Kiray Celis jokingly complains about screen partner Igi Boy Flores: “Wala na ba akong ibang lalaki? Nakakasawa na rin kasi.”

Kiray on her one and only showbiz crush Sam Milby: “Isa lang naman talaga ang gusto ko o crush ko sa showbiz. Isa lang naman talaga— si Sam Milby. Si Kuya Sam kasi, sa Pinoy Big Brother (PBB) pa lang siya ay ganun na siyang ka-gwapo. Hindi siya nagbabago.”


Ikinuwento ng young character actress/comedienne na si Kiray Celis sa isang episode ng Banana Nite sa ABS-CBN kung paano niya na-acquire ang kasalukuyan niyang screen name.

Ang kanyang tunay na pangalan ay Johanna Ismael Celis.

“Ewan ko kina Direk Bobot [Edgar Mortiz], e.

“Hindi, kasi yung may-ari ng inuupahan naming bahay nung sumasali pa ako sa Munting Miss U… mga four years old pa lang ako na kaya ako sumali dun para may pangbayad kami sa upa ng bahay.

“Ang pangalan niya ay Aling Kiray. Kaya hayun, naging si Kiray ako,” panimulang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bata pa raw siya ay mataas na ang kanyang ambisyon.

Pag-amin ng Goin’ Bulilit alumna, “Bata pa lang ako gusto ko nang yumaman.

“Pero, kung ano ako ngayon, ako yun.”

Kilala bilang magaling na artista si Kiray lalung-lalo na sa mga papel na mataray o kontrabida.

DREAM ROLE. Meron ba siyang dream role?

Tugon ng batang aktres na nakilala ng marami sa mataray niyang role sa Agua Bendita, “Actually, marami nga ang nagtatanong sa akin kung ano pa raw ang dream role ko.

“Gusto ko si Esther ng The Orphan. Gusto ko yung pumapatay.

“Gusto ko yung mahihirap. Hindi lamang yung mga inaapi-api. Tapos, may dark side din. Yung mga tipong ganun,” pag-amin niya.

DREAM LEADING MAN. Kung sakali mang mabigyan siya ng pagkakataon na maging bida, sino naman kaya ang gusto niyang maging leading man?

Nangingiting pag-amin ni Kiray, “Isa lang naman talaga ang gusto ko o crush ko sa showbiz.

“Isa lang naman talaga—si Sam Milby.”

Bakit si Sam? Ano ang nakita niyang katangian nito para maging ultimate crush niya.

Nangingiti pa rin siya, “Si Kuya Sam kasi, sa Pinoy Big Brother (PBB) pa lang siya ay ganun na siyang ka-gwapo. Hindi siya nagbabago.”

Kasama si Kiray sa bagong show na Luv U ng ABS-CBN kung saan si Igi Boy Flores pa rin ang katambal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sana may bago. Lagi ko ngang inaasar ang mga kasamahan ko na, ‘Wala na ba akong ibang lalaki?’

“Oo, nakakasawa na rin kasi.

“Mukha siyang cartoon, di ba?” natatawang pagbibiro niya.

Sabi pa niya, “In a good way din naman. Yun nga yung nakakatakot, yung in a good way

“Si Igi kasi para siyang hindi normal na tao pero normal siya.”

Kung meron namang ipapalit na ibang guy at may choice talaga siya, sino naman ang pipiliin niya?

Saad ng feeling choosy pero nagbibirong si Kiray, “Wala, e. Si Sam Milby lang talaga.

“Pero, napaka-imposible naman ng hiling ko. Para akong nananaginip lang.”

SCARIEST DREAM. Speaking of panaginip, ano namang klaseng panaginip ang maaaring matakot siya ng husto?

Mabilis na sagot ni Kiray, “Yung tungkol sa pamilya ko. Yung panaginip na parang pinapatay ako ng kapatid ko.

“Siguro ganun. Pero, wala naman ako ganung panaginip kasi siguro dahil masaya ako ngayon.

“Yung ang dapat, ini-enjoy ang buhay kasi life is short.”

INDIE FILM. Sa ngayon ay busy siya sa paggawa ng isang indie film.

Kuwento niya, “Ay, oo. Ito yung Bangungot with Empress Schuck. Sana abangan nila at siyempre, ang Luv U after ASAP,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN