Shaina Magdayao on her suitors: “Sa sobrang bait ng mga bagong nagiging kaibigan ko, imposible na hindi ka ma-in love sa kanila.”

Hindi raw isyu kay Shaina Magdayao ang billing niya sa bagong pelikula. Sabi niya, “Sa particular project kong ito, the fact lang na kasama ako sa movie with a good role assigned to me, para sa akin is more than enough.”


Sa bagong pelikula ng Star Cinema na Four Sisters and A Wedding, gumaganap na magkakapatid sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Sa presscon ng pelikula noong Linggo, June 9, tinanong ang female cast members kung sa totoong buhay kaya ay gugsutuhin din nilang maging kapatid si Enchong.

Natatawang sagot ni Shaina: “Hindi rin po masyado!”

Birong sabat naman ni Enchong: “Sabi ko na nga ba, may pagtingin ka sa akin.”

Tumatawang sabi naman ni Shaina: “Ang kapal ng mukha mo!”

Pero dugtong ng young actres, “Gugustuhin ko ba? Para naman siyang little brother talaga sa amin ni Bea kasi isang handler lang kami.

“So, actually, nakakatuwa nga kasi para kaming nagba-bond kaming tatlo dito sa movie.

“So, hindi malayong magustuhan ko na magkaroon ng little brother.”



YOUNGEST SIBLING. Sa totoong buhay ay may tatlo ring kapatid na babae si Shaina, at siya ang bunso.

Kung sakali kaya na may bunso pa silang kapatid na lalaki, magiging katulad ba siya ng karakter niya sa pelikula na nakikialam sa lovelife nito?

Sagot ni Shaina, “Alam n’yo naman po na sa amin, ako ang bunso…

“At bilang bunso, oo ka na lang nang oo, sunod ka na lang nang sunod—respeto ko na lang ho sa mga ate ko yun.

“Basta ang sinisiguro ko lang, basta kailangan naman ng kausap o hindi na maganda ang nangyayari sa buhay pag-ibig, e, nandito lang ang bunso nila—handang makinig at ipakita sa kanila na hindi sila nag-iisa.

“The same way na ganoon din naman ang ginagawa nila sa akin.

"So, siguro, it’s just about choice and respect sa amin.”

Sa mga desisyon nila sa buhay, importante ba o may halaga ang sasabihin ng mga kapatid nila?

Ayon kay Shaina, “Ako po, hindi ko alam kung point of view ko lang ba ito or point of view ng mga bunso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero bilang bunso nga, bilang sobrang laki pa ng age gap namin ng mga ate ko, parang napagdaanan nila ang buhay, nagkamali na sila.

“So, parang ako, I’m very, very blessed with three sisters who are women of strength, of grace, na parang role model ko sila.

“So, kung anuman po yun, makikinig talaga ako.

“Definitely, nagma-matter sa akin, especially yung mga pinagdaananan nila.

“Imbes na ako mismo ang magkamali, e, makikinig na lang ho ako.

“Pero yun nga, hindi naman natin maiiwasan na magkamali rin tayo.”

Isa sa mga kapatid na babae ni Shaina ay ang actress-singer na si Vina Morales.



BILLING. Hindi naman nakaligtas sa obserbasyon ng entertainment press ang naging billing nilang lima sa poster ng pelikula.

Nasa unang hilera at mas malaki ang mga pangalan nina Bea, Toni, at Angel. At may "and" sa pagitan ng kanilang mga pangalan.

Nasa ibaba naman nila ang mga pangalan nina Shaina at Enchong na mas maliit kumpara sa tatlo.

Hiningan namin ng komento si Shaina tungkol sa naging billing nila.

Saad niya, “How my name is billed in any of my projects has never been an issue, as far as I’m concerned.

“Sa particular project kong ito, the fact lang na kasama ako sa movie with a good role assigned to me, para sa akin is more than enough.

“At saka, dream ko na talaga na maidirek ni Direk Cathy [Garcia-Molina] sa pelikula.

“Doing this movie, too, won me new friends in Angel and Toni, especially.

“In the case of Bea, everyone knows naman that we are best friends.”



BONDING. Sa kauna-unahang pagkakataon nga nagsama silang apat na babae. Ano ang mga na-gain at nadiskubre nila sa isa’t isa?

Sabi ni Shaina, “Palagi ko pong iniisip, katulad kanina, pagkatapos ng The Buzz, palagi ko pong iniisip kung gaano ako ka-blessed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, in general, maganda ang simula ng taon ko… kasama pa ako sa ganito kagandang proyekto.

“Tapos siguro, pinaka-bonus ko na, I gained friends with Angel and Toni.

“Well, kaming tatlo naman po, sabi ko nga po, si Bea naman po ay best friend ko at si Enchong ay little brother ko.

“Nakakatuwa lang po na we gain friends.

"Kung tutuusin, nakatrabaho ko naman si Angel dati, sa Lobo. Pero hindi ho talaga kami nagkaroon ng chance na magka-bond.

“Alam ko po na after this movie, panghahawakan ko ang friendship namin and I would like to keep that.

“At hindi biro rin na makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina at nagpapasalamat din po ako dun.”



MOVING ON. Marami naman ang nagagandahan kay Shaina ngayon, at tila nagbu-bloom raw ito.

Positibo ang nakikitang aura ng karamihan sa kanya ngayon. Kaya tinanong siya kung less traumatic ba ang mga nangyari sa kanya noon dahil sa positibo niyang pananaw?

Tugon niya, “Hindi po, pinagdaanan ko rin naman po ang mga kailangan kong pagdaanan.

“But, nakita ko rin ang value na kailangan kong matutunan yun… that’s why it happens.

“Sabi nga po nila, things happen for a reason.

“And yun po, nangyari naman ang mga nangyari at ang importante po, marami naman akong natutunan.

“And the more na mas naa-appreciate ko ang buhay ko dahil sa nangyari dati.

“At tingin ko, hindi ko maa-appreciate ang life ko ngayon kung hindi yun nangyari.

“So, malaki ang pasasalamat ko sa mga nangyari.”



CHANCE MEETING. Bagamat nagkaroon na ng pagkakataon na magkita sila muli ng dating boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, hindi pa raw sila nagkakausap nito.

Sabi ni Shaina, “I don’t think there’s reason to talk.

“Pero as much as possible, ayoko na sanang banggitin.

“Kasi, ayoko rin namang isipin nila na nagagamit dahil nagpo-promo tayo, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya namang inamin ni Shaina na may mga nagpapasaya naman daw sa kanya ngayon.

Nakangiti niyang pahayag, “Marami ang nagpapangiti… nagpapasalamat tayo sa mga nagpapangiti at nag-a-appreciate sa iyo.”

Meron na ba siyang natitipuhan o nagugsutuhan sa mga ito?

“Sa sobrang bait ng mga bagong nagiging kaibigan ko, imposible na hindi ka ma-in love sa kanila.

“Pero, yun nga, parang wala muna tayong oras… grabe. At nagpapasalamat tayo na puro trabaho muna.

“Kapag darating naman ang right person na yun, in God’s own time and own reason, so yun na lang po ang pinanghahawakan ko.

“I’ll be waiting for the right person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN