Toni Gonzaga admits to meddling with sister Alex’s life: “Hindi po talaga na pakialamera ako… may pagka-lang.”

Ito ang paliwanag ni Toni Gonzaga tungkol sa pakikialam niya sa buhay ng nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga: "Parang meron kang sarili mong parang malasakit, na alam mo kung ano yung makakabuti para sa kapatid mo. Kasi kapamilya ka, e… wala ka namang hinahangad na hindi maganda para sa buhay. Kung puwede lang naman sana silang makinig sa iyo… nasa kapamilya naman po namin yun kung makikinig sila sa amin o hindi. Pero bilang isang kapamilya, sa tingin ko,


Isa si Toni Gonzaga sa apat na bidang babae sa 20th anniversary offering ng Star Cinema, ang Four Sisters And A Wedding.

Tungkol sa pamilya ang tema ng pelikula kunsaan tampok din sa sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Enchong Dee. Ito ay mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa presscon ng light drama-comedy movie na ginanap kagabi, June 9, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni.

Sa pelikula, bunsong kapatid ng apat na aktres si Enchong at tututulan nila ang pagpapakasal nito sa napupusuang babae.

Ayon kay Toni, madaling matanggap na nakababatang kapatid niya sa pelikula si Enchong dahil sa koneksiyon ng young actor sa tunay niyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Paliwanag ng TV host-actress, “Kasi si Enchong po, kaibigan talaga ng kapatid ko, si Alex.

“So, madalas ko na siyang nakikita at nakakasama dahil sa kapatid ko.

“Pero pakiramdam ko, kapatid ko na talaga siya in real life, kasi wala kaming kapatid na lalaki… so pasado siya.”



NO MALE SIBLINGS. Natanong ang female cast ng Four Sisters And A Wedding kung sa tunay na buhay ay pakikialaman din ba nilaang kanilang kapatid pagdating sa pagpapakasal.

Sa kanilang apat, si Bea lang ang talagang may kapatid na lalaki.

Walang kapatid na lalaki si Toni, pero aminado siyang pinakikialaman niya ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid na si Alex.

Paliwanag niya, “Kasi po, sa kultura po ng Pilipino, dahil ang pamilyang Pilipino naman po ay talagang close yung family ties, talaga pong hindi maiiwasan—mula sa mga magulang hanggang sa mga kapatid—ang makialam sa pamilya nila.

“Ako po, may kapatid akong nakakabatang kapatid sa akin at hindi ko ipagkakaila na nakikialam po talaga ako.

“Hindi po talaga na pakialamera ako… may pagka-lang,” nangingiting sambit ni Toni saka nagpatuloy.

“Pero ano kasi yun, parang meron kang sarili mong parang malasakit, na alam mo kung ano yung makakabuti para sa kapatid mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapamilya ka, e… wala ka namang hinahangad na hindi maganda para sa buhay.

“Kung puwede lang naman sana silang makinig sa iyo… nasa kapamilya naman po namin yun kung makikinig sila sa amin o hindi.

“Pero bilang isang kapamilya, sa tingin ko, hindi po nawawala sa kultura ng mga Pilipino ang makialam sa buhay ng kapamilya nila.

“Hindi naman dahil sa gusto lang makialam, kundi dahil sa sobrang pagmamahal—yun po ang tingin ko.”



INFLUENCE. May bearing ba ang mga komento ng kanilang mga nakakabatang kapatid sa lovelife nila?

Sagot ng The Buzz co-host, “Wala po, nagse-say-say-an lang siya… pero wala po talaga.”

Paglilinaw pa ni Toni, “Tatlo kasi kaming may say [sinasabi] sa bahay.

“Una, ang mommy ko, pangalawa ang daddy ko, pumapangatlo lang ako… so hindi talaga siya [Alex] makaka-say.

“Pero sa mommy at daddy ko, may bearing naman yung sinasabi nila.

“Ang isa po sa kinalakihan ko sa bahay namin, ang laging sinasabi sa akin ng daddy ko, ’Oo, experience is the best teacher, but never ever let experience teach you… kasi na-experience mo na.’

“Kaya raw sila nandoon, kaya raw sila mga magulang, binigyan sila ng discernment ng Diyos para, as much as possible, makaiwas.

“Pero hindi naman daw talaga one hundred percent sure na maiiwasan ng mga anak o ng mga kapatid.

“Yun, may bearing naman. It really matters, pero umasa naman ako kay Enchong na nasa tao po yun, kung makininig o hindi.”



OVERALL GAINS. Ramdam ang kakaibang bonding ng cast ng pelikula kaya natanong sila kung ano ang kanilang memorable moments habang ginagawa ito.

Sagot ni Toni, “Overall, it’s one of the best experiences I had this year.”

Naalala pa nga ng Kapamilya TV host-actress ang isang pangyayari bago niya tinanggap ang pelikula na siya niyang ikinuwento sa presscon.

“Actually, honestly, natatakot po ako noong unang inalok po ito nina Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director]… natatakot po talaga ako na sumama sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, ang mga makakasama mo, mahuhusay na dramatic actress—sina Bea, si Angel, si Shaina.

“Buti na lang, nagkaroon ng comedy. Paano na lang kung puro drama ito? E, di patay-patay ako!

"Pinagbi-bake ko na lang sila para tulungan nila ako sa tips.

“Yun nga po, I gained tips in acting from these three.

“I gained so much knowledge, I gained friends, I gained so much experiences.

“I did not gain weight... I gained eyebugs sa shooting na magdamagan!

“Pero overall, it was one of the best projects na nasagutan ko na nag-‘yes’ ako…

“Because I learned so much about families, about relationships, about working sa mga three great actresses and actor—mas natuto ako.

“Kasi, dati po, pag gumagawa ako, di po ba, pag love story, isa lang yung ina-adjust-an mo? Yung leading man mo?

“Dito, natuto ako na... puwede ka palang mag-adjust sa pambabae, sa pambabae, sa panlalaki, sa director ko.

“So, naging magandang experience ito, babauin ko ito.

“Because it has humbled me, it has made me grateful after working with all of them.”



IMPACT. Sa tanong kung ano ang most favorite project na nagkaroon ng significance sa buhay nila, medyo umiwas si Toni noong una.

“Lahat favorite ko! Kasi, ang dami kong natutunan doon, e,” paliwanag niya.

“Pero ang pinaka tumatak sa akin na hindi ko makakalimutan ay yung first movie ko kay Direk Cathy, yung You Are the One. [2006].

“Kasi, inupo ako ni Direk Cathy… sinabi niya… doon ko naramdaman na importante pala yung pelikula sa buhay ng artista.

“Akala ko po kasi shooting-shooting. Akala ko may proyekto, may ganoon.

“Hindi ko alam yung konsepto ng pelikula na dapat pinapanood… binabayaran pala yung tiket… kailangan kumita yung pelikula.

“Doon ko naramdaman na, ’Ganito pala yung gumagawa ng pelikula.’

“So, doon ko na-realize na ito ang isa sa mga bagay na gusto kong gawin—ang umarte sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DRAMA VS. COMEDY. Komo magagaling sa drama ang mga kasama ni Toni, hindi naman niya itinanggi na nakaramdam siya ng takot o nerbiyos.

Saad niya, “Sinabi ko po talaga yun kay Direk Cathy noong naupo kami sa office ni Tita Malou.

“Unang upo ko pa lang talaga, ‘Direk, hindi ko kaya yung mag-drama… yung sasagad talaga ng mga dramahan talaga.’

“Unang-una po talaga, alam ‘yan ni Direk Cathy, yung back story ng pamilya namin.

“Hindi kami pinalaki ng daddy ko na iyakin. Bata pa lang kami, pag papaluin, kailangang magpigil ng luha.

“So, pag papaluin… mas tinuruan kaming huwag maawa sa sarili.

“Hindi ba, yun ang nakakapagpaiyak sa iyo—pag nag-self pity ka na?

“E, hindi kami tinuruan na mag-self pity, kaya hirap na hirap ako talaga.

"E, alam naman po yun ni Direk Cathy.

“So, isa po yun sa mga concerns ko. Kaya noong sinabi naman na light, noong nakarinig ako ng light, ‘O, pasok na!’

“So, yun na po yung nagsabi sa akin na, ‘O, puwede naman…’ Pero ang dami kong natutunan dito.

“Pag tinitingnan ko si Bea, si Angel, si Shaina, kung paano mag-motivate…

“Noong nagsu-shooting nga kami, si Shaina yung dapat na iiyak , e, ako yung naiyak.

“Kasi, ganoon kagaling sila—hindi naman ako yung iiyak pero ako yung naiyak.”

Umayon naman si Toni na forte niya ang comedy at doon siya bumawi sa mga punchlines sa pelikula.

“Doon na lang talaga,” sambit niya. “Pero ang dami kong natutunan."

"Sinabi ko naman kay Direk Cathy na hindi ko minamadali.

“Sa process naman, as you go through life, di ba, mas marami naman yung pinagdadaanan mo?

“Hindi… ang ibig kong sabihin, di ba sa actress naman, ang dami niyang natututunan every project?

“So, yun siguro, mahahasa naman siguro pagdating ng panahon… pag fifty years old ko na siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LONGEST RELATIONSHIP. Nasentro ang tanong tungkol sa posibilidad ng pagpapakasal ni Toni.

Kumpara kasi kina Angel (with Phil Younghusband) at Bea (with Zanjoe Marudo), ang relasyon ni Toni kay Direk Paul Soriano ang pinakamatagal.

Hindi agad nakapag-comment si Toni dahil agad na ibinalita ni Bea na si Toni raw ang kakanta kapag ikakasal siya.

Sabi ni Toni, “Kita mo, ha? Sa dami ng singer, ako yung napili ni Bea!

“Kulang na lang ilagay ko sa kontrata na sinabi niya ako ang kakanta sa kasal ni Bea… ako talaga?

“Pag hindi ako natuloy sa kasal ni Bea, i-write up mo, ha? Sinabi niya kakanta ako.

“Kahit sa reception, dapat maka-awit ako, kahit sa lobby lang—to welcome the guests.

“Usherette pala ako doon?” sunud-sunod na biro sabi ni Toni habang nangingiti.

Bumawi naman ng comment si Bea na dapat daw si Toni ang unang ikasal. Pero umiling ang host ng The Voice of the Philippines.

Sabi niya, “Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Pero madalas kaming mag-usap-usap kasi mga babae kami… about dream wedding, dream destination, kung ano ang gustong tema.

"Pero hindi pa talaga… kasi… ewan ko?

“Parang ‘etong henerasyon na ito, ewan ko, ha? Pero this generation, parang hindi nagmamadaling magpakasal.

“Kung papansinin ninyo, wala pa sa amin ang gustong lumagay sa tahimik.

“Gusto namin ang lumagay sa maingay… gusto pa namin ng maingay, ayaw pa naming manahimik!

“Priority namin ang magtrabaho!” giit niya.



DISAPPROVE. Dahil tungkol sa pagpigil at pagtutol sa kasal ang tema ng pelikula, paano kaya kung sa tunay na buhay ay may pumigil sa lalaking pakakasalan nila?

Sagot ni Toni, “Depende po kung sino ang pipigil sa kasal. Kung mga nasa kanto lang, e, bakit ko naman ititigil ang kasal?

“Ano naman ang pakialam noong mga tao sa kanto namin, bakit ayaw ninyo kaming ikasal?” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung magulang? Dalawang magulang ang talagang…

“Sa akin kasi, malaking factor talaga na… ewan ko… talagang sinabi sa akin ng daddy ko na, so far, sa lahat ng history na pinanood niya at sa history ng mga nakilala niya, hindi pa nagwu-work yung you and me against the world.

“It may work ten, fifteen years after or after a while… pero hindi.

“Kasi, walang blessing ng magulang.

"Importante sa akin yung blessing ng magulang.

“So, kung mapigil, mapipigil sa sandali, pero makikiusap… makikiusap… makikiusap… hanggang sa pumayag sila.

“Pero kung talaga namang ayaw, magrebelde na lang!” joke uli ni Toni.

Pero nakiusap itong bawiin ang kanyang huling sinabi.

“Mali-mali! Huwag mong isulat yun! Magagalit si Mommy Pinty! Sasabihin niya, kung ano na naman ang pinagsasagot ko!

“Alam mo na, boldyak ako pag-uwi. So, please erase na lang yun.

“Hindi, hindi… importante ang opinion ng mga magulang, makinig sa mga magulang—yun ang last na isulat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN