address kung anuman siya,” kuwento niya.

Nasa Mga Basang Sisiw din bukod kina Gardo at Lani sina Mike Tan bilang si Rigor, Maxene Magalona bilang si Vicky, Maricris Garcia at ang mga “basang sisiw” na sina Renz Valerio (bilang Justin), Bianca Umali (as Faye), Kimberly Faye (as Shine), Hershey Garcia (as Cha) at Miko Zarsadias (bilang Mickey).

Gaganap namang Froilan Sebastian si Raymond Bagatsing at si Miss Caridad Sanchez bilang si Lola Lagring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa direksyon ni Ricky Davao.

JADED WITH POLITICS. Since katatapos lang ng eleksyon, naitanong naman namin kay Gardo kung bakit hindi siya katulad ng ibang artista na sabik pumasok sa pulitika.

Nagulat kami sa naging sagot ni Gardo.

“Hindi ako naniniwala, siguro masasabi ko hindi ako naniniwala sa sistema ngayon. Para kasing hindi klaro yung talagang pagsisilbi sa bayan.

“Para kasing feeling ko kung talagang magsisislbi sa bayan, parang hindi mo naman kailangang mabuhay ng luxuriously, e... kung talagang bayan yung gusto mong paglingkuran.

“So, para sa akin dapat kung iyon ang parang batayan ng nakarararami, feeling ko mas aangat yung bayan.

“Kesa sa parang kung si ganito di ba ganyan ang assets niya, kailangang iko-contest ni ano na ganyan naman yung assets niya.

“So, feeling ko mas maraming maa-achieve kung hindi ganoon yung perspective nila.

“Kaya ayaw ko,” paliwanag ni Gardo kung bakit ayaw niyang tumakbo sa pulitika.

Hindi nga siya nagagandahan sa sistema ng gobyerno dito sa Pilipinas.

“Oo, oo,” amin niya.

May mga nag-alok na raw sa kanya dati.

“Meron. Actually nung nabubuhay pa yung nanay ko, siya yung malakas ang drive na siya ang mamulitika.

“Tumakbo siya dati, sinubukan niyang maging kapitan ng barangay, sa kasamaang-palad hindi siya nanalo.

“And kumbaga ayaw na niya, tapos parang feeling niya yung dun sa sistema, parang nabibili.

“Sabi ko naman like yung sa kanya, kung overwhelming naman yung pagkagusto sa iyo ng tao kahit sabihin mong bilhin mo pa yan, hindi kakayanin.

“So, sabi ko siguro nung time na yun, hindi pa rin ganun, parang mas malakas talaga yung kalaban nung time na yun,” kuwento niya.

DIRECTING INDIE FILM. Kaya masasabi na ni Gardo na kahit sa mga darating na eleksyon ay hindi siya talaga tatakbo.

“Hindi pa rin siguro.

“Sa ngayon parang ang pinipilit kong abutin is yung makapagdirek ako ng mga pelikulang talagang sumasalamin dun sa mga sistema ng kalakaran sa gobyerno, sa lipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon po gusto ko and then binibiro ko nga si Ate Guy kasi merong akong naikuwento sa kanyang isang istorya na pupuwede sa indie film.

“And na-excite naman siya dun sa idea and mukhang gusto niyang gawin, gusto daw niyang i-produce.

Tapos binibiro ko nga siya sabi ko, ‘Tayo na mag-direk, tayong dalawa, para exciting!’

“Sabi niya, ‘Naku, naku, maraming ano pa yan!’

“Ganyan-ganyan, sabi ko, ‘Dalawa naman tayo, kaya natin yan.’

“So harinawa, sana magawa namin yun,” panalangin niya.

Wala pa siyang formal courses sa directing.

“Wala. Actually siguro mga four-five years ago kumuha ako kay Joven Velasco, kay kuya Joven, professor siya sa UP and sa kanya ako parang nag-undegro ng parang dire-directing.

“And then sa kasamaang-palad, tinawag ni Lord kaagad so hindi na natapos na yung ano.

“Parehas kami ng track of mind, na ganung klase yung mga gusto naming gawin,” pagtatapos niya sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN