Cesar Apolinario clarifies controversy over Marian Rivera’s cameo role in Dance of the Steel Bars

Cesar Apolinario on Dingdong Dantes and Patrick Bergin’s rapport during the filming of Dance of the Steel Bars: “Natuwa ako kasi ang relasyon nila sa pelikula, parang mag-tatay. Natutuwa ako na na-imbibe nila at nadadala nila kahit sa pagkukuwentuhan nila. At ang lalalim nilang mag-usap. Behind the scenes, nag-uusap sila. Nakakatuwa si Dong, Inglisero. Pinag-uusapan nila about the Philippines..."


Tatlong taon din ang hinintay ng mga direktor na sina Cesar Apolinario at Marnie Manicad bago maipalabas sa mga sinehan ang pelikula nilang Dance of the Steel Bars.

Bukas, June 12, Independence Day, ang showing ng pelikula sa SM Cinemas.

Hindi naman itinatanggi ni Cesar, na isa ring GMA News reporter, na ang naging inspirasyon nila sa kuwento ng pelikula ay ang dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC), na naka-ilang milyong hits na sa YouTube dahil sa kanilang dance numbers.

Sabi ni Cesar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong ginagawa ko ang Banal [2008], yung first film namin, napanood ko siya sa TV, sa 24 Oras.

“It was featured as dancing inmates.

"Pero a week prior to that, nakita ko rin siya sa CNN. Sabi ko, parang magandang ideya—rehabilitation through the art of dancing.

“And at that time din, nakausap ko si Marnie. Siya ang line producer na sobra talagang tumulong sa pelikula naming Banal. Ang laki ng ginawa niya rin doon.

"Kaya sabi ko, ’Sige, gawa tayo.’

"So, I went home, I sat down and wrote the sequence treatment and majority of the characters.

“Tapos yun, isinulat ko siya—may beginning, middle, ending, at mga character sketches na.

"At saka namin inupuan ni Marnie and we developed into a script.

“At first, kinausap namin ang GMA [Films] na meron kaming pelikula, eto ang pelikula namin, blah, blah, blah...

“Nagustuhan naman nila and sabi nila, ’sige, sige, hanap tayo ng puwedeng mag-produce niyan para partner.’”



SEARCHING FOR THE PRODUCER. Nilinaw ni Cesar ang impresyon na sa huli na lamang pumasok ang GMA Films sa eksena.

Sabi niya, “No, no, ganito ang nangyari… sabi nga nina Sir Joey [Abacan] at Ma’am Annette [Gozon-Abrogar], maganda ’yan kung hahanapan ng international producer.

"So, hindi pa pumapasok ang Portfolio at that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naghanap kami ng mga producers. Nagkaroon lang ng mga hindi nila nagustuhan yata.

“Finally, pumasok ang Portfolio [Films] at nakita nila ang script... in Tagalog pa yun, ha?

"Tapos, noong nakita nila, nagustuhan nila, natuwa ako.

“Si Stuart Cameron, noong nabasa niya, we met after that.

"Pero sabi niya lang, kailangang may character na foreigner na papasok sa loob na napagbintangan.

“Kaya pumasok ang character ni Frank na naging kaibigan ni Dingdong sa pelikula at ni Joey Paras.

“So, yun, natuwa ako.

"Gaya nga ng sinasabi ko palagi, sa tagal ng pelikula, para akong nag-aral ng filmmaking sa abroad.”

Ang tinutukoy na Frank ni Cesar sa pelikula ay ang Hollywood actor na si Patrick Bergin.



DINGDONG AS FIRST CHOICE. Ayon kay Cesar, ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes talaga ang “first choice” nila sa pelikula.

“That time, nag-isip din kami, kasi si Dingdong talaga ang first choice, pero wala kaming choices.

"So, ang ginawa namin, ’Marnie, ano, kung sakaling hindi puwede si Dong?’

“Kasi nga, alam namin busy si Dong. Hindi pa rin namin nakakausap si Perry [Lansigan, Dingdong’s manager] at that time.

“Noong una ngang ini-offer namin ang Banal, dalawa ang movie niya, hindi niya makakayanan.

"Kaya sabi namin, ’What if hindi puwede si Dong?’"

Patuloy na lahad ni Cesar, “So, pumasok si Aga [Muhlach]. Naisip din namin si Aga kasi magaling din magsayaw, mag-English.

“So, it’s really a toss-up between Dong and Aga.

"But definitely, si Dong talaga ang first choice namin.

“Pero at that time rin, ang dami rin ginagawa ni Aga. May pelikula rin yata siya.

“Kaya nga sabi namin, ’Kapag hindi rin puwede si Dong, paano na ’to? Wala na? Nganga na lang!’

“Documentary na lang ang gawin namin.

"Kasi, ang inisip din namin, actor na magaling magsayaw at magaling mag-English.

"Very eloquent si Dong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO GAY UNDERTONES. May eksena sa pelikula kunsaan nagsasayaw ng jazz sina Dingdong at Joey Paras.

Nag-iiwan ito ng impresyon na posibleng may relasyon ang dalawa sa loob ng kulungan o may naging kontekstong sekswal sa pelikula.

Pero paglilinaw ni Cesar, “Sa kultura sa kulungan, dahil halos lahat sa kanila napagbintangang nakapatay, iniisip na kapag magaling kang sumayaw, graceful ka, iniisip na bakla ka.

“Sa pelikula, hindi naman kailangang ipakita na bakla ka o hindi. I think, kailangan ninyong panoorin. Nasa audience.

“It’s an open-ended story.

"I think, iba rin ang pananaw ng gay community sa pelikula kapag pinanood nila.

“Pero ang pinakagusto ko lang sabihin sa gay community, iniaangat namin sila rito.”

Dugtong pa niya, “May kaibigan ako na sabi, ’Sana makapanood kami ng pelikula na tungkol sa kabadingan na hindi naghahalikan.’

"So, sabi ko, ’eto na, ito na ang pelikula. Puwedeng sa sayaw. Sayaw talaga.”

Sa preso, madalas na napag-uusapan o naipapakita sa ilang pelikula na may mga seksuwal na namamagitan sa kapwa inmates. Wala raw ganoong makikita sa Dance of the Steel Bars.

Kaya naitanong namin, hindi kaya may magsabing “kulang” sa aspetong yun ang ipapakita rin nila na buhay sa preso?

Sabi ni Cesar, “Well, ako ang masasabi ko lang sa magsasabi ng kulang, kapag ba tungkol sa kabaklaan, kailangan may sex na?

“Kapag ba tungkol sa sayaw, kailangan ipakita mo na nadidikit ang katawan ng mga tao? Kailangan ilabas ang flesh?

“Unfair for the gay continuity.

"May mga gays diyan na hindi malilibog—sorry for the word.

"May mga gays naman na... tama ba ko? I don’t know...

"Kanya-kanyang atake ’yan kasi. May kaibigan din ako na gay pero mahinhin.”



WORKING WITH PATRICK BERGIN. Kumustang katrabaho ang isang Hollywood actor na kagaya ni Patrick Bergin?

“Well, sabi nga niya, miracle ang pelikula dahil seven days, natapos namin ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Compared sa Hollywood, minimum shooting days, 40 days—independent film pa yun, ha?

“Lumaki mata niya, sabi ko, last shoot na yun.

“Alam niya na seven days, pero hindi niya alam na last na yun.

"Sabi ko, ’Okay, you’re done. Thank you very much. You can go home. You can go home to the U.S.’

“Lumaki ang mata niya. ’Is it really done?’

"Nakakatawa yung tawag niya sa akin, ’Cesar, this is a miracle!’

“Natawa talaga ako.”

Na-amaze siya?

“Na-amaze siya!”

Ang may kontak pa rin daw kay Patrick ay ang Portfolio Films, at natutuwa raw ang Hollywood actor na ipalalabas na ito at may mga nababasa siyang articles tungkol dito.

Saad ni Cesar, “Natutuwa raw siya na yung ginawa niyang pelikula ay ipapalabas daw talaga at nabuo.

"Kaya sabi ko, it can be said na talagang miracle siya.

"Ang hirap kayang mag-shoot na araw-araw, tapos sunud-sunod."

Kumusta naman sina Dingdong at Patrick habang ginagawa ang pelikula?

Ayon kay Cesar, “Natuwa ako kasi ang relasyon nila sa pelikula, parang mag-tatay.

"Natutuwa ako na na-imbibe nila at nadadala nila kahit sa pagkukuwentuhan nila. At ang lalalim nilang mag-usap.

“Behind the scenes, nag-uusap sila.

“Nakakatuwa si Dong, Inglisero. Pinag-uusapan nila about the Philippines.

“Biglang may tatawag, biglang tahimik. Alam mo yung nagbabago ang tono?

"Ang tagal... alam mo namang walang ginagawa, so nag-e-excuse siya kay Patrick.

“Tapos, ang nakakatawa, pagdaan ko, sasabihin ko, ’Marian ’yan, ano?’

"Nakakatuwa. Mahal niya si Marian talaga.

"Ako, naramdaman ko yun noong nandoon kami kasi walang panahon na hindi siya [Dingdong] tumawag kay Marian.

"And I’m glad, DY [DongYan, Dingdong-Marian fans] ako.”



MARIAN’S CAMEO ROLE. Binigyang-linaw rin ni Cesar ang tungkol sa cameo role ni Marian Rivera sa Dance of the Steel Bars.

Sabi niya, hindi raw dapat sisihin ang dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo kung tinanggal man nila ito noong una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Cesar na may pagkukulang sa parte nila nang hilingan nila ng cameo si Marian.

“Alam ninyo, yun ang gusto kong i-clear. Hindi dapat sinisisi si Popoy kasi walang kasalanan yung tao.

"Ang nangyari niyan, si Marian, dumalaw dahil boyfriend si Dingdong.

“Kaming nandoon—ako, na-starstruck ako noong si Marian Rivera nandoon, di ba?

“Tapos, natuwa ako noong itinuro niya ang t-shirt, isinuot niya ang t-shirt. Nagkatuksuhan lang na, ’Ano, ano, eksena, eksena...’

“Team decision yun. Noong napagdesisyunan na, inisip ko ang eksena.

"So, sabi ko, ganito na lang, nakakatuwa, pumasok siya sa storyline. Napakaikli lang no’n.

“Ang mali, hindi nakapagpaalam. Hindi nasabi.

"Kasi nga, siguro overwhelmed na kaming lahat.

“At sana lang, huwag sisihin si Popoy, wala siyang kasalanan.

"Hindi niya pinatanggal. Kami ang nagtanggal. Kasi, hindi pumayag.

“Unang-una, walang sinabi si Popoy na, ’Tanggalin n’yo ’yan.’ Hindi pinatanggal.

"Siguro ang tamang term, hindi pumayag.

"Nakakahiya rin naman kasi kay Popoy.”

Bilang manager nga naman noon ni Marian, may karapatan si Popoy sa anumang magiging desisyon niya lalo na sa trabaho ni Marian.

Hindi na rin naman daw sila nakiusap pa noon sa dating manager ni Marian.

Sabi nga niya, “Nakakahiya rin kasi sa akin noon, ang makiusap. Unang-una, may mali ako, may mali ang team.”

Alam lang daw talaga ng mga fans nina Dingdong at Marian ang pagka-cameo ni Marian sa Dance of the Steel Bars, at ang mga ito raw ang nag-message sa kanya na ibalik ang maikling eksenang yun ng idolo nila.

Kuwento pa rin ni Cesar, “Nag-DM [direct message] sila sa akin na, ’Direk, ibalik n’yo na po, iba na ang manager ni Marian.’

“Sabi ko, ’Is it really true? Kaya bang gawin yun?’

"Tapos noong ano na, sabi nila, kakausapin nila si Marian, yung mga DYs ha.

“Kinausap si Marian at ang sagot daw ni Marian, ’Ay, oo nga! Sige, sige, ako ang bahala diyan. Kausapin ko si Dong.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ang daming tumulong din. It’s not really DYs alone.”

Ayon sa director, isa rin daw siyang DY fan kaya siya raw mismo, gusto niyang makita at mapanood sina Dingdong at Marian na magkasama.

“DY rin ako, e!” natatawang sabi niya.

“Ang ganda nilang tingnan. Napaka-positive. So, I want to see them on the picture.”



IMPRESSED WITH DINGDONG’S PERFORMANCE. Ang pelikula ni Cesar noon na Banal ay nanalo ng ilang rekognisyon at awards.

Dito sa Dance of the Steel Bars, ano ang mga inaasahan niya?

Umaasa rin ba siya ng awards at posible rin kayang magbigay ng panibagong Best Actor trophy kay Dingdong ang pelikula?

Sabi ni Cesar, “Ako, para sa akin, dahil unang-una, pinilit ko talaga siyang makasama. Kasi, gusto ko ang craft.

"Naniniwala ako sa pagiging sensitibo ni Dong sa craft niya... sa pagiging passionate niya.

“At ang pinakaimportante kay Dong, yung kabutihan ng ugali na tingin ko, siya ang papasok sa ginagawa namin.

“Nag-exceed pa ang expectation namin kay Dong dahil noong pinanood ko ang pelikula, very natural lang.

“At ang Banal, graded B sa CEB and this one, got A.

"Ako, mas naniniwala akong totoong-totoo ang pelikulang ito dahil totoo siyang nangyari.

“Nandiyan ang Cebu Dancing Inmates. Fictional ang character but the story itself is there. At totoong-totoo, very real.

“Natuwa ako dahil si Dong, naibigay niya ang lahat nang walang reklamo. Yun pa pala ang isa—walang reklamo.

“Kapag sinabi namin, kahit antok na antok siya, kapag sinabing, ’Shoot tayo Dong,’ tayo siya. Hindi siya nagrereklamo.

“Ang character niya, di ba, galit, may angst?

"Pero sa shoot, hindi ko siya nakitang ganun. Na-separate niya yung real sa non-real world.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN