Julia Barretto on being groomed as next big star of ABS-CBN: “Nakaka-pressure siya, of course."

Bagamat nagsisimula pa lang si Julia Barretto sa mundo ng showbiz ay nagsisimula na rin ang pagsulpot ng mga intriga at kontrobersiya, hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya. Ngunit ayon kay Julia ay napaghandaan na niya ito. Sabi ng young actress, “In this business, alam mo na it’s something that, you know, will come your way. So I prepared myself and said, I’m ready and I’m strong and I have God. I have my family and I have my fri


Bago sumabak si Julia Barretto sa kanyang first starring role sa isang teleserye, susubukan muna ang kakayahan niya bilang isang aktres sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Sa live interview niya sa The Buzz kahapon, June 9, ay binati muna ng host na si Boy Abunda ang hindi maipagkakailang kagandahan ng young actress.

Sanay na ba si Julia tuwing naririnig niya ang ganitong papuri?

Natatawang sagot ni Julia, “Hindi naman, hindi naman! Nakaka-flatter pa rin siya. Maganda siyang pakinggan.”

Sa hanay ng Star Circle Batch 2013, sinasabing si Julia ang pinakamalakas.

Kuwento nga ni Boy, noong hapon na iyon sa dressing room, may narinig daw siyang nagsabing walang dahilan para hind maging superstar ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Nakaka-pressure ba ito para kay Julia?

Sagot niya, “Nakaka-pressure siya, of course.

“Kasi, parang ang dami nilang ini-expect from you. They have mga predictions na… yung ganun.

“Sometimes, na-pressure ako na parang, ‘Hala, kailangan ko ‘tong maabot para hindi ako maka-disappoint!’

“Pero, at the same time, may focus din.

"I really wanna do good muna. Show everybody na meron naman akong maibubuga, di ba?

“Sometimes, I don’t wanna even think of the pressure.”

Gaano ba niya kagusto ito?

“So much, Tito Boy, I can’t explain,” tugon ni Julia.

Bakit niya gusto?

“Bakit? Yun talaga ang question na hindi ko maa-answer ever.

“They’ve asked me that so much time: ‘Julia, why do you wanna act? Julia why do you wanna do this?’

“Tito Boy, I never know what to answer.”



JULIA ON MMK. Sa June 15 mapapanood ang episode na tatampukan ni Julia sa MMK. Ano ang espesyal dito bukod sa ito ang una niyang “starring role” sa MMK?

“Dream ko talaga ‘to,” sambit ni Julia.

“Dream ko talaga na makagawa ng MMK episode. Opportunity siya and not everybody gets to be on MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, very special and very happy, very thankful.”

Naghanda raw talaga si Julia para rito. Dumaan din daw siya sa workshop bago mag-taping.

Dagdag niya, “I pray hard. Sabi ko kay Lord, ‘Lord, tulungan Mo ako that I deliver my lines well. I perform well.’”

Humingi ba siya ng tulong sa mommy niya, sa mga tita niya?

Ayon kay Julia, “Kinausap ko ang mom ko.

“Sabi ko, ‘Mom, I’m so nervous…’ the night before taping.

“Tapos sabi niya, ‘Julia, pray ka lang. You’re doing this because God believes na kaya mo.”

Wala raw leading man si Julia sa episode niya sa MMK. Walang Khalil Ramos at Julian Estrada.

Pero ang tanong: Seryoso ba talagang nanliligaw sa kanya ang dalawang Star Magic boys na ito?

Natatawang sabi ni Julia, “Ask them, Tito Boy! I can’t answer that naman.”

COFRADIA. Tungkol naman sa una niyang pagbibidahang teleserye, ang Cofradia, may balitang baka hindi raw ito matuloy dahil sa isyu ng racism. Ang role kasi dito ni Julia ay isang babaeng maitim.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ng young star, “Tuloy po naman ang Cofradia. I’ve been taking workshops actually.

“For me, anyone who can say on that problem naman is the management.

“Pero, for me, sana huwag munang i-judge yung story. Sana panoorin muna bago may opinion na about it.

“Pero, we have storycon na and may matututunan. People of my age and parang pang-pamilya na rin siya."



BARRETTO CONTROVERSIES. Sa mga isyu naman na kinasasangkutan ng kanyang pamilya—sa kanyang mommy na si Marjorie, sa kanyang mga tita na sina Gretchen at Claudine Barretto—nasaan si Julia?

“Right now, I’m so blessed. I’m so happy na wala akong time to even pay attention to the mga controversy.”

Pero alam niyang mapupunta rin siya doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m gonna get there, but I have to stay strong.

“In this business, alam mo na it’s something that, you know, will come your way.

“So I prepared myself and said, I’m ready and I’m strong and I have God. I have my family and I have my friends.”

Sa pinagdaanan ng ina niyang si Marjorie nitong mga nakaraang linggo, ano ang gusto niyang sabihin dito?

“I love her and she’s very strong. Sobrang proud!

“She’s so strong, especially for her children, that’s why we’re very strong.”

Sa kanyang pamilya, ano ang dasal niya?

“Sometimes, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin.

“Lord, I hope, one day, everything will be okay again. And I believe everything will be okay again.”

Everything will be okay again, saan?

“Sana magkaayos. Sana…” sabi ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN