Venus Raj refuses to divulge "real story" behind breakup with Andrei Felix

Hindi na raw pinapansin ni Venus Raj ang mga sinasabi tungkol sa kanya pagkatapos niyang makipag-break kay Andre Felix. Paliwanag niya, “May mga nagaganap sa amin ni Andrei na hindi alam ng maraming tao. Siyempre, hindi ko naman puwedeng i-broadcast ’yon. Personal na mga bagay na ’yon... If they will only know the real story, maiintindihan nila ako at kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko."


Masayang-masaya at tila walang iniindang mabigat na problema ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj nang bisitahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng indie film na Florante At Laura sa Ninoy Aquino Parks & Wildlife sa Quezon City noong June 7.

Sa panayam namin kay Venus, sinabi niyang marami siyang dahilan para maging masaya. Ito ay sa kabila ng breakup nila ng ex-boyfriend niyang si Andrei Felix.

“Wala naman sa nature ko ang maging malungkot. Oo, medyo naging malungkot tayo kailan lang pero mabilis akong maka-recover.

“Kailangan nating mag-move on sa buhay.

“Hindi tayo dapat magpatalo sa isang bagay na alam mong kaya mo namang lagpasan.

“Kaya heto, masaya ako at pati na ang mga tao sa paligid natin,” nakangiting sabi ni Venus.

FLORANTE AT LAURA. Kabilang sa ikinasasaya ngayon ni Venus ay ang paggawa niya ng modern-day version ng Florante At Laura ni Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas.

Makakasama niya rito ay sina Ervic Vijandre, Teejay Marquez, at Ynez Veneracion. Mula ito sa direksiyon ni Chris Pablo.

Ito ang second movie ni Venus pagkatapos ng horror film na Pridyider na ginawa niya para sa Regal Entertainment last year.

Sabi ng beauty queen turned actress, “Compared naman sa Pridyider, mas malaman ang role ko rito sa Florante at Laura.

“Dun kasi, baklang babae lang ako tapos gulat-gulatan. Dito sa Florante at Laura, ako ang gaganap na Laura at malalalim ang mga dialogues namin dito in Tagalog.

“Kahit na modern setting siya, kung ano ang pagkakasulat ni Francisco Baltazar, yun ang ginagamit namin.

“Kaya super-memorize ako rito. Mabuti na lang at magaling tayo sa Tagalog kaya medyo madali lang.

"Mahahaba lang siya pero kaya naman natin.”

Isang dahilan kung bakit tinanggap ni Venus ang proyektong ito ay dahil ipalalabas ito sa mga public schools para mapanood ng maraming kabataan at maintindihan nila ang kuwento ng Florante at Laura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “May cultural relevance ang project na ito kaya tinanggap namin ng manager kong si Jonas Gaffud.

“Gusto naming mas ma-appreciate ito ng mga kabataan ngayon, lalo na sa mga hindi na nakakaalam ng istorya ng Florante at Laura.

“Para ito sa bawat estudyanteng Pinoy na dapat ay ipinagmamalaki natin ang sarili nating lengguwahe.

“Huwag nating pabayaang mawala ang kultura natin, lalo na ang mga tulad ng mga istorya ng Florante at Laura.”

BACK TO SCHOOL. Balik-eskuwela rin si Venus dahil nag-enrol siya ng kursong Community Development sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Saad niya, “After so many years, balik tayo sa pag-aaral.

“2009 pa ako naka-graduate ng college sa Bicol University in Albay. Communication Arts ang natapos ko.

“Ngayon kasi, may kinalaman sa sinamahan kong foundation na Care For Children ang pagkuha ko ng kursong Community Development.

“Marami kasi kaming mga tinutulungang mga bata ngayon sa iba’t ibang lugar. Kami ang nagsu-supply ng mga gamit nila sa school.

“Gusto rin naming tulungan ang mga batang gustong mag-aral pero wala silang kakayanan na matustusan ang sarili nila.

“Kaya marami kaming kailangan ayusin at pag-aralan para mas maging epektibo ang pagtulong namin sa mga bata.”

Malaking bagay raw kay Venus ang makatulong sa mga kabataan na mag-aral dahil siya mismo ay tinulungan para makapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo.

Pahayag niya, “Hindi ko ikinakahiya na galing ako sa ganyan. May tumulong sa akin para makapagtapos ako.

“Kaya sa pagkakataong ito, I am paying it forward.

“Alam ko ang hirap ng mga pinagdaraanan ng mga batang gustong makatapos ng pag-aaral.

"Kaya nandito ang Care For Children para kahit papa’no ay makatulong kami na matupad ang mga pangarap nila sa buhay.”

BREAKUP WITH ANDREI. Dahil sa sunud-sunod na nangyayaring maganda kay Venus, wala na raw siyang dahilan para balik-balikan pa ang pagtatapos ng relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Andrei Felix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumagal din ng one year and a half ang relasyon nila ni Andrei na nagsimula dahil sa pagsasama nila sa isang segment ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.

Inamin ni Venus na since their breakup, hindi pa sila nagkikita o nakakausap ulit ni Andrei.

“Personally, gusto kong huwag muna talaga kami magkita.

“Tama lang na he’s doing something with his life at meron akong ginagawa sa sarili ko.

“I am being productive at masaya ako sa ginagawa ko.

“Like what I said, hindi ako yung tipong magdu-dwell sa kalungkutan. Life goes on.

“Tsaka it’s my personal decision na tapusin na ang namamagitan sa amin ni Andrei.

"Buo ang desisyon kong iyon and I have no regrets,” diin niya.

Aware si Venus na mula nang nakipag-break siya kay Andrei, marami siyang nababasang hindi magaganda tungkol sa ginawa niyang pakikipag-break.

Pero desidido na raw kasi siyang tapusin na ang kanilang relasyon sa maraming kadahilanan.

Sabi ni Venus, “May mga nagaganap sa amin ni Andrei na hindi alam ng maraming tao.

“May mga pangyayari na kami lang ni Andrei ang nakakaalam.

“Siyempre, hindi ko naman puwedeng i-broadcast ’yon. Personal na mga bagay na ’yon.

“Ang alam lang kasi ng maraming tao ay yung nakikita nila kaming sweet sa TV.

“Pero it’s all so superficial—mababaw lang yung nakikita nila.

“In a deeper sense, they will see the reason why kailangan naming maghiwalay.

“If they will only know the real story, maiintindihan nila ako at kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko.

“Ngayon nga lang ako naniniwala sa mga sinasabi nila na walang perfect na pagsasama.

“You might think na perfect, pero panlabas lang lahat.”

Kaya blessing in disguise nga raw na una nang nawala ang segment nila ni Andrei sa Umagang Kay Ganda bago pa man sila naghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabuti nga na nangyari iyon kasi kung meron pa ‘yon, tiyak na mahihirapan kaming pareho.

“Hindi na magiging maganda ang rapport namin dahil mararamdaman ng mga manonood na may problema.

“Ayokong umabot pa kami sa gano’n kaya it’s a blessing na nauna nang nawala iyon,” sabi niya.

NO TIME FOR MEN. Sa ngayon ay wala munang ini-entertain na mga manliligaw si Venus dahil tutok siya sa kanyang pag-aaral at sa mga gagawin pa niya sa kanyang career.

“Ay, walay [wala] munang lalake!” sabay tawa niya.

“Tama na yung single muna ako.

“Sa ngayon kasi, busy ang lola n’yo. I want to focus on school, the foundation, and my career.

“Yun ang promise ko sa sarili ko this year.

“Ang mga lalake ay walay muna!”

Kung sakaling maging ready na ulit si Venus na pasukin ang bagong relasyon, isang simpleng lalaki lang daw ang hanap niya.

Hindi raw niya hanap ang lalake na ilalayo siya sa buhay na nakagisnan niya.

“Simpleng tao lang tayo kaya I deserve a simple man.

“May mga nagsabi nga na hindi raw ako bagay sa simpleng lalaki lang dahil Venus Raj ako. I deserve a much better man.

“Pero mali sila. Oo at si Venus Raj nga ako pero ang buhay ko ay gano’n pa rin. Hindi ako nagbago ng nakagisnan kong buhay.

“Akala kasi nila na porke’t beauty queen ang isang tao, glamorosa na ang buhay ang gusto.

“Hindi nila alam na packaging lang naman lahat ‘yan.

“Kailangan kilalanin nila kung sino ba talaga ako bago ako naging isang beauty queen.

“Simpleng tao lang ako. Hanap ko ay simpleng buhay.

“Ayokong mabuhay sa isang malaking pantasya. Hindi isang fairy tale ang buhay.

“Okey lang ang mag-ilusyon ka, pero at the end of the day, balik tayo sa reality.

“Wala akong naging hangad kundi ang mapabuti ang buhay ng mga mahal ko sa buhay. Wala akong pinangarap na magbuhay-prinsesa or magbuhay-reyna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante ay masaya ka anumang meron ka sa buhay.”

Kaya nga nagpapasalamat si Venus na napapaligiran siya ng kanyang pamilya na laging pinapaalala sa kanya na manatiling nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa.

“My family keeps me grounded. Sila ang nagpapaalala sa akin kung sino talaga ako.

“Ako naman, appreciated ko iyon dahil ang family ko ang pinaka-support system ko.

“Nandiyan sila tuwing kailangan mo sila. Unconditional love ang natatanggap ko mula sa aking ina.

“Kaya noong matapos ang bahay na pinagawa ko sa probinsiya namin, alay ko iyon sa aking ina na nagpakahirap na palakihin kami at tulungan kami na maabot ang mga pangarap namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN