Bea Alonzo clarifies reported wedding plans with boyfriend Zanjoe Marudo

Hangga’t maaari ay ayaw sanang makasama ni Bea Alonzo ang kasintahan niyang si Zanjoe Marudo. Paliwanag niya, “Depende sa story, pero as much as possible, ayaw din namin. Kasi, gusto pa rin namin iba yung professional sa personal relationship namin so mas magandang hindi.”


Sa presscon ng Four Sisters And A Wedding last Sunday, June 9, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, sinabi ni Bea Alonzo na sinabihan na niya si Toni Gonzaga na ito ang kakanta sa kasal niya.

Dahil dito, marami tuloy ang nagtanong kung may balak na nga ba si Bea na lumagay sa tahimik at pasukin ang buhay may-asawa.

Madalas na rin kasing sinasabi ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na si Bea talaga ang gusto nitong pakasalan.

Pero sabi ng Kapamilya actress, “Hay naku, hindi! Hindi nga siya [Zanjoe] kasama sa usapan.

“Kami-kami lang ang nag-uusap… ’kala mo naman kami ang magpapakasal talaga. Hindi ano?!

"Mahilig kaming mangarap, kaming tatlo, kasi nga parang smooth-sailing ang mga relasyon namin."

Ang tinutukoy ni Bea ay ang female co-stars niya sa Four Sisters And A Wedding na sina Toni, Shaina Magdayao, at Angel Locsin.

Paglilinaw pa ni Bea, “Nangangarap kami… siyempre mga babae kami, pangarap naming lahat ‘yan.

“Nangarap kami, napag-uusapan na, ‘Oy, Toni, ikaw na ang kakanta,’ ganyan-ganyan.

“Siyempre, di na namin isi-share yung mga ibang details, pero napag-uusapan yung mga favorite naming destinations, sino ang may gusto ng church wedding… mga ganoon.”



ACHIEVER. Masaya at proud naman si Bea sa achievements ng boyfriend niyang si Zanjoe, tulad ng matagumpay na pelikula nitong Bromance.

Saad ni Bea, “I am very, very proud of him.

"I am happy na nagawa niya ang pangarap niya—isang comedy film kung saan dalawa siya... and bading yung isa, so very, very proud.

“Tapos, yung Annaliza, maganda yung itinatakbo, mataas ang ratings."

Kahit na nasa iisang network at film company sila ni Zanjoe, ayaw raw ni Bea na makasama sa isang proyekto ang kasintahan hangga’t maaari.

“Depende sa story, pero as much as possible, ayaw din namin.

“Kasi, gusto pa rin namin iba yung professional sa personal relationship namin so mas magandang hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BILLING ISSUE. Puro malalaking artista ang kasama sa Four Sisters and A Wedding, na ipalalabas na sa June 26. Kaya naman marami ang nagtatanong kung wala bang sapawang nangyari sa kanilang apat.

Sagot dito ni Bea, “Hindi naman… kasi lahat kami nirerespeto si Direk Cathy [Garcia-Molina], si Direk Cathy ang nagdedesisyon ng lahat.”

Marami rin ang nakapansin sa kakaibang billing ng Four Sisters and A Wedding.

Magkakahilera sa itaas ang mga pangalan nina Bea, Toni, at Angel; at may "and" sa pagitan ng bawat pangalan nila.

Nasa ikalawang linya naman ang magkapantay, ngunit mas maliit, na pangalan nina Shaina Magdayao at Enchong Dee.

Ayon kay Bea, “Wala naman akong naging problema.

"Hindi mo hinihingi yun, sila magbibigay noon.

“I don’t know, I really don’t know, I don’t pay so much attention on that."

Dagdag niya, “Masaya, masayang pelikula siya.

"First time kong gumawa ng family movie na comedy, fam-com… so, ayun.

“Masaya naman, masaya kami sa set, marami kaming natutuhan sa isa’t isa.”



NEW SERYE. Matagal na rin ng huling napanood sa isang teleserye si Bea—ang A Beautiful Affair kunsaan nakatambal niya si John Lloyd Cruz.

Ayon sa aktres, may isang serye pa siyang nakalinyang gawin bago matapos ang taon.

“Hindi ko lang alam kung sino ang makakasama ko, ang alam ko lang mayroon akong soap.

“Nami-miss ko, pero siyempre, iba pa rin yung fulfillment na nasa pelikula ka,” sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN