Ruru Madrid stars in his second indie film; joins cast of Anna KareNina

Ayon kay Ruru Madrid, okay lang kung sino ang ipareha sa kanya bilang ka-loveteam. Pero kung siya ang masusunod, "Siguro si Barbie [Forteza] dahil nakasama ko na po siya, close po kami.”


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong weekend sa Panglao, Bohol ang Kapuso teen star at Protégé runner-up na si Ruru Madrid.

Napag-alaman namin na ilang araw na si Ruru sa Bohol dahil ang ibang eksena niya sa indie film na Bamboo Flowers ay doon kinuhanan.

Isa si Ruru sa mga bida ng Bamboo Flowers na entry ni Maryo J. de los Reyes sa Sineng Pambansa Masters’ Edition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kakaibang karanasan daw para kay Ruru ang makagawa ng pelikulang tulad ng Bamboo Flowers.

Saad niya, “Masaya po siya na nakakapagod.

“Siyempre po, kahit naman po ano na gumagawa ka ng indie o teleserye, nakakapagod.

“Pero masaya, kasi alam mo na makakapagpasaya ka ng mga tao at mga makakapanood nito.

“At siyempre, palagi rin po kaming namamasyal.

“Yung mga magagandang tanawin po rito, pinupuntahan po namin, so masaya pong talaga.

“Para na rin siyang bakasyon—palagi pong may rest day.”

STORYLINE. Ano ang karakter na ginagampanan niya sa Bamboo Flowers?

“Isa po akong folk dancer and folk singer. Kapag may mga tourist, sasayawan niya at kakantahan.

“Tapos, palagi siyang nananalo ng mga awards na best in dancing, best in singing...

“Lolo ko po rito si Mr. Spanky Manikan, isinasama ko po siya. Pero nagalit po ang mother ko, si Ms. Irma Adlawan.

“Hanggang sa lumipat po ako sa isang mall at may nakakita po sa akin na kumakanta sa videoke…

“May nag-post sa YouTube at hanggang sa pinasali po ako sa Pinoy Protégé.

“May malungkot lang pong nangyari noong nasa contest na po ako.”



MANAGER-DIRECTOR. Ang director ng Bamboo Flowers ay si Maryo J. de los Reyes na tumatayong manager din niya.

Kumusta naman na sa unang pagkakataon ay naidirek siya ni Maryo?

Sabi ni Ruru, “Siyempre po, masaya dahil si Direk Maryo yung tipong director na tutulungan ka… maski na kung paano ka ide-deliver [yung lines], paano mo ito gagawin... kaya marami po akong matututunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, nakakatakot din dahil si Direk Maryo ang isa sa mga director na nakakatakot.

“Pero siyempre po, kaya lang naman po ganoon, kasi concerned lang siya sa mga artista niya.”

Mahirap ba na ang manager niya ang kanyang direktor?

“Siguro po, for me… konti. Kasi, mas napi-pressure po ako,” pag-amin ni Ruru.

“Kailangang ibigay ko ang best ko rito dahil manager ko ito at the same time, director.

“Pero si Direk Maryo naman po, maasikaso pagdating sa artista niya.”



INFLUENCE. Nang makita namin sa Bohol si Ruru, ang kasama niya ay ang kanyang ama na si Bong Madrid.

Napag-alaman namin na dating modelo at sumali sa Ad Faces noong 1997 ang ama ni Ruru.

Ang daddy niya rin ba ang isa sa nagkumbinsi kay Ruru na mag-artista?

Sabi ng binata, “Actually, wala po talagang nag-suggest na mag-artista.

“Bata pa lang po talaga ako, inisip ko na gusto kong umarte sa TV, yung ganoon.

“Kaya habang tumatanda ako, dumating sa point na nagmu-model-model na ako, inisip ko rin na gusto kong mag-artista.

“So, yun, wala naman po silang sinuggest sa akin na mag-artista ka.

“Hindi rin naman nila ako pinipigilan, talagang sinusuportahan po nila ako.”

May mga nabago na ba sa buhay niya mula nang maging artista siya?

Ayon kay Ruru, “Actually, wala naman pong nabago sa akin… siguro konti.

“Kasi, nagagawa ko naman ang gusto ko. Hindi naman po ako pala-gimmick.

“Ang ginagawa ko lang, basketball, e. Palagi naman po akong nakakapag-basketball, nakakapag-PS3… laro-laro.

“Although siyempre, kapag may taping, pahinga lang po sa bahay.

“Ang nabago lang po siguro, pupunta ako ng mall, may nagpapa-picture. At saka, may trabaho na po ako.

“Tapos, yung school ko po, regular pa rin.”



GOOD BREAKS. Ikalawang indie film na rin ni Ruru ang Bamboo Flowers. Nauna rito ang Above The Clouds kunsaan nakasama naman niya ang rock legend na si Pepe Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa fantaseryeng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa at pelikulang My Lady Boss, masasabing marami na ring nagawang proyekto si Ruru kumpara sa mga kasamahan niya sa Protégé.

Sabi ni Ruru tungkol dito, “For me po kasi, hindi ko naman iniisip yung ganoon.

“Sure naman po ako na ang GMA Network, hindi pababayaan sila Jeric [Gonzalez], Thea [Tolentino], Mikoy [Morales].

“Tingnan ninyo po, even yung mga hindi nakasama sa finalist, nagkakaroon sila ng show.”

Nararamdaman ba niya na mas marami siyang mga proyekto kumpara sa mga ka-batch niya?

Sagot ng 15-year-old actor, “Siyempre po, nakikita ko rin po yun. Pero yun nga po, hindi naman po sila pababayaan ng GMA.”

Wala bang naiinggit sa kanya?

“A… wala pong ganoon sa amin. Simula Protégé pa lang po, pinag-uusapan na namin ‘yan.

“Lalung-lalo na po noong tatlo na lang kaming boys, sabi namin sa isa’t isa, ‘Pre, kahit sinong manalo dito, walang iwanan.’

“Kaya nangyari talaga ‘yan. Sinabi namin, yung Protégé, bonus na lang yung pagkapanalo.

“Mas ang inisip namin, yung career namin after ng Protégé dahil yun pa lang po ang simula namin.”

Bukod sa kanyang bagong pelikula, may bagong teleserye na rin si Ruru sa GMA-7.

Kasama siya sa Anna KareNina, pero hindi na bilang leading man ng mga bidang sina Barbie Forteza, Krystal Reyes, at Joyce Ching.

Mas prayoridad daw niya ang Bamboo Flowers, pero nagulat siya nang malaman na kasama rin siya sa Anna KareNina.

Ayon kay Ruru, “Surprise pa po yung role.

"Kaya nga po kahit sa Twitter, hindi ko pa po tinu-tweet yung role.

“Pero ang sabi po, pagbalik ko raw po galing ng Bohol, mag-start na rin daw po ako ng taping.”

Nanghinayang ba siya na hindi siya ang isa sa male lead stars sa Anna KareNina?

“Hindi naman po... siyempre may konting, ‘Ay, sayang.’ Pero naisip ko rin po na okay lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ang pelikulang ito, may magandang mangyayari… ilalaban din po nila sa international film festival.”



LOVETEAM. Ang pagiging teen leading man ang sinasabi raw ng GMA Artist Center na gusto nilang maging career path ni Ruru.

Pero sa ngayon, wala siyang masasabing ka-loveteam talaga.

Ayon kay Ruru, “Yung loveteam po, importante pong talaga sa isang teenager.

“Kasi, kapag nag-click ka sa loveteam mo, ibang klase, talagang sisikat po.”

Kung siya ang masusunod, sino ang gusto niyang maka-loveteam?

“Wala naman po talaga akong iniisip na gusto kong maka-loveteam at saka hinahayaan ko na lang po ang GMA.

“Pero kung ako po talaga, siguro si Barbie [Forteza] dahil nakasama ko na po siya, close po kami.”

Pagdating naman sa mga iniidolong artista, ang mga batikang artista raw ang tinitingala niya.

“Ang mga idol ko talaga, sina Christopher de Leon, Phillip Salvador—yun po talaga ang mga idol ko.

“Pero pagdating sa performing, like sa Party P, ang talagang idol ko, sa foreign, sina Justin Bieber, Chris Brown.”

Noong mawala ang Party Pilipinas, ano ang naramdaman niya?

“Siyempre po nalungkot ako. Kasi bago pa lang po ako sa Party P, wala pa pong isang taon.

“Nagsasayaw, kumakanta po ako, kaya ang sarap sa pakiramdam kapag nagpe-perform ka.

“E, ngayon po, kababalik ko lang dahil galing nga po akong Bohol.

“Bigla naman pong nabalita na mawawala kaya nalungkot din po ako.

“Tapos po, itong Sunday All Stars na ipapalit po, kasama pa rin naman po ako.

“Kaya inisip ko na lang po na siguro po, maganda naman po yun."



FANS DAY. Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP kay Ruru, nalaman namin na kahit baguhan pa lang siya, marunong na siyang magpahalaga sa kanyang mga tagahanga.

“Ako po kasi talaga, mahilig akong mag-tweet… ina-update ko ang mga fans."

Sa kanya rin namin nalaman na may in-organize siyang fans day na ginanap kahapon, June 9, sa Pavilion, Marikina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may Party Pilipinas, pinapapunta ko rin po sila.

“Actually, naisip ko ito, kasi, marami po akong mga fans na malalayo.

“Meron po akong fans sa Visayas, Mindanao… pupunta po yung iba.

“Mga taga-Tagaytay, mga ganoon pa po. Naisip ko po, gusto kong ulitin tulad noong Protégé.

“Kasi, kahit taga-Tagaytay noon, pumupunta sila sa studio.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN