Toni Gonzaga stalls wedding plans with boyfriend Paul Soriano

Toni Gonzaga on Four Sisters And A Wedding co-stars Bea Alonzo, Angel Locsin, and Shaina Magdayao: “Parang nahihiya akong mag-attitude, kasi wala silang attitude. Kaya ikinukubli ko yung attitude ko.”


Ayon kay Toni Gonzaga, nakaka-relate siya sa kuwento ng pelikula nilang Four Sisters And A Wedding dahil sa nakababata niyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Sa pelikula kasi ay gumaganap na magkapatid sina Toni, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao. At tutol sila sa pagpapakasal ng nakababatang kapatid nila na gagampanan naman ni Enchong Dee.

Paglalarawan naman ni Toni sa kapatid na si Alex, “Halo-halo yung kapatid ko—she is a mixture of different people.

"Possessed ata yun! Possessed daw, o?

Bawi naman niya, “Hindi… iba yung kapatid ko—mas luka-luka yun sa akin, mas nakakatawa yun.

May pagkakahawig ba si Alex sa pag-uugali ng mga co-stars niya sa pelikula?

“Ay, wala… malumanay ‘etong mga ito [Angel, Bea, Shaina]… conservative.

"Si Alex, kakaiba!”



REFUSED THE OFFER. Isiniwalat din ni Toni na nag-alangan siyang tanggapin noong una ang pelikula dahil sa pag-aakalang drama ang gagawin niyang project.

At inamin niyang takot na takot siya noong mga unang shooting days ng pelikula.

“Kasi, hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko, hindi ko alam kung ano ang hinahanap sa akin, na baka kulang yung ibibigay ko.

“Pero natatakot ako na baka hindi ako makasabay, e, pinagkatiwalaan ko na lang yung director ko [Cathy Garcia-Molina].

“Tapos, umasa na lang ako sa husay nila... magaling naman sila, tinutulungan nila ako.”

Pero bakit nasa kanya ang last frame sa trailer ng movie?

“Hindi naman yun ang buong pelikula! Yun ay patikim lang naman ng pelikula… hindi pa yun ang kabuuan,” sabi ni Toni.



MOOD SWINGS. Hindi itinanggi ni Direk Cathy Garcia-Molina na nahirapan siya sa paggawa ng pelikulang ito dahil mga sikat ang mga artista niya.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Toni kung may mood swings ba ang kanyang co-stars habang ginagawa nila ang pelikula.

Sagot niya, “Walang mood ‘etong apat na ito… ‘Eto ngang apat na ito ang walang mood sa lahat ng mga nakatrabaho ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nahihiya akong mag-attitude, kasi wala silang attitude. Kaya ikinukubli ko yung attitude ko.”

Natuwa naman si Toni dahil kinatutuwaan siya nina Bea, Angel, Shaina at Enchong.

Sabi niya, “Kasi yun naman ang personality ko, e, hindi ako madramang tao.

“Gusto ko, laging masaya… ayoko ng tension… ayoko ng may nag-aaway sa set… ayoko ng may conflict.

“So, ang saya-saya ng set namin—palagi kaming kumakain, lagi kaming masaya.”

Bakit naging best friend ni Toni sina Bea, Angel, at Shaina gayong never na nabalitang naging kaibigan niya ang mga ito noon?

“Wala! Natutuwa nga!” masaya niyang pagpapatunay.

“Hindi nga ako maka-kaibigan na babae… hindi ako palakaibigan sa mga babae, kasi natatakot ako matsismis, yung mga away-away.

“Alam n’yo namang na-experience ko yung… ayoko sa mga babae, yung mga ego?

“Ngayon, napatunayan ko, ‘Hi…’

"Napakabait nitong tatlong ito—isa sa mga pinakawalang attitude.”



BILLING. Tumanggi naman si Toni na mag-comment tungkol sa billing nilang magkakasama sa movie.

Magkakahilera sila nina Bea at Angel. At sa pagitan ng kanilang mga pangalan ay may “and.”Nasa ibaba naman, na mas maliit ang font size, sina Shaina at Enchong.

Saad ni Toni, “Ayoko namang magsalita tungkol sa billing, kasi unang-una, hindi ako in-charge sa billing.

“Ang Star Cinema ang gumagawa ng billing, wala po kaming say na mga artista.

“Hindi ko po alam kung meron ang director, pero wala po kaming say na mga artista… kung saan lang po nila kami ilagay.

“So far, sa mga pelikulang nagawa ko, kung saan lang po nila ilagay doon sa billing, yun na lang ang…”

Umaayon naman si Toni na sa kanilang apat, si Shaina ang pinakamatagal dahil nagsimula ito bilang child actress.

Pahayag ng The Buzz host, “Seniority-wise naman… oo, naman.

“May twenty years na ‘ata si Shaina sa business, simula bata pa lang.

"So, ibigay na natin yun kay Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa husay at pagiging beterano sa industriya, si Shaina na talaga.”



WEDDING. Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Toni sa offer sa kanya ni Bea na siya ang kakanta sa kanyang kasal.

“Etong si Bea, nakakaloka!" bulalas niya.

"Sabi ko sa kanya, a-attend na lang ako ng wedding niya, kahit sa reception lang.

“Ako kasi, libre lang… yung iba, may bayad na.”

Tatanggapin ba niya?

“Oo naman, ’no? Bea yun, ’no!” tugon niya.

Pero si Toni raw muna ang dapat maunang ikasal?

“Alam mo, kung sino pa yung ini-expect nilang mauuna, siya yung mahuhuli.”

Di ba, doon din naman ang punta ng relasyon nila ni Direk Paul Soriano?

“Oo naman, pero ayaw ko namang pangunahan.

“Kasi, ayoko naman yung sobra kang confident, na mapahiya ka naman bukas, na-headline, na… na naghiwalay na kami.”



CHANGE OF PLANS. Noong una ay pinaplano na ni Toni ang paglagay sa tahimik at may date nang itinatakda, bakit ngayon ay parang isinasantabi na niya ito?

Paliwanag ni Toni, “Yun nga ang sinasabi ko… sabi nga ng Daddy ko, ‘Ayan kasi, plano ka nang plano sa sarili.’

“Akala ko kasi, pagdating ko ng 28, 29 or 30 [years old], akala ko sobrang tanda ko na.

“Pagdating mo pala ng 28, ang bata mo pa rin!

“So… ‘Uy, ano ba itong pinagsasabi ko noon?’ Akala ko, ang tanda ko… ang dami ko pa palang gusto.

“Ngayon, ayoko nang sabihin kasi napi-pressure tuloy ako.”

Okey lang ba kay Direk Paul na isantabi ang plano nilang pagpapakasal? Hindi kaya baka mainip siya sa paghihintay?

“Hindi naman. E, sa amin na lang yung pag-uusap na yun…

"Maganda naman yung pag-uusap namin ni Paul about that. Okey naman kami.”

Hindi kaya tumututol ang mga magulang ni Toni?

“Ay, wala namang pagpipigil. Yun naman ang ipinagpapasalamat ko… walang pagpipigil, may blessing naman.”

Paano nakumbinsi ni Paul ang parents ni Toni na mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan bilang isang boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibig sabihin, yung boto [ang parents]. Ahm… pinatunayan naman sa loob ng anim na taon… patunay din…

“Nagtiyaga, naglaga, pinaghirapan din naman.”



IMMATURE ALEX. Base sa mga kuwento ni Toni, magkaiba sila ng pananaw ng kapatid na si Alex tungkol sa pag-ibig.

Sa palagay ba ni Toni ay makakaya ni Alex na sundan ang yapak niya sa paghawak ng relasyon?

“Sa tingin ko, kaya naman ni Alex at saka tutulungan ko siya.

“Saka nakikita naman niya sa akin, hindi naman ako napapariwara.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Hindi naman tayo hinihigpitan nina Daddy at Mommy para lang sa wala. Nakikita mo naman inaalagaan tayo, makinig ka na lang.’

“’Masakit man ‘yan ngayon, hindi mo man naiintindihan, in the future makikita mo naman ‘yan para sa ikagaganda ng buhay mo.’”

Ngayon nasa ABS-CBN na rin si Alex, gaya ni Toni, mas nagagawa ba niyang gabayan ang kapatid kaysa noong nasa TV5 pa ito?

“Sobra. Mas pakialamera na ako ngayon.

"Dati kasi hindi ko napapakialaman, hindi ko siya natututukan.

“Minsan, kung anu-ano ang nagagawa, napagsasabi. Kasi immature pa.

“Pero ngayon, ako na yung tumatayong magulang niya na gina-guide ko siya.

“Pati sa pagsagot sa interview, tinuturuan ko siya.”

Si Toni ba ang nagpabalik kay Alex sa Kapamilya network?

“Hindi naman ako.

“Mga situation, mga pagkakataon, mga circumstances na nangyari kaya nag-lead dito.”

Ano ang pakiramdam niya na may mga bashers ang kapatid na nagsasabing wala itong utang na loob?

“E, napagdaanan ko na yun. Lahat naman ng taong nag-grow, nasasabihan ng walang utang na loob.

“Hindi ko na masasagot ‘yan sa ngayon… napagdaanan ko na yun.

"Magmu-move on rin sila.”

Bago napunta sa ABS-CBN ay ilang taon muna ang inilagi ni Toni sa GMA-7.

Nasasaktan ba si Alex sa mga batikos sa kanya?

“Hindi. Kasi nakita niya nasaktan na ako before.

“So, napagdaanan na niya ngayon, ‘Ay, ‘eto pala yung pagdadaanan mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN