BB Gandanghari insists on being called by her new name: “Please lang, call me BB, not Rustom!”

Nandoon pa rin ang pagnanais ni BB Gandanghari na magkasundo sila ng kapatid na si Robin Padilla. Sabi ni BB, “Gusto ko sana, pag dumating yung ganoong pagkakataon na magkaayos kami… ayoko na magkakaroon pa ng mga drama-drama, ‘wag na ‘wag na—ayoko noon.”


Hindi natutuwa si BB Gandanghari tuwing may tumatawag pa rin sa kanya ng "Rustom Padilla."

Ito ang naging pahayag ni BB nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman sa Studio 6 ng GMA Network.

Saad niya, “I feel offended kapag tinatawag nila akong Rustom.

“Hindi ko kasi alam kung niloloko ako ng tao kapag tinatawag nila ako sa dati kong pangalan.”

May katagalan na rin na iba na ang hitsura ni BB—mula sa pananamit hanggang sa pagsasalita.

Kaya naman, ani BB, “Sa hitsura ko naman kasi ngayon, ibang-iba kay Rustom noon, kaya bakit nila ako tatawagin sa dati kong pangalan?

“Mas maganda sigurong tawagin nila ako sa pangalan ko ngayon, sa kung ano ako ngayon, kaysa sa [Rustom] na matagal nang wala.

“Ayoko kasing binibiro yung kung ano ako ngayon, seryosong bagay kasi ito.

“Alam na naman ng lahat kung sino ako at hindi ko naman yun itinatago.

“Kaya nga mas gusto kong BB ang itawag sa akin at hindi yung sa dati kong pangalan.

“Lagi ko namang sinasabi sa mga interviews ko na wala na si Rustom… I’m BB now.

"Kaya naman, please lang, call me BB, not Rustom!”



NOT READY. Isa pa sa ikinalulungkot ni BB ay ang hindi pa rin nila pagkikibuan ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin tanggap ni Robin ang pagkatao ni BB.

Sabi ni BB, “Hindi pa kami ready na magkita nang personal, kaya nag-iiwasan kami.

“Medyo malungkot, kasi pamilya mo yun, pero naiintindihan ko siya.

“Sana, dumating yung araw na maging okay na ang lahat at matanggap na niya kung sino talaga ako.

“Gusto ko sana, pag dumating yung ganoong pagkakataon na magkaayos kami, ayoko na magkakaroon pa ng mga drama-drama.

"Huwag na, huwag na... ayoko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, in the end, wala naman talagang malungkot at this point, kasi happy naman ako right now.

“At alam ko na happy rin naman siya, so walang dahilan para mag-drama pa kaming dalawa.”

Sa ibang mga kapatid niya at sa kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla ay wala raw problema at tanggap na tanggap siya.

“Wala naman masyado, lalo na kay Mama.

“Kay Mama, mas maganda nga ang usapan namin ngayon, e—mas open, mas nakakapagsabi ako sa kanya ng nararamdaman ko.

“At the same time, siya rin mas nakaka-relate siya sa akin, katulad ng the way na gusto kong maka-relate siya sa akin.”



IN GOD’S EYES. Sagot daw ni BB sa Diyos kung ano man ang ginagawa niya at hindi raw niya pinapansin ang mga taong bumabatikos sa kanya.

“Hindi ko na lang iniintindi yung sinasabi ng iba.

“Ang mahalaga naman sa akin, kung ano ako ngayon, kung ano man ang ginawa ko ngayon, masaya ako doon.

“At hindi ko na iniisip pa kung ano’ng sasabihin ng iba, dahil ang mahalaga, masaya ako.

“Tsaka ang bottomline, pag mag-isa na lang ako sa bahay, Diyos na lang ang nakakakita sa akin…

“Kung ano man ang gawin ko, ako na may sagot noon sa Diyos.

“Alam ko namang may mga taong hindi ako tanggap at may mga taong tanggap kung sino ako ngayon.

“Sa mga taong hindi ako tanggap, maraming salamat. At sa mga taong naiintindihan ako, maraming-maraming salamat po.”



MORE PROJECTS. Excited na rin si BB sa mga susunod niyang proyekto.

Katatapos lang niyang gumanap sa stage play na Halik ng Tarantula at noong isang taon naman ay sa Sayaw ng mga SENIORita.

“This year, marami akong iniisip na gawing proyekto—lahat nasa proseso na inaayos namin.

“Sana, kapag okay na yung project na gusto kong gawin, suportahan pa rin ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, hindi ko pa puwede sabihin kung anu-ano yun hangga’t hindi pa sure na sure.

“Pero malaking proyekto yun… pag okey na ang lahat, sasabihin ko naman.”



"THANK YOU." Ngayon daw ay mas nararamdaman ni BB na mas maraming nakaka-appreciate sa kanya kaysa noong Rustom Padilla pa siya.

Sabi niya, “Kasi dati, puro babae lang ang tumitili sa akin.

“Pero ngayon, mapa-bata, teenager, matanda, babae o lalaki, lahat sila sumisigaw at tinatawag ang pangalan ko na BB.”

Pasasalamat naman ang mensahe ni BB sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Maraming-maraming salamat po at kahit anong mangyari, kung ano man ang dumaan, kung ano man ang dumating, lagi kayong nandiyan at nakasuporta sa akin.

“I hope po na darating ang panahon na may mga gagawing akong project.

“So please, ‘wag kayong mawawala at lagi ninyo akong susuportahan.

“Maraming-maraming salamat po sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN